CHAPTER 33

287 12 0
                                    


Padabog akong humiga sa kama hindi parin ako makapaniwala sa nangyare kanina, napahawak ako sa noo ko hanggang ngayon ramdam ko parin ang labi ni freen sa noo ko.

"Shit" napasabunot ako sa buhok ko "Bakit ang rupok ko?"

"Lainey, haisely?" Sabi ko nang makita ang dalawa sa mall kapatid ni mia si lainey and si haisely naman girlfriend niya

"Ate nathia" halos sabay na sabi nila

Lumapit ako at nakipag beso sa dalawa "Long time no see!"  Matagal na nang huli ko silang makita, sapagkakatanda ko naghiwalay sila non pero sabi naman ni mia nagka-ayos na sila. Pagkatapos namin nag-usap nagpaalam na rin ako sa dalawa dahil ayoko naman makaabala sa date nila.

"Kung kayo talaga ang para sa isa't-isa tadhana na mismo ang gagawa ng paraan para sa inyong dalawa"  pahabol sabi ni haisely

Inirapan ko ang dalawa bago ako tuluyan umalis, hindi ko alam kung dapat pa ba akong maniwala sa mga ganyan?

"Nathia!"

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si sean may hawak pa siyang dalawang cup of coffee sa kamay niya, ngumiti ako nang makalapit na siya binigay niya sa'kin ang isang kape.

"Thanks" I said smiling

Sinamahan ko si sean sa mall nag text siya kagabi at nagpapasama siya, nakakahiya naman tumangi. Nang matapos siya nag-yaya pa siya kumain, dinala ako ni sean sa mamahaling restaurant papasok na sana ako sa loob nang bigla akong napahinto dahil nakita ko si freen sakto pa talagang nagtama ang mga mata namin.

"Are you okay?" Napalingon ako kay sean nakatingin siya sa'kin

Maliit akong ngumit kay sean bago tumango, nagulat pa ako ng hawakan niya ang kamay ko bago kami pumasok sa loob ng restaurant.

Napamura ako sa isip ko nang upuan namin, pasimple akong tumingin kay freen pero kaagad din ako napaiwas ng tingin dahil nakatingin parin si freen sa'kin hanggang ngayon. Ang awkward tuloy

Hindi ako makakain ng maayos dahil alam kong may taong nakatingin sa akin, kaya naman nagpaalam ako kay sean na mag C.R

"Gosh ano bang nangyayare sa'kin? Okay naman ako huh? Pero bakit ngayon? Bakit parang may mali?" Inis kong tinignan ang sarili ko sa salamin.

"Are you okay?"

Nagulat ako nang makita si freen nasa tabi ko na siya ngayon habang nakatingin sa salamin.

"Oo naman" peke akong ngumiti sa kanya, inayos ko na ang sarili ko at nagmamadaling lumabas ng C.R pero bago pa ako makalabas muling nagsalita si freen kaya napahinto akong tumingin sa kanya.

"So that man is your boyfriend?" 

"What?" Inismiran ko siya at nagawa pa niya itanong iyon sa akin? Gusto ko tuloy matawa.

"Is it true?" Tanong niya ulit hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya ngayon.

"So what kung boyfriend ko nga siya? At isa pa-"

"Nothing" she cut me off, naglakad siya at nilagpasan ako.

Buong gabi hindi ako masyadong nakatulog dahil, kaya puyat akong gumising, naligo na ako at nag ayos dahil ngayon ang kasal ni engineer leo. Kasama ko si sean pupunta dahil ang dalawa kong kaibigan busy sa life nila kaya wala akong choice kundi isama si sean mabuti na lang at pumayag naman siya. Pagdating namin sa isang hotel kung saan ginanap ang kasal hindi na ako nagulat nang makita si freen. Paminsan-minsan tinitignan ko siya hindi ko alam kung napapansin ba niya ako dahil hindi naman siya tumitingin sa akin.

After nang wedding nilapitan ko si leo at ang asawa niya nagkataon pa paglapit ko nandon na si freen kausap nila,

"Masaya akong okay na kayong dalawa" nakangiting sabi ni leo

TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE  Where stories live. Discover now