CHAPTER 22

143 3 0
                                    

Kinabukasan gumising ako ng maaga para maabutan si freen, subalit paggising ko nakaalis na siya

Paglabas ko ng kwarto mayroon na ulit nakahandang breakfast. Hindi sana ako kumain pero kumakalam ang tiyan ko dahil hindi ako kumain kagabi kaya kumain na lang ako kaysa magutom.

Pagkatapos kong maligo at nag-ayos lumabas nako pupunta ako ngayon sa tagaytay dahil tumawag si engineer leo may ipapakita raw siya sa'kin isa pa kailangan kong pumunta dahil trabaho ko 'yon.

"Engineer leo"  tawag ko kay leo medyo nasa malayo siya. Nang makita niya ako kaagad siyang naglakad palapit sa'kin.

"Kanina kapa" tanong niya umiling naman ako dahil kakarating ko lang naman.

May pinakita si leo sa'kin tungkol sa mga binago sa resort sinabi ko kasi na baguhin iyong ibang style, Pagkatapos namin mag-usap ni leo umalis siya pero kaagad ding bumalik agad.

"Oo nga pala nakita ko si freen kagabi sa bar"

"Huh?" Wala sa oras akong napatingin kay leo, tama ba iyong narinig ko? Napansin ata ni leo ang mukha ko kaya nagsalita ulit siya

"Baka may ka meeting lang si freen" maliit na ngumiti sa'kin si leo.

Kahit naguguluhan pinilit ko na lang tumango, bakit naman nandoon si freen? Sa dami ng ibang lugar bakit sa bar pa kung may ka meeting siya? O baka hindi naman siya 'yon? Baka nagkamali lang si leo. Tatanungin ko na lang si freen mamaya sugurado ako na hindi siya ang nakita ni leo sa bar.

Maaga akong umuwi dahil hindi ako mapakale simula nang marinig ko iyong sinabi ni leo sa'kin.

Pagpasok ko sa condo pumasok ako sa kwarto at nagpalit ng damit, lumabas din agad ako para magluto ng dinner namin ni freen.

Pagkatapos kong magluto nag shower na'ko at saka nagsuot ng pajamas, umupo ako sa sofa para hintayin si freen.

Katulad kagabi late nang makauwi si freen, pagbukas ng pinto ng condo tatayo na sana ako para salubungin si freen ngunit kaagad akong napahinto nang makita kong naglakad na si freen papunta sa kwarto ni hindi man lang niya akong nagawang tignan na para bang wala siyang nakita.

Hindi naman ganito dati si freen pero bakit ngayon? Tila sa isang iglap nagbago na siya? Kahit masakit sa akin pinilit kong tumahimik baka pagod lang siya sa trabaho, oo pagod lang siya.

Hindi na ako kumain dahil nawalan na ako ng gana, paggising ko kinabukasan maaga na naman umalis si freen at umuuwi siyang late na halos hindi ko na siya nakikita at hindi narin kami nakakapag-usap dahil pagdating niya ay kaagad na siyang matutulog at kinabukasan wala na naman. Nawala tuloy sa isip ko na tanungin siya tungkol sa sinabi ni leo.

(Nat sama ka samin sa bar)  yaya ni mia kausap ko siya sa phone.

(May gagawin ako) matamlay na sagot ko

(Girl wag kang kj, basta daanan ka namin ni riya dyan)

Hindi na ako makaagal dahil pinatay na ni miya ang tawag.

Pagpasok namin nila mia sa bar napairap ako nang makita ko ang mga tao at ang ingay ng paligid, well ano pa ba ang inaasahan ko bar to kaya natural maraming tao.

Hindi ako uminom nakaupo lang ako habang nakatingin sa mga taong nagsasayaw

"CR lang ako" paalam ko sa dalawa.

Pagpasok ko sa CR saktong may palabas na babae mukhang lasing na siya hindi na siya tuwid maglakad hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakaharang ang buhok niya, hindi ko na 'yon pinansin pumasok nako sa isang cubicle.

Mayamaya ay may narinig akong pumasok sa CR rinig ko pa ang mga boses ng pumasok mukhang dalawang babae iyong pumasok.

Lalabas na sana ako mula sa cubicle nang napahinto ako sa narinig ko at biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Do yo love her? Do you love Nathia Becky Armstrong?"  Salita ng babae

Hawak hawak ko ang dibdib ko habang hinihintay ang sagot niya alam ko siya alam kong si freen ang kausap nong babae. Hindi na ako dapat kabahan dahil alam kong mahal niya ako. Mahal ako ni freen at hindi niya ako sasaktan. Ngunit...........

Bigla akong nanghina nang marinig ko ang sinabi niya.

"Hindi ko mahal si nathia, I never loved her"

Parang nagpintig ang tainga ko sa narinig ko boses niya 'yon boses ni freen iyon.

Napaupo ako habang unti-unting tumutulo ang mga luha ko. Parang sinasaksak ngayon ang puso ko, parang akong pinapatay sa sakit nang nararamdaman ko ngayon.

TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE  Where stories live. Discover now