CHAPTER 12

169 5 0
                                    

DITO PA DIN SIYA NAKATIRA?

Nangunot ang noo ko nang papasok kami sa condo unit ni freen, at sakabila naman ang dating condo ko.

Tahimik lang siya habang papasok kami, parang normal lang sa kanya hindi man lang siya naiilang o ano, siguro wala na lang sa kanya ang mga nangyare noon. Nakakahiya pero wala akong magawa dahil malakas ang ulan at bumaha sa mga daan, magpapasundo sana ako kay mia o kaya kay riya pero delikado.

Nag text ako kay mommy, sinabi kong hindi ako makakauwi ngayon dahil malakas ang ulan. Sinabi ko rin sa kanya na matutulog ako sa bahay ng kaibigan ko, kaya yon hindi na siya nag reply.

Pagkapasok namin pumasok binigyan ako ni freen ng white t-shirt at short, wala man lang siya kahit anong sinabi. Kinuha ko 'yon saka pumunta sa CR. Paglabas ko may kumot at isang unan sa sofa, para sa akin. Hindi naman ako nag expect na sa kwarto niya ako papatulugin, after all?

Tumingin ako sa kusina may nakahandang pagkain doon sa mesa. Ayoko sanang kumain pero hindi ako kumain kanina sa resort kaya eto at nagugutom ako.

Kinaumagahan maaga akong nagising, hindi na ako nakapag paalam kay freen dahil hindi pa siya lumalabas sa kwarto niya mukhang tulog pa.

Pagdating ko sa bahay naligo na ako at nagbihis I was wearing trouser pant with white top and pair of white shoes.

Pagkarating ko sa office kaagad sumalubong sa'kin ang secretary ni mommy, sinamahan niya ako sa office ko. Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya bago siya umalis.

11: 20 PM nang lumabas ako sa office, kailangan kong pumunta sa tagaytay naayos na ang kotse ko. At maayos na ang mga daan.

Pagdating ko tulad ng inaasahan ko nandito si freen kausap niya ang dalawang engineering. Tinawag ko ang isang worker at ibinigay sa kanya ang dala kong paper bags, mga pagkain 'yon

Umupo ako sa isang table, tumingin sa'kin ang dalawang engineering, ngumiti iyong dalawang engineer, kaya nginitian ko rin naman sila pabalik. Si freen sinulyapan lang niya ako

Umalis na rin ang dalawang engineering pagkatapos nilang mag-usap, ibang project siguro pinag-usapan nila dahil si engineer leo naman ang humahawak sa project na to.

"Excuse me?" Tawag ko sa isang worker na dumaan "Nasaan si engineer leo?" Tanong nang mapansing wala siya sa paligid.

"Umalis po kanina maam" sagot niya.

Tumango ako

"He's busy"

Nagulat ako ng nagsalita si freen nakaupo na siya ngayon sa kabilang kung nasaan ako. Tinanguan ko na lang din siya

Mayamaya pa ay may nilapag siyang paper bag sa table, inilapag lang niya iyon basta-basta tapos hindi man lang niya tinignan nakafocus siya sa laptop niya.

"Eat" sambit niya pagkatapos ng katahimikan

Kumunot ang noo habang nakatingin sa kanya.

"Don't you eat lunch?" Tanong niya, hindi siya nakatingin sa'kin.

Oo nga pala lunch na, gutom na'ko kaya hindi na ako tumanggi.

"Hindi ka kakain?" Tanong ko

"Hindi" maikling sabi niya

Hindi nako muling nagsalit at kumain na lang, busy naman siya kaya okay lang na kumain ako dito.

Habang kumakain ako tumayo si freen dahil may sinagot siyang tawag

"I'm buys, Via"

Iyon ang narinig kong sinabi ni freen bago niya ibinaba ang tawag, napabuntong hininga pa siya.

Bumalik ulit siya at nag focus ulit doon sa laptop nasa harap niya.

Napaisip tuloy ako kung sino iyong kausap niyang via, girlfriend ba niya? Gustuhin ko man magtanong pero hindi naman kami magkaibigan, magkatrabaho lang at hanggang doon lang 'yon.

Pagkatapos kong kumain, nagtagal pa ako roon, naglibot-libot ako dahil ang awkward lang kasi na kasama mo si freen roon.

Nang napagdesisyunan ko nang umuwi, lumapit ako kay freen

Humikhim ako nang makalapit na ako sa kanya, tumingin naman siya sa'kin at hinihintay ang sasabihin ko.

"I'm going home" I said

Tumango lang siya sa'kin, kaya umalis na ako bago pa ako mainis

Seriously? Tumango lang siya? Napairap ako sa loob ng kotse ko.

Gabi na nang makarating ako sa manila, pagkarading ko sa bahay nangunot ang noo ko nang makita si mia at riya nasa living room.

"Girl...."

Sabay na sigaw ng dalawa saka pumunta sa'kin at niyakap ako.

"Omg, girl I miss you" ani mia

"I miss you nat" si riya

Ngumit ako sakanila, ang tagal ko rin hindi nakita ang dalawang to.

"I miss you girls" nakangiting sabi ko.

"At dahil diyan sasama ka sa akin sa bar ko" masayang sabi ni mia,

Oo nga pala isa na siyang bar owner ngayon si riya naman may coffee shop siya.

Tatanggi sana ako pero alam kong isasama pa rin ako ng dalawang to.

Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis, I was wearing a mini blue dress hanggang tuhod. Paglabas ko hinihintay na ako ng dalawa sa sasakyan ni mia.

Sumakay na ako roon hindi na ako nagdala ng kotse, dahil nandito naman si mia.

Ilang minutes lang at huminto ang sasakyan ni mia sa isang bagong bar.

Pumasok kami roon. Expected na talaga ang daming tao sa loob ng bar, lalo na sa dance floor.

Umupo kaming tatlo sa isang table, may sinabi si mia pero hindi ko marinig dahil masyadong maingay.

Umalis si mia para kumuha ng drinks, nagyaya naman si mia sumayaw. Kaya tumayo kami at pumunta sa dance floor.

Tumatawa ako habang nagsasayaw kami ni riya, pagbalik ni mia nakisayaw na rin siya samin.

Nang mapagod ako, bumalik na ako sa table namin. Umupo ako ulit sa table namin 

Inikot ko ang paningin ko sa loob ng bar, sa paglilibot ng paningin ko. Napahinto ako sa babaeng nakatingin rin sa'kin....

Nanlaki ang mata ko ng makilalang kung sino iyon

Si freen.

Kaagad akong nag-iwas nang tingin saka uminom doon sa drinks dala ni mia kanina.

Hindi ko alam kung anong ininum ko nalasahan ko na lang ang pait nito.

Ayoko na sana tumingin ulit kay freen, pero parang hinihila ang mata ko  tumingin doon. Pagtingin ko

Mabuti na lang at hindi na siya nakatingin sa akin ngayon, may kausap siyang babae. Nakangiti pa iyong babae na parang Kinikilig habang magkausap sila.

Napairap ako at muling uminom, wala na akong pakealam kahit mapait.

Biglang akong nainis sa aking nakita, hindi ko alam kung bakit pero nakakainis talaga....

TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE  Where stories live. Discover now