CHAPTER 23

148 4 0
                                    

Umuwi ako sa condo habang basang basa ako ng ulan, naglakad lang ako mula sa bar pauwi at bigla naman umulan sumasabay sa sakit ng nararamdam ko ngayon.

Pagpasok ko nakita ko kaagad ang bag ni freen sa sofa nakauwi na siya, nakatayo ako ng ilang minuto nang matakpuan ko ang sarili ko naglakad palapit sa pintuan ng kwarto namin. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto

Ang mga luha kong natuyo na kanina ngayon ay unti-unting nagsisipatakan ang mga butil ng luha ko habang nakikita ko si freen nakahiga sa kama, paano niya nagagawa sa'kin to? Paano niya ako nagawang saktan ng ganito?

Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa'kin mukhang tulog na siya.

Napapikit ako habang tuloy parin ang pagbuhos ng mga luha ko, paano niyang nagagawang matulog habang niloloko niya ako? 

Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang paghikbi ko, nang hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko tumakbo ako papunta sa CR pagkapasok ko ni lock ko ang pinto ng CR.

Tuluyan nakong napahahulhol napahawak ako sa dibdib ko dahil ang sakit-sakit, patuloy padin ang pag-iyak ko.

Napaupo ako sa sahig at sinabunutan ang buhok ko ang tanga-tanga ko, sakabila ng mga nalaman ko ay mahal ko parin si freen kahit nasasakan ako kahit sobrang nasasaktan ako ngayon mahal ko parin siya hindi ko parin siya kayang mawala sakin. Anong gagawin ko? Anong dapat kong gawin?

Nang mapagod ako kakaiyak tumayo na ako para maligo, habang naliligo umiiyak na naman ulit ako pagod na ako kakaiyak pero patuloy parin ang pagbuhos ng mfa luha ko lalo akong napaiyak nang makita ko ang sugat sa tuhod ko habang pauwi ako kanina nadapa pa ako dahil hindi ko makita ang daan dahil sa mga luhang walang tigil sa pagbuhos.

paglabas ko pumasok ako sa kwarto ganon parin si freen tulog pa rin siya hindi ko alam kung gaanon ko siya katagal pinagmasdan hindi ko nakikita ang maaamo niyang mukha dahil nakatalikod siya sa'kin.

Pagkatapos kong magbihis lumabas din ako, umupo ako sa sahig habang nakasandal ang likod ko sa sofa nasa sala ako ngayon.

"Shit" napahawak ako sa mukha ko hindi ko namamalayan umiiyak na naman ako, niyakap ko ang tuhod ko habang tahimik na umiiyak. Para akong batang iniwan ng magulang habang umiiyak, hindi ko alam kung kakayanin ko ba to pakiramdam ko mababaliw ako kakaisip.

Natatakot akong kausapin si freen natatakong akong magtanong natatakot ako kung ano ang isasagot niya sa'kin kapag tinanong ko siya, natatakot ako sa sasabihin niya. Dahil alam kong hindi ko kakayanin kung ano man ang sasabihin niya sa'kin mas gugustuhin kong tiisin ang sakit wag lang siya mawala sa'kin. Tatanggapin ko ang lahat basta alam ko saakin parin siya uuwi..

Kinabukasan nagising ako ng maaga hindi ko alam kung nakatulog ba ako dahil buong gabi ata ako umiiyak, sa sofa natulog dahil hindi na ako pumasok sa kwarto ulit. Pagkatapos kong maghilamos napatingin ako sa mga mata kong namamaga na dahil kakaiyak ko.

Pagkatapos kong magluto inihanda ko na ang pagkain sa table, alam kong sa sarili ko na hindi naman kakain si freen pero eto at ginagawa ko parin. Alam kong tanga ako pero nagpapakatanga pa ako lalo.

Nang marinig ko ang pagbuhak ng pinto mula sa kwarto nagmamadali akong pumasok sa CR ayoko kong makita si freen baka hindi ko kayanin baka umiyak ako sa harap niya baka mailabas ko lahat ng sakit na nararamdam ko ngayon.

Nagtagal ako sa loob ng CR mayamaya pa narinig ko na ang pagsarado ng pinto nakaalis na si freen, lumabas ako mula sa CR may namumuong luha na naman sa mga mata ko.

May nakita akong notes sa sofa kinuha ko 'yon at binasa ang nakasulat

GOOD MORNING, TAKE CARE :<

Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko, lalo pa akong napaiyak nang makita ang table kung saan wala na doon ang pagkain nakita ko din ang plato kakahusag lang

"Kumain siya?" Eto ang unang beses kumain siya ng luto ko

TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE  Kde žijí příběhy. Začni objevovat