CHAPTER 4

1.4K 16 2
                                    

Chapter 4: Offer

IBINALIK na rin sa akin ng bata ang hoodie ko dahil pinahiram na siya ng kuya niya ng pink na coat nito. Hindi naman ako judgemental sa mga taong kagaya niya pero ayoko pa rin talaga ang hinahawakan ako.

“Kung ganoon ay mag-isa mo lang nilabanan ang mga lalaking muntik ng pagsamantalahan ang kapatid ko?” gulat niyang tanong. Wala pa ring ekspresyon ang mukha ko. Muntik lang?

“Muntik lang? Pinagsamantalahan na nila ang kapatid mo at sana gawin mo ang lahat para mabulok sa kulungan ang mga hudas na iyon,” malamig na sabi ko at umawang pa ang labi niya. Parang may nakagugulat sa sinabi ko sa naging reaksyon niya.

“Parang hinukay naman sa libingan iyang boses mo. Kasing lamig ng yelo, sis. By the way, don’t worry. Sabi raw ni chief ay nasa wanted list daw ang apat na tarantadong ko iyon. Mga adik naman pala. Kaya naman nagpapasalamat ako sa iyo, Miss— Tanggalin mo nga iyang hoodie mo. Hindi ko makita ang maganda mong mukha.” Kumunot lang ang noo ko. Uutusan pa ako, eh hindi naman magkakilala.

“Tsk. Aalis na lang ako tutal nandito ka na. Next time ay higpitan mo na ang kapatid mo. Babae pa naman at parang hindi kayo aware sa nangyayari rito.” Tatayo na sana ako nang hilahin niya ang braso ko.

“Sandali lang naman, sis. Mag-usap muna tayo. Malaki ang utang na loob ko sa iyo. Nag-iisang kapatid ko lang si Adesys. Kaya naman...magsabi ka lang sa akin kung ano ba ang gusto mo. Na kaya kong ibigay sa ’yo. Like money or something,” sabi niya at napaisip naman ako sa suhestiyon niya. Ngunit kailangan pa ba iyon?

“Tumulong ako sa kapatid mo hindi dahil gusto kong may makuha ako sa inyo. Hindi ako ganoon.” Kahit na walang-wala na ako ngayon. Kusang loob akong tumulong at isa pa hindi ko naman kayang pabayaan na lang na may mangyari sa bata.

Kaya ba iyon ng konsensya ko? Psh.

“Pero sige na. Sabihin mo na sa akin kung ano ang puwede kong maibigay sa ’yo,” giit niya at bumuntong-hininga ako.

“Bahay. Iyon ang wala ako,” diretsong sabi ko.

“Bakit wala kang bahay? Naglayas ka ba?” tanong niya.

“Tama. Naglayas nga ako sa amin. Tapos nanakawan pa ako,” sabi ko at hindi ko na sinabi pa ang buong detalye.

“Oh. Alam mo. Maganda ka. Ano ba ang talent mo?” tanong na naman niya at matiim niyang tinitigan ang mukha ko.

“Sumayaw,” simpleng sagot ko.

“Alam mo... baka... Gusto mong maging stripper ng isang sikat na clubhouse? Matataas magbigay ng tips ang mga customer namin at...puwede kitang ipasok doon.”

“I’m not prostitute,” tanggi ko at muli akong tumayo.

“Bibigyan kita ng bahay na matutuluyan! Promise sasayaw ka lang at hindi kita ipahahawak sa kung sino mang lalaki.”

Hinarap ko siya at nang pinukulan ko siya nang masamang tingin. Sa takot niya ay muli siyang napaupo.

“Pagkatapos kong tulungan ang kapatid mo sa mga hudas na iyon ay ganyan pa ang kaya mong ibigay sa akin na trabaho? Seryoso ka ba?” Bayolenteng napalunok siya.

“Sasayaw ka lang naman. Walang malisya iyon. Ilalabas lang kita kapag importanteng event. Pumayag ka na. Hindi mo naman kailangan na ipakita ang face mo.” Kapit sa patalim iyon. Walang-wala nga talaga ako ngayon at hindi ko na nga alam kung saan pa ako pupunta.

Humugot ako nang malalim na hininga. “Sige. Pero wala muna akong pipirmahan kahit na anong kontrata. Titingnan ko muna kapag nagsasabi ka ng totoo.” Sa tuwa niya ay napatayo na naman siya. Hahawakan na naman sana niya ako sa kamay ko nang umiwas ako.

The Billionaire's Private Stripper (Exclusive For Dreame/Yugto)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant