CHAPTER 25

985 9 0
                                    

Chapter 25: Midnight Snack

PAGOD na pagod ako nang makauwi na ako sa mansion ng Rousville family. Nangangatog pa ang mga binti ko at parang nahihirapan akong maglakad.

Napaupo pa ako sa hagdanan at hingal na hingal pa. I bit my lower lip dahil sa nararamdaman kong pamamaga ng pagkababae ko. Nararamdaman ko pa rin ang labi niya and length. God... Ang makasalanan niyang dila na paulit-ulit naglabas-masok kanina then his fvcking thing.

Tumayo na rin ako para makapagpahinga na pero hindi pa man ako nakalalayo nang may nagsalita na.

“Kadarating mo lang ba, Froyee?” Muntik pang mag-slide ang isang paa ko. Mahigit isang oras na ang nakalipas simula nang maghiwalay kami roon sa clubhouse pero ngayon lang din siya nakauwi? Saka ayokong harapin siya ngayon gayong may nangyari sa amin. Sinulyapan ko lang siya saka ako nagpatuloy sa pag-akyat. “Suplada,” komento niya kaya umikot ang eyeballs ko.

Naramdaman ko lang ang mabilis na pagsunod niya kaya binilisan ko na lamang ang pag-akyat ko pero nagawa niya akong sabayan at nang lingunin ko siya ay nakataas ang sulok ng mga labi niya.

“What?” mataray na tanong ko sa kanya.

“Saang call center company ka ba?” bigla ay tanong niya. Ako naman ang napakunot-noo.

“Bakit mo naman iyan tinatanim?” I fired back.

“Para sabay na tayong umuwi. Susunduin kita,” sagot niya.

“Ayoko nga,” saad ko at nagpatuloy na ako sa paglalakad pero humahabol pa rin siya. Pareho pa nga kaming napaatras na dalawa nang makita ang nakababatang kapatid niya na si Ace.

Nakakrus ang magkabilang braso nito at nakaiinis lang. Parehong-pareho sila ng kuya niya na may nakaiinis na ngisi sa mga labi nila.

“Tell me. Nag-d-date kayo, ’no? Tapos secret lang para hindi namin malaman?” akusasyon nito. Hay naku, Ace. Kung alam mo lang na hindi iyon ang ginagawa namin. Mas malala pa. Mas malala pa sa iniisip mo.

“Shut up, Blaixe. Matulog ka na lang doon. May pasok ka pa bukas.” Ace frowned nang marinig ang sinabi ng kuya niya sa kanya. Napahawak siya sa batok niya at sinamaan pa niya ito nang tingin.

“Ano naman ang akala mo sa akin, Kuya? Bata?” parang nagtatampong saad nito saka niya kami tinalikuran.

“Bata ka naman kung makaasta,” pahabol pa na sabi ni Milkaine.

“Pareho naman kayong isip bata,” sabi ko at tinalikuran ko na siya.

“Froyee. Gusto mo ba ng midnight snack?” Napataas ang kilay ko sa imbitasyon niya. Muli akong napatingin sa kanya.

Nakasuksok na ang isang kamay niya sa bulsa ng kanyang pantalon. Nakatitig siya dahil naghihintay sa isasagot ko. Kung gusto ko nga bang mag-midnight snack kasama siya? Seriously? Ito ba iyong one hour na ang nakalipas simula nang mag-sèx kami? Hindi ba parang nakaiilang naman iyon?

Pero kasi hindi naman niya alam na iisa lang kami ng babaeng binayaran niya ng isang milyon at may isang daang libo na naman siyang ibinigay sa bank account ni Azis. Hindi ba malulugi ang hotel niya kapag ganoon?

“Ano naman ang ipapakain mo sa akin na snack?” nakataas ang kilay na tanong ko.

“Gagawa lang ako ng egg sandwich,” sagot niya. Naalala ko ang ginawa namin kanina. Nakapapagod nga iyon. Napainom pa nga ako ng tubig pagkalabas ko mula sa VIP room. I took a deep breath and nodded. “Come on,” pag-aayos niya at sumunod na ako sa kanya.

Sa highchair ako umupo kasi siya naman ang gagawa ng midnight snack naming dalawa. Puting longsleeve na lamang ang suot niya at ang manggas nito ay tinupi niya lang hanggang siko niya. Lumapit naman siya sa ref para kumuha yata ng egg.

Nilapitan ko naman siya at sumilip din sa loob. Marami silang naka-stock na rito na foods and drinks.

“I’ll cook the egg first. What do you prefer, half-cooked or fried egg?” he asked.

“Just the last one. Then you add more mayonnaise, huh?” suggestion ko pa. Feeling ko ay iyon talaga ang mas masarap sa palaman sa bread.

“There’s also beef here in the fridge. I will fry it too so that our sandwich will have two flavors,” he uttered at kumuha siya ng iilan na slice ng beef.

“Just like burger?”

“Yeah. But we don’t have that kind of tinapay.”

“Like big circle bread?”

“Yes, that one.”

I didn’t even realize Milkaine and I were talking like we were close too. I really enjoy talking to him because he is kind. Magaan na kasi ang loob ko sa kanya. I don’t feel like there’s a danger or he has a bad motive towards me but nothing. He’s not that kind of person. I already know his parents. They are already good people at naiinggit ako na lumaki siya na punong-puno ng pagmamahal ng parents niya.

“Softdrink ang gusto ko, Milkaine.”

“No alcohol. Juice muna. Like this.” Kinuha niya ang isang strawberry juice. Napatango naman ako.

“Gusto ko dalawa,” sabi ko pa. Paano naman kasi isang sipsip lang yata ay ubos ko na.

“Okay. Now, umupo ka na ulit.”

Pinapanood ko lang siya habang abala na siya sa pagluluto at paggawa ng sandwich namin. Ilang minuto ang nakalipas ay sabay na kaming kumakain. Tig-dalawa nga ang sandwich namin. Pero may pinapapak pa rin kami ng chips. Ang dalawang juice na hinihingi ko ay naging apat na.

Napatingin ako sa kanya nang mahuli kong tinititigan na naman niya ako.

“Oh? May sasabihin ka ba?” curious kong tanong. Parang may sasabihin kasi siya.

“Gladysse told me na gusto ka niyang sponsor-an. Wala ka bang balak mag-aral ulit?” Sumipsip muna ano sa straw ko habang nakatitig sa kanya. Sinundan niya tuloy iyon nang tingin. Nagkibit-balikat ako.

“Wala akong plano na mag-aral ulit,” sabi ko lang at muli akong sumubo ng chips na mabilis niyang inagaw iyon.

“Alam mo ba kung ano’ng course ang gusto niyang makuha mo?” tanong niya at muli ko ring kinuha sa kanya ang chips.

“Ano?”

“BS Criminology,” he answered.

“Ano iyon?” tanong ko at pinagtaasan niya ako ng kilay.

“Hindi mo alam ang kriminolohiya?”

“Magtatanong ba ako kung alam ko? Lumaki ako sa Japan. Wala akong matandaan tungkol sa course rito sa inyo,” paliwanag ko at napatango naman siya.

“Criminology is the scientific study of crime and criminals.”

“Ah,” tumatangong sambit ko.

“Naalala mo ang dalawang Monteverde? Ang asawa ng ate ko at ang...manliligaw ni Gladysse?”

“Manliligaw iyon ng kapatid mo?” gulat na tanong ko pero umiling siya.

“Isang director sa NBI iyong asawa ni Ate Rish. Pulis din ang isa pero parte pa rin siya ng NBI. Kapag tinanggap mo ang offer ng kapatid mo ay pasok ka agad sa trabaho after your graduation. What do you think?” Still, I shook my head. Mapapalapit lang ako sa mga taong maaaring ibalik ako sa Japan.

“Ayoko. Kontento na ako sa buhay ko ngayon,” sabi ko at siya naman ang napailing.

“Bahala ka na nga kung ayaw mo pero puwede mo namang pag-isipan iyon.”

“Ewan ko. Ayokong pag-isipan. Hindi naman ako papayag pa,” sabi ko pa at napahilot na siya sa tungki ng ilong niya.

“Sige na nga. Ubusin mo na ’yang sandwich mo,” aniya.

Habang kumakain nga kami ay pumasok sa kitchen nila ang mommy niya at natuwa pa ito nang makita kaming kumakain nang sabay. Hala naman, baka kung ano na naman ang sasabihin nito sa amin.

The Billionaire's Private Stripper (Exclusive For Dreame/Yugto)Where stories live. Discover now