CHAPTER 22

971 10 1
                                    

Chapter 22: Fever

SUMAKAY ako ng taxi at nang makarating na ako sa villa ng Rousville ay bumaba na rin ako. Hindi puwedeng pumasok ang taxi kung walang pahintulot. Tumatawag lang ang security sa mansion ng boss ko para sunduin ako rito. Pero next time ay bibili na lamang ako ng bike para hindi na masyado pang maabala si Ma’am Blaise.

Sinuot ko na ang sumbrero ng hoodie ko at nakasuksok ang mga kamay ko sa bulsa nito. Nanghihina man ang mga binti ko ay nagawa ko ring maglakad ng normal.

Aloof pa rin ako sa mga security sa guard house. Hindi naman ako takot kasi kayang-kaya ko silang labanan. Kahit nga binabati nila ako ay tipid na ngiti lang ang nagagawa ko.

Napabuntung-hininga na lamang ako. Hindi pa nga ako nakalalayo ay may isang sasakyan na ang huminto sa gilid ng kalsada. Hindi ko na rin sana papansinin pa ito kung hindi ko lang din alam kung sino ang may-ari.

Ang may-ari na kagabi lang umararo sa katawan ko kaya ako naubusan ng energy ngayon.

“Hop in, Froyee. Malayo-layo pa ang bahay natin,” sabi niya at naningkit pa ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang ‘bahay natin’.

“Excuse me?” walang emosyon na usal ko. Umibis siya sa kotse niya at nilapitan ako. “Baka bahay niyo iyon?” dagdag na sabi ko pa.

“Oo. Kasi nakatira ka na roon sa amin.” Hinawakan niya ang pulso ko at iginiya sa kanyang sasakyan. Hindi na ako nag-inarte pa at basta na lamang ako sumunod.

Wala nga kasi akong energy para makipag-away sa kanya. Pagod na pagod ang katawan ko.

“Ano’ng ginagawa mo sa labas?” curious kong tanong. Umikot agad siya sa driver’s seat.

“Eh, ikaw ba? Bakit hindi ka umuwi kagabi? Alam mo ba nag-alala si Mommy?” tanong niya sa akin at hindi ko alam ang isasagot ko.

Ayokong magsinungaling sa totoo lang. “Wala ka nang pakialam pa roon,” masungit na saad ko lang.

“Nag-alala nga sa ’yo si Mommy,” giit niya at napahilot ako sa sentido ko. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at humugot ulit nang hininga. “You okay, Froyee?” Sumasakit lang ang ulo ko sa boses niya.

“Will you please shut up, Milkaine?! Sumasakit ang ulo ko sa ’yo,” supladang saad ko at hinarap ko pa siya para samaan nang tingin.

“Oh, sorry. Mainit ang ulo mo kahit umaga pa lang, Miss,” komento niya.

“Iinit pa ito kapag ipagpapatuloy mo pa ang kadaldalan mo.”

“Harsh,” maikling saad niya lang.

Nakarating din naman kami sa mansion nila at sabay pa kaming bumaba. Pumasok na rin kami at napatingin pa sa main door. Sinenyasan ko si Milkaine na mauna na pero umiling siya.

“Mauna ka. Bahay niyo naman,” sabi ko pero umiling lang talaga siya. I rolled my eyes at nagpatuloy na ako.

Nang tiningnan ko rin sana kasi ang main door ay parang mas nanghina ako. Nanghina ako sa kaba. Feeling ko ay may nakaabang sa amin na malaking tigre at bigla na lamang kaming dadambahin. Maski nga si Milkaine ay mukhang nag-aalalangan din siya.

Nanginig pa ang kamay ko nang hinawakan ko na ang doorknob. Saka ko ito pinihit pabukas. Nilingon ko pa ang kasama ko sa likuran at pinagtaasan ko pa siya ng kilay. Inirapan ko siya at magpapatuloy na rin sana nang napaatras ako sa gulat.

Si Ma’am Blaise ay nasa harapan na namin at nakakrus ang mga braso niya sa tapat ng kanyang dibdib. Seryoso niya kaming tinitigan at parang may ginawa kaming kasalanan—oh, yeah. May ginawa nga kami kagabi pero kakaiba naman ang aura niya ngayon.

The Billionaire's Private Stripper (Exclusive For Dreame/Yugto)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora