CHAPTER 11

1K 14 1
                                    

Chapter 11: Saving the baby

HINDI pa ako gaano nakalalayo nang makarinig ako nang sunod-sunod na yabag ng mga sapatos mula sa aking likuran.

Humigpit ang hawak ko sa travelling bag ko at marahas na nagpakawala ako nang malalim na hininga saka ako humarap sa likod ko dahil nakasunod nga ang mga lalaking sinusulot ko kuno, ika ng mga babaeng iyon. Lima silang lahat at nasa edad na 30’s ang apat at ang isa ay mas bata kaysa sa kanila. Kilala ko ang isang ito sa mukha lang at hindi sa pangalan. May live-in partner siya at buntis pa ang babae.

“Ano’ng kailangan niyo?” walang emosyon na tanong ko. Tinapunan ko pa sila ng bored na tingin.

“Froyee, nalaman namin ang trabaho mo sa gabi. Baka puwede ka?” Napataas ang kilay ko sa tanong ng isang lalaki na nakasuot ng itim na t-shirt.

“Isa ka raw GRO sa isang clubhouse. Bago ka umalis ay baka mapagbigyan mo kami?” Napadila pa siya sa labi niya at pinasadahan ako ng malagkit na tingin mula ulo ko hanggang paa.

Wala nga talagang matinong lalaki sa apartment na iyon. Lahat sila ay puro manyakis.

“Mukha ba akong pumapatol sa inyo?” nakataas ang kilay na tanong ko. Sa halip na kilabutan ako sa takot at sa nakikita kong pagnanasa na naglalaro sa mga mata nila ay kumukulo lang lalo ang dugo ko.

“Sige na, Froyee. Pahawak na lang ako ng boobs mo.” Pabagsak kong ibinaba ang bagahe ko at tinanggal ang sumbrero ko sa ulo.

Napangisi sila sa ginawa ko. Akala nila siguro ay game na ako? Psh.

“Sakit ng katawan lang ang makukuha niyo sa akin,” malamig na saad ko pa rin.

“Nakalimutan mo yata na lalaki kami. Malakas kami.”

“Tingnan natin,” sabi ko at itinapat ko ang dalawang kamao ko sa dibdib ko. Malakas na natawa sila sa ginawa ko. Handa na sana akong lumaban sa kanila pero nakita ko mula sa likuran ang mga babae kasama na ang landlady. Bumuntong-hininga ako. “Pasalamat kayo at masuwerte pa kayo ngayon,” anas ko at tiningnan nila ang mga babaeng mabilis ang pagtakbo makarating lang dito.

Kaya bago pa man ako maabutan ng mga ito ay mabilis kong kinuha sa lupa ang bagahe ko at kumaripas na ako nang takbo.

Nakalayo na nga ako pero naningkit ang mga mata ko nang makita ko ang pamilyar na sasakyan na nakahinto sa gilid ng kalsada.

Púnyeta!

Bumaba mula sa kotse niya si Milkaine at nakapamulsa pa. Tumaas ang sulok ng mga labi niya nang makita ako at sumandal pa siya sa hood nito.

Bumagal ang paglalakad ko at parang hinihintay niya lamang ako na makalapit sa kanya. Napaismid ako at dumaan nga ako sa tabi niya pero nilagpasan ko lang siya.

“Hey, Ms. Takazi!” sigaw nito sa akin at binilisan ko pa ang paglalakad ko. Kung kinakailangan ay tumakbo na ako kaya iyon nga ang ginawa ko pero pumantay lang sa akin ang gunggong na ito at ilang beses niyang pinapatunog ang kotse niya.

Marahas na bumuga ako nang hininga at hinarap na siya. Since nasa left side ako ng kalsada ay nasa tapat ko ang driver’s seat.

“Ano ba ang problema mo?! Bakit nandito ka pa?!” naiinis kong tanong ko. Halos tadyakan ko na siya sa frustration na nararamdaman ko.

Tumingin pa siya sa dala kong mga gamit. “Pinalayas ka ba?” I rolled my eyes.

“Hindi na ako hihingi pa ng tulong sa ’yo, Rousville!” sigaw ko at mahinang humalakhak lamang siya.

“Malayo pa naman dito ang lalakarin mo. Tara, ihahatid kita sa hotel.” Napataas ang kilay ko. Ilang hakbang ang ginawa ko para mapalapit ako sa kanya.

The Billionaire's Private Stripper (Exclusive For Dreame/Yugto)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum