CHAPTER 23

821 10 0
                                    

Chapter 23: Sponsor & Offer

NANGINGINIG pa ang katawan ko dahil sa nararamdaman kong lamig kahit balot na balot na ako ng makapal na kumot. Ngayon lang ulit ako nilagnat nang ganito. Bumigat lang lalo ang paghinga ko at ramdam ko ang init na lumalabas mula sa bibig ko sa tuwing bumubuga ako ng hangin. Halos yakapin ko na ang mga tuhod ko na aabot sa dibdib ko maibsan lang ang nararamdaman kong panlalamig.

“Froyee,” he uttered my name at hinila niya ang kumot ko.

“Please, h-huwag m-mong hilahin ang k-kumot ko,” mahinang reklamo ko at pilit ko ring hinihila ito.

“I’m sorry.” Narinig ko rin ang pagbuntong-hininga niya at naramdaman ko ang pagtayo niya. Mabilis kong hinila ang dulo ng damit niya para hindi siya tuluyang makaalis.

“S-Saan ka pupunta?” nanghihinang tanong ko.

“I-a-adjust ko lang ang aircon. Wait, I’ll be back,” he said at siya na rin mismo ang nagtanggal ng kamay ko sa damit niya. Pumikit na lang ulit ako at hinintay ko ang pagbabalik niya.

Mayamaya lang ay naramdaman ko na ang paglundo ng kama na hinihigaan ko at kasabay nang mainit na katawan na bumalot sa akin mula sa likuran. Ginawa niyang unan ang kaliwang kanang braso niya at umabot sa balikat ko iyon. Pumulupot din ang isa sa baywang ko kaya naibsan kahit papaano ang panlalamig ko.

“T-Thank you...” I uttered bago ako hatakin nang kadiliman.

Nagising lang ako noong maramdaman ko na naiinitan ako. Pakiramdam ko ay naliligo na rin ako ng sarili kong pawis. Mabigat ang baywang ko at parang ang hirap huminga. Pagdilat ko ay isang dibdib ng lalaki ang tumambad sa akin. Wala itong suot na damit. Nang iangat ko pa ang tingin ko ay nakita ko ang natutulog na si Milkaine.

Ang peaceful naman ng mukha niya habang natutulog siya at ang amo pa. Hindi rin halatang tigre rin siya sa kama. Kakaiba ang karisma niya. Tinanggal ko nang marahan ang braso niya para maialis ko iyon sa aking baywang pero sumikdo ang puso ko sa nakita kong pagmulat niya pero namumungay ang mga mata niya. Nakalulunod.

Hindi na siya nagulat pa nang makita ako. Sinalat pa niya ang noo ko pababa sa leeg ko. Ako naman ay parang napapaso at naninindig ang balahibo ko sa katawan. Mainit kasi ang malaking palad niya.

“Hindi na gaano mataas ang lagnat mo. Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong niya na nasa boses ang concern.

Siya nga ang lalaking nag-aalaga sa akin habang may lagnat ako at ang yumakap din. Ngayon ay nakahiga kami sa kama at nakaunan pa rin ako sa braso niya. Nasa iisang kumot din kami. Masyadong malapit ang katawan namin sa isa’t isa. Naalala ko tuloy ang nagdaan na gabing iyon. Kung kailan nakuha niya ang virginity ko. Kaya siguro ako nilagnat dahil halos hindi na niya ako tinigilan pa.

“Ayos na ang pakiramdam ko,” sagot ko at tumikhim pa. Dahan-dahan na akong bumangon at napatingin sa suot ko. Iyon pa rin naman ang damit ko kagabi. Hindi naman niya ito tinangkang hubarin. Dahil makikita niya ang hindi niya dapat makita.

Bumukas naman ang pintuan at bago ko pa paalisin si Milkaine nang pumasok na sa loob ng silid ko ang kanyang ina. Malapad ang ngiti niya at kumikislap ang mga mata niya.

Nagmamadali namang umalis sa kama ang anak niya at mabilis nitong dinampot ang t-shirt nito na agad ding isinuot. Natatakot siya na mahuli kaming ganito.

“You told me na ikaw na muna ang titingin kay Froyee while may fever pa siya but look what you did, my son. You took advantage of her. Nakitulog ka pa sa bed and beside her! What am I gonna do with you, Milkaine? I told you that you are not allowed to sleep with a girl if she is not your girlfriend and most of all she is not your wife!” Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagsigaw bigla ni Ma’am Froyee. Pinanlakihan pa niya ng eyes niya ang anak niya. Parang namutla naman ang isa at takot na takot.

“Mom! It’s too early. Froyee and I did nothing. She was cold last night that’s why she needed body heat,” he reasoned out. His mom rolled her eyes.

“Whatever, my son. Go, umalis ka na. Bumaba ka na rin at naka-ready na ang breakfast,” aniya at pinagtabuyan na niya ito saka siya nakangiting bumaling sa akin. Ngumiti nang matamis. Nagsalin siya ng tubig. Siya mismo ang naglalagay ng isang pitcher ng tubig sa bedside table nito.

“Salamat po,” ani ko dahil ibinigay niya ang basong may laman na ng tubig.

She even sat down on the bed and stared at me. “How’s your feeling?” Katulad nang ginawa kanina ni Milkaine ay sinalat niya ang noo at leeg ko.

“Maayos na po ang pakiramdam ko. Maraming salamat po, Ma’am.”

“Froyee. Just call me Tita. Huwag mo na akong i-ma’am,” pagtatama niya. Mahihirapan ako lalo na ngayon lang may nagtrato sa akin nang ganito. Baka kasi masanay ako at mahihirapan na akong maka-move on nito. Pero dahil naging mabait naman siya ay susundin ko na lamang ang gusto niya.

“Sige po, Tita,” nahihiyang sambit ko.

“Good. Prepare yourself, hija. Sumabay ka na sa amin na kumain ng breakfast. Kanina ka pa hinahanap ni Rishi.” Tinanguan ko lang siya.

Paglabas niya ay nagtungo na ako sa banyo to take my quick shower. May heater naman ang tubig pero nilalamig pa rin ako. I chose to wear my black turtle neck kasi baka makita nila ang leeg ko na may kissmark. Medyo kinakabahan pa rin ako kasi posibleng nakita ito ni Milkaine. Sana nga ay hindi.

Pinatuyo ko na muna ang buhok ko gamit ang hairdryer saka ako lumabas mula sa silid ko. Nagkasabay pa kami ni Gladysse na tipid na ngumiti.

“Froyee, kung magiging sponsor mo ba ako. Tatanggapin mo ba ang offer para makapag-aral ka sa college?” agad na tanong niya at napatitig ako sa mukha niya. Seryoso siya habang sinasabi niya ito.

“Sponsor? Offer para makapag-aral ako sa college?” She nodded. “That’s a nice offer pero ayokong abusuhin ang kabaitan ng family mo, Gladysse. Enough na ang pagiging babysitter ko plus pinatira niyo pa ako sa house niyo kahit hindi niyo pa ako gaano kilala,” sabi ko. Naka-t-temp man na tanggapin ang inaalok niya pero nasa dibdib ko pa rin ang hiya. Masyado na silang maraming nagawa para sa sarili ko.

Though, sa pera pa lang ni Milkaine ay kayang-kaya ko na pero kasi... Galing pa rin iyon sa madumi kong trabaho. Ayokong mabahiran nang kahit na ano ang pag-aaral ko kung sakali man. Gusto ko iyong pinaghirapan ko. Malinis na malinis.

“Iba naman ang tulong ni Mommy at sa akin. Tanggapin mo na. Alam mong may kinausap pa akong dean sa university na iyon,” giit niya.

“Gladysse, I’m okay with my life now. If I ever end up babysitting your niece I either have enough money to start my own business or I’ll just go find a job again. I can apply to your sister’s restaurant,” I told her at kumunot ang noo niya.

“Bakit kay ate ka na naman lumalapit? I would tell Mommy about this. I know you can’t do anything when she decides.” Napanguso ako dahil tama siya. Kapag ang mommy na niya ang nagsasabi ay hindi ako nagrereklamo. Sunod-sunuran lang ako sa gusto nito. Dahil siguro naghahanap pa rin ako ng kalinga ng isang ina at kay Ma’am Blaise ko iyon naramdaman.

“Gladysse. Sa totoo niyan ay takas lang talaga ako at dito man ako nagmula sa bansang ito. Taga-Japan pa rin ako at dahil inampon ko ng mag-asawang hapon pero Pinay ang babae ay iyon na rin ang nationality ko. I’m a Japanese,” pag-amin ko at napahinto siya nang isang baytang na lamang ng hagdan ang tatapakan niya. “Na isa pa ay wala akong mga papeles kapag mag-aaral na ako. Tanging fake ID lang na ginawa ng isa kong kakilala at alam mo na madadamay ko kayo kapag nahuli ako. May posibilidad na ibabalik ako sa Japan and worst sa mga taong umampon sa akin. Ayokong bumalik sa impyernong buhay na mayroon ako noon,” I added at nawalan siya nang imik.

I knew, pinoprotektahan niya ang family niya at hindi niya gugustuhin na mapahamak ito. Kaya sana huwag na niya akong pilitin pa.

The Billionaire's Private Stripper (Exclusive For Dreame/Yugto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon