CHAPTER 37

1.1K 17 1
                                    

Chapter 37: Abducted

KATULAD nang sinabi ko ay nagising ako na masakit na ang buong katawan ko at higit na ang pagkababae ko. Nang salatin ko iyon ay mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Mahapdi at namamaga nga siya.

Wala na siya sa kama at ako na lang ang naiwan na balot na balot ng kumot. Suot ko ang puting longsleeve niya pero wala naman akong undies. Nang sipatin ko ang digital clock niya sa bedside table ay 10:09 na ng umaga.

Napailing ako at hinagod ng mga daliri ko ang mahaba kong buhok. Dahan-dahan na akong bumangon at hindi ko na inalintana pa ang pananakit ng buong katawan ko. Kahit ang hita ko ay masakit din.

Inabot ko ang ballpen sa bedside table at inikot ko ito sa buhok ko. May nalaglag pa rin na hibla ng buhok ko pero ayos na rin iyon.

Lumabas ako at tinungo ang veranda niya. Nakabukas na ang bintana kaya may hangin na rin ang papasok. Naninibago pa ako sa glass wall na ito.

Tirik na tirik na nga ang araw at sobrang init. Napahawak ako sa railing at tumingin sa matatayog na gusali. Kahit na mainit ang panahon ay malamig pa rin ang hangin. Dahil sigurong mataas nga ang floor na kinakatayuan ko. Kitang-kita naman ang Manila mula rito.

Napahinga ako nang malalim at babalik na sana sa loob nang may matitipunong mga braso ang bumalot sa maliit kong katawan. Ibabaling ko na sana ang tingin ko sa kanya nang hinalikan niya ang labi ko, ang pisngi at ang balikat ko.

Tumaas pa ang balahibo ko nang hinaplos niya ang impis kong tiyan. He rested his chin on my right shoulder. Sa tangkad niya ay yumuko pa talaga siya para sa ’kin.

“Ano ang mayroon sa atin, Froyee?” tanong niya. Hinayaan ko siyang yakapin ako.

“We fvck each other,” mabilis na sagot ko at humigpit lang ang yakap niya sa akin.

“Won’t you treat me as your boyfriend, Froyee?” may lambing sa boses na tanong niya.

“Why? May tayo ba? Did you court me and I answered you to be us? So, you can be my boyfriend? As far as I remember, you first got your díck inside me,” I hissed.

“You really don’t have a heart, baby.” I rolled my eyes. “Kailangan ko bang dalhin ka ulit sa kama at ipaalala sa ’yo kung sino ang nagmamay-ari sa ’yo?” mariin na tanong niya at napadaing ako nang sakupin niya ang dibdib ko. Tinampal ko iyon.

“Gutom na ako. Wala na rin akong lakas na makipagtalo pa sa ’yo, Milkaine,” walang emosyon na sabi ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Kumalas na rin siya at binuhat na lang ako bigla.

Puting t-shirt ang suot niya at naka-pajama pa siya pababa. Hindi na ako nagprotesta pa at dinala na niya ako sa dining room niya. Maingat niya akong pinaupo sa highchair at kahit ang umupo talaga ay masakit na masakit.

May nakahain na rin pala. Marami iyon at napairap ako. Ganito siya kapag may nangyayari sa amin. Pinapakain niya ako nang marami. Inasikaso pa niya ang pagkain ko at may pahalik pa siya sa pisngi ko kaya sinusungitan ko siya. Sumisipol lang ang gágo.

“I tell my mom that we’re in a relationship.” Natigil ako sa pagnguya ng kanin dahil sa sinabi niya. Nilunok ko muna ito at uminom ng tubig.

“Ano’ng sabi mo?” nakataas ang kilay na tanong ko.

“I tell my mom what happened between us,” he answered.

“Don’t you dare,” I warned him and ngumisi lang siya.

“Sorry, baby. Nasabi ko na rin kay Dad.” Sinuntok ko ang braso niya at napadaing siya dahil nasaktan nga siya. “A-Ang sakit naman! Parang bato talaga ’yang kamao mo!” kunot-noong saad nito at hinimas-himas pa niya ang braso niya.

The Billionaire's Private Stripper (Exclusive For Dreame/Yugto)Where stories live. Discover now