CHAPTER 47

849 18 4
                                    

Chapter 47: Reunited

NAGBIGAY ng advice ang OBY ko at reseta para sa vitamins ko. Kinuha iyon ni Milkaine dahil siya na raw ang bibili ng mga gamot. Ang suwerte ko nga sa lalaking ito dahil sobrang bait niya at maalaga talaga siya.

Siya rin ang unang lalaki na tumanggap sa akin sa kabila ng pagiging stripper ko. That’s why, he deserves to be loved.

Humingi naman ng time ang asawa ni mama para lang kausapin ako. Nagtungo kami sa hardin at sinenyasan niya akong umupo sa swing kaya iyon ang ginawa ko. Naramdaman ko ang presensiya niya sa likuran ko.

To be honest ay hindi ko alam kung paano ko siya haharapin o kung ano ang magiging pagtrato ko sa kaniya. Nahihiya ako. Nahihiya talaga ako sa kaniya at nararamdaman kong may kung ano’ng pagtatampo sa dibdib ko.

Maingat niyang itinulak ang swing. Katulad pa rin sila nina Frelando at Froland. Mabigat masyado ang mga presensiya nila. Kung sabagay isa silang Monteverde.

“Marahil ay hindi mo na maalala pa,” pagsisimula niya dahilan na bumilis ang tibok ng puso ko. “Noong bata ka pa ay madalas kitang dalhin sa park para lang iduyan ka sa ganito. Tuwang-tuwa ka kasi.” Napakunot ang noo ko. Kung ganoon ay madalas niya akong ipasyal noong bata pa lamang ako?

“Ayaw ninyo po ba sa akin noon kaya inilayo ninyo ako sa mama ko?” may hinanakit na tanong ko sa kaniya. Gusto ko rin malaman ang dahilan niya na kung bakit nagawa niya iyon sa akin. Na kung bakit niya ako kay mama sa loob ng tatlong taon.

“Komplikado ang relasyon namin ng mama mo noon. Kasal siya sa daddy ni Froland. Ang nakababatang kapatid ko. Dahil hindi ko siya nagawang ipaglaban noon at mas pinakasalan ko ang ina ni Frelando. Pero noong ikinasal na sila ng kapatid ko ay pinagsisihan ko iyon. Hindi naman ako masamang tao para ilayo ka talaga sa iyong ina. Nagkataon lang sa mga panahon na iyon na nagloko ang aking kapatid. Doon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makalapit ulit sa mama mo at nabuo ka namin kahit hindi puwede. I just want to protect you from your uncle and your mother. As first pinalabas kong namatay ka pero nalaman niya pa rin. Nawala rin ng ilang taon ang mama mo sa poder ng daddy ni Froland with my help. It was too late noong mahanap namin siya ay wala ka na,” mahabang paliwanag niya. Wala naman akong nararamdaman na tila nagsisinungaling siya dahil may sinseridad iyon.

“Alam ninyo sa umpisa pa lang na. . .anak ninyo ako?” tanong ko.

“Ako ang nagbigay ng pangalan mo, Hannabi. Pero hindi ko alam na may idinagdag pala ang mama mo at naging Froyee Hannabi,” paliwanag pa niya.

“Minsan po ba ay hinahanap ninyo ako ng nawala ako?” Sumisikip ang dibdib ko, takot ako sa isasagot niya dahil baka masaktan lang ako.

“I did, but we lost your trace at wala na ring maalala pa ang mama mo,” he answered.

“Ngunit nagpatuloy ba kayo sa paghahanap sa akin o huminto rin kayo dahil hindi ninyo na talaga ako mahanap pa?” I asked him again.

“Y-Yes, we did.” Napayuko na lamang ako. Hindi ako ganoon kahalaga para sa kaniya, na ipagpatuloy ang paghahanap sa ’kin. Siguro nga na mas matimbang ang pagmamahal niya kay mama kaysa sa sarili niyang anak.

Huminto ang swing at lumuhod siya sa tapat ko. Hinawakan niya ang kamay kong nasa lap ko at ayaw ko sana siyang tingnan pero may nag-uudyok sa ’kin.

Hapon na rin at medyo madilim na sa hardin pero nakikita ko pa rin ang pagkislap ng mga mata niya na tila isang bituin na napakagandang tiningnan.

“Mas mahal ninyo po ang mama ko?” muling tanong ko.

“Siguro nga ay huminto ako sa paghahanap sa iyo pero hindi kita kinalimutan. Umaasa pa rin naman ako na isang araw ay muli ka naming makikita. Halos gabi-gabi kong hinihiling iyan. Hindi ko lang napagtuunan nang pansin na may ikinukuwento ang mama mo tungkol sa iyo. Kasi wala siyang idea na may anak siyang babae. Froyee. . . Forgive your father. . . Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon upang maging mabuting ama sa iyo, anak,” he said emotionally.

Hinalikan pa niya ang likod ng kamay ko at nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya.

“Tatawagin po ba kitang papa?” nahihiyang tanong ko. Gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon.

Nagsunod-sunod lang ang pagpatak ng mga luha niya at dahan-dahan na siyang tumango.

“Yes, katulad nang pagtawag mo noong bata ka pa lamang,” sagot niya at nabasag pa ang boses niya. Ginawaran ko siya nang matamis na ngiti at kumilos upang yakapin siya. Hindi ko man narinig ang pag-iyak niya ay umuga naman ang mga balikat niya at ang kaniyang pagsinghot. “I’m sorry, my daughter. . . I love you. . .” Hinigpitan ko lang ang pagyakap ko. Sa paraan na ito ay alam na niya ang isinagot ko.

May Milkaine na ako, mayroon na akong lalaking mamahalin at sigurado na ako na siya na ang makakasama ko hanggang sa pagtanda ko. Mabubuhay kami nang masaya kasama ang magiging anak namin. Kung kaya’t gusto ko ring maging masaya kami ng mga magulang ko, ang pamilyang mayroon pala ako.

Gusto kong maranasan ang magkaroon ng buong pamilya na dati ay pinangarap ko.

***

Titig na titig si Ma’am Blaise sa mukha ko at nakikitaan ko siya ng sigla sa kaniyang mga mata. Ngumiti ako at hinawakan niya ang kamay ko.

“I was so shocked sa nalaman, sweetie. But I’m so happy na magkaka-baby na rin kayo ni Milkaine. You’re so bagay,” nakangiting sambit niya at hinalikan ang pisngi ko.

“Okay lang po sa inyo ang dati kong work, tita?” I asked her. Kung tanggap na ako ng anak niya ay kinakabahan ako sa magiging reaction nila ni Sir Jaive.

Tumingin pa sa gawi ko ang asawa niya at nagkibit-balikat. “Alam na namin ang pinagdaanan mo, Froyee. Hindi kami magiging hadlang sa inyo ng anak namin. As long as nagmamahalan naman kayo ni Milkaine,” he said. Napaka-understanding talaga nila.

“Thank you, Sir Jaive. I really love your son,” I told him.

“Huwag mo na akong tawagin na ganoon, hija. Just call me daddy, right baby?” he asked his wife. Humilig pa siya at hinalikan ang sentido nito. Napangiti ako sa gesture nila.

“Yes, hon,” sagot ng wife niya. Si Sir Jaive ay parang si Milkaine lang. Sa kaniya pala talaga nagmana ang anak niya. Malambing at sobrang bait. “Welcome to the family, sweetie,” she said.

“Thank you po, tita,” I uttered. A tears escaped my eyes.

“Nah, ah. Just call me mommy, sweetie. Isa ka ng ina ng magiging apo namin at mula naman sa panganay naming anak na lalaki,” sambit pa niya. Sobrang suwerte ko sa parents ng boyfriend ko. Tanggap nila ako kung ano man ako dati.

Kaya maayos din ang pagpapalaki nila kay Milkaine. Tunay na mabubuting tao sila at bilang ganti naman ay mamahalin ko ang anak nila.

“Mom, Dad. Si Froyee po?” narinig kong tanong ni Milkaine. Nasa living room pa nga kami, eh. His mother rolled her eyes.

“Hon, nagmana talaga sa iyo si Milkaine. Ang clingy niya. Naalala mo ang sinagot niya kanina sa balae natin?” Natawa lang si Sir Jaive sa tanong ni Ma’am Blaise.

The Billionaire's Private Stripper (Exclusive For Dreame/Yugto)Where stories live. Discover now