CHAPTER 29

914 8 0
                                    

Chapter 29: The Truth

“A-ANO kasi... K-Kamukha niya kasi ang l-late m-mother ko,” nauutal na sagot ko at mariin ko pang kinagat ang pang-ibabang labi ko dahil sa pagsisinungaling ko. Mas mabuting magsinungaling na lamang ako kaysa sabihin sa kanya ang totoo.

Wala namang nakaaalam at wala rin akong balak na lapitan pa ang mama ko kahit ang daming tanong na nabubuo sa utak ko ngayon. Mga katanungan na imposible na ring masagot pa. Kasi hindi ko na siya susubukan pang kausapin, na kahit ang lapitan pa.

Baka may masira pa akong pamilya at mukhang maganda pa naman ang relasyon nila. Hindi ko naman siya kailangan pa. Kontento na ako sa buhay ko ngayon dahil kayang-kaya ko nang mabuhay ng mag-isa.

Ngunit inaamin ko na may mga pagkakataon pa rin na naaalala ko siya. Na kung kumusta ba siya? O kung nasa maayos na kalagayan ba siya at higit sa lahat kung nabubuhay pa ba siya? Pero ngayon na alam ko na, na maayos naman siya at nasa marangya na ang buhay niya ay matatahimik na nga ako.

May pamilya na siya na nagmamahal at nag-aalaga sa kanya. Samantalang siya ay hindi man lang niya ako hinanap and worst kinalimutan na rin niya ako for real.

“Really?” tanong niya at huminto na ang swing nang lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan niya ito. Bumaba ang tingin ko sa kanya. Sa tulong ng sinag ng buwan ay naaninagan ko pa rin ang guwapo niyang mukha. Ang undercut na buhok niya ay parang gusto kong pasadahan ng mga daliri ko.

Bumaba pa ang tingin ko sa mapupula niyang mga labi. Parang gusto ko rin siyang halikan pero hindi puwede. Hindi niya puwedeng malaman kung sino ako, kung sino ako sa likod ng maskara ko habang sinasayawan ko siya.

He cupped my face nang pumaling kasi ang ulo ko sa ibang direksyon. Kaya tinitigan ko ulit ang mga mata niya.

“What?” nagsusungit na tanong ko sa kanya.

“Malaki nga ang similarity niyo ni Tita Florencia. Kung pareho ko lang kayo na hindi kilala ay baka isipin ko na mag-ina nga kayo.” Marahan ko lang tinapik ang kamay niyang nasa pisngi ko. Tumikhim ako.

“Bumalik na lang tayo, Milkaine. Baka isipin din nila na may ginawa tayong hindi maganda,” sabi ko at tumaas lang ang sulok ng labi niya kaya inikutan ko siya ng mga mata.

Naglahad agad siya ng kamay kaya tinanggap ko iyon saka niya ako itinayo. Pinamulahan pa ako ng pisngi nang sinabi nila na ang tagal naman daw naming makabalik kaya siniko ko si Milkaine. Nakita iyon ng parents niya.

Dessert na ang kinakain namin nang may mga couple na ang nagsisimulang magsayawan dahil maganda na ang pinapatugtog nilang kanta. Hindi yata mabibilang na 30 ang guests nila.

Tumayo naman si Sir Jaive at inaya niyang magsayaw ang asawa niya. Nakita ko pa ang pamumula ng magkabilang pisngi nito. Kahit may edad na ay kinikilig pa rin pala siya.

Naglakad naman palapit sa amin si Froland at umupo sa dating puwesto ni Sir Jaive.

“Blaixe, puwede ko bang hiramin ang kapatid mo to dance with me?” Ipinatong agad ni Blaixe ang braso niya sa balikat ng kapatid. Napahilot sa sentido niya si Froland. “Gladysse.” Nagkibit-balikat lang ang babae kaya wala siyang nagawa.

Napako naman ang tingin nito sa akin at matiim niya akong tinitigan. May kung ano ang humaplos sa dibdib ko habang tinitingnan siya.

“Don’t you dare leave me here, Kuya. Wala akong kasama,” agad na saad ni Kaiven na busy sa pagkain ng dessert niya.

“Blaixe, nandoon si Rubecca, oh. I will call her for you.”

“No. Leave my sister alone, Froland.” Tumayo na si Gladysse na agad siyang hinila paupo ng kuya niya.

The Billionaire's Private Stripper (Exclusive For Dreame/Yugto)Where stories live. Discover now