CHAPTER 7

1.2K 14 0
                                    

Chapter 7: VIP guest & Private Stripper

“SABIHIN mo na lang kung ano ang gusto mo. Gusto mo ba ng pera?” Kinuha ko ang backpack ko at ilalabas ko pa lang sana ang wallet ko nang maingat niyang isinara ang pintuan ng kotse niya.

Mabilis siyang nakasakay sa driver’s seat at agad pinaandar niya iyon. I let out a deep breath.

“Let’s talk.”

“Nag-uusap na nga tayo,” walang buhay na saad ko. Amoy na amoy ko pa ang perfume niya sa loob. Bakit nga ba ako napunta sa sitwasyon na ito? “This is kidnapping, you know that?” He chuckled.

“Ikaw na nga ang tinulungan ko kanina noong nawalan ka nang malay habang naglalakad. Tapos ganyan pa ang pakikitungo mo sa akin, Miss?” sarkastikong tanong niya.

“Ano ba kasi ang kailangan mo para matapos na ang usapan na ito?” bored na tanong ko pa sa kanya.

“Just treat me my late lunch. Nagutom ako sa kahihintay ko sa ’yo na magising ka. Balak ko sanang dalhin ka sa hospital pero huwag na pala. Mukhang natutulog ka lang naman,” his explanation.

“Tsk.” Parang iyon lang ay big deal sa kanya at saka wala naman siyang ginawa sa akin. Hindi siya nag-take advantage kahit may pagkakataon na siya. Kailangan ko ba siyang pasalamatan at i-treat na lang ng lunch niya?

“So, what?”

“Pumunta tayo sa isang restaurant na kaya kong bayaran ang pagkain mo ng hindi ako lalagpas ng isang libo,” diretsong sabi ko and I won’t deny the fact na wala akong pera kasi iyon naman ang totoo.

“Seriously?”

“Pasensiya ka na. Hindi ako katulad mo na mayaman na kayang-kayang kumain kahit saan mo gusto,” ani ko and he cleared out his throat.

***

Pinili pa rin niya ang isang mamahalin na restaurant at binigyan pa kami ng menu. Bakit ba nag-aaksaya ang lalaking ito ng oras para lang dito? Hindi ba siya busy person? Mukha naman siyang may trabaho.

Nakahihiya nga ang damit kong simple lang at naka-hoodie pa. Ang mga babaeng nasa loob ngayon ng resto ay elegante ang mga damit nila. Halatang mayaman. Maganda naman ang ambiance at kahit dollar ang mga pagkain nila rito ay marami pa rin silang costumer.

“Tubig lang ako,” sabi ko sa waiter. Binalingan niya ang lalaking kasama kong nakaupo na sa tapat ko.

“Same order,” sabi niya rito sabay bigay ng menu.

“Ang pagkain mo lang ang babayaran ko,” saad ko and he shrugged.

“Fine. Ako naman ang magbabayad ng meal mo,” sabi niya at nagngitngit ang kalooban ko sa inis.

Hindi na naman ako mapakali nang matiim niya akong tinitigan. Pinukulan ko naman siya nang masamang tingin.

“May dumi ba ako sa mukha ko at ganyan ka makatingin sa akin?” I asked him, coldly. He shook his head and rested his elbow on the table so he can stared at me.

“You looks familiar.” I rolled my eyes. “What’s your name?”

“Kailangan mo pa bang malaman ang pangalan ko? Is does matter anyway?”

“Yeah, it does. So...” Napatitig ako sa labi niya nang dilaan niya iyon. Bayolenteng napalunok ako dahil sa nararamdaman kong panunubig ng bagang ko. God, I don’t even know kung bakit iyon ang nararamdaman ko.

“Froyee ang ngalan ko,” sambit ko.

“Iyon lang? Iyon lang ang pangalan mo?” nakataas ang kilay na tanong na naman niya. Napabuga ako ng hangin sa aking bibig.

The Billionaire's Private Stripper (Exclusive For Dreame/Yugto)Where stories live. Discover now