CHAPTER 28

876 8 0
                                    

Chapter 28: Her biological mother

NILALARO-LARO ng katabi kong lalaki ang mga daliri ko na bumabaon na sa likod ng palad niya. Sa kabila ng galante niyang kasuotan, sa magandangpag-aayos, make-up sa mukha niya at sa expensive na jewelries ay alam kong iisang tao lang sila sa taong kilala ko.
Alam kong siya... Siya na nga ang babaeng nang-iwan sa akin.

Parang gusto kong umiyak pero ayokong ipakita iyon sa kanila. Magtataka lang sila na kung bakit nga ba ako iiyak? Na kung bakit ay bigla akong nag-breakdown sa harapan nila ng walang dahilan?

Sa halip ay tumigas ang ekspresyon ng mukha ko at ang pagkirot sa dibdib ko ay napalitan na iyon agad ng galit, pagtatampo at kasabikan.

“S-Siya pala ang tinutukoy niyong kasama niyo, Blaise?” tanong nito at nagbaba na ako nang tingin dahil sa mapanuri niyang mga mata.

Paano nalagay siya sa sitwasyon niya ngayon? Ano’ng nangyari? Bakit naging—Monteverde...

Naguguluhan ako. Naguguluhan ako sa buhay na mayroon ako kasama ang mama ko. Yeah, ang babaeng ito ay alam kong siya ang biological mother ko. Si Florencia Monteverde. Bakit...may pamilya na siya ngayon o baka...

Sinadya niya nga ba akong iwan noon para lang sa pamilyang mayroon siya ngayon? Na iniwan niya ako 12 years ago para sa karangyaan na ito? Higit akong nakaramdam ng hinanakit na posibleng ganoon nga ang nangyari dahil hindi na niya ako binalikan pa at hindi na niya ako sinubukan pa na hanapin. Para sa kanya ay isa lang akong sagabal sa plano niyang makaahon mula sa kahirapan.

12 years na nga ang nakalipas pero hinding-hindi ko makalilimutan ang hitsura niya, kahit saang angulo ay makikilala ko pa rin siya. Sa tindig niya at sa boses lang ay alam na alam kong siya si Mama. Ang aking ina...na sinadya akong iwanan sa terminal ng bus.

“Ah, yeah. Si Froyee. She’s Froyee Hannabi, my son’s girlfriend,” pakilala ni Ma’am Blaise na hindi ko na itinama pa ang huling katagang sinabi nito. Naramdaman ko rin na natigilan ang katabi ko ngunit katulad ko ay wala rin siyang kibo.

May nagbigay sa kanya na isang upuan at itinabi iyon doon kay Ma’am Blaise. Hindi na niya pinutol pa ang titig sa akin dahil parang sinusuri na rin niya ang buong mukha ko.

“F-Froyee Hannabi...” sambit niya sa pangalan ko at sa mga mata niya ay parang na-confuse siya. Parang hindi niya ako kilala o baka sinadya na niya akong kalimutan? Pero wala akong nakikita that she recognized me as her daughter dahil sa halip ay isang pagtataka iyon.

“Why, Florencia? Did you meet her before?” naguguluhan na tanong naman ng mommy ni Milkaine.

“N-No—I mean, ewan ko. But she’s familiar. Hindi ko... Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya unang nakita and her face...” Biglang nanubig ang mga mata niya at tila may hinahanap pa siya pero hindi niya lang alam kung ano iyon. “Have we meet before, hija?” tanong niya na may lambing pa sa boses niya. Umiling ako. Hindi ko alam kung saan ko na nakuha ang lakas ng loob na natanggihan ang katotohanan na mag-ina kami.

Para sa akin ay hindi ko siya kilala. Bakit pa ako magpapakilala na anak niya gayong kinalimutan na rin niya ako? Ako pa ang mapapahiya kapag sabihin kong ako ang anak niyang iniwan niya noon sa bus terminal at 12 years na ang nakalipas.

Ten years old pa lamang ako ay malaki na ang pagkakahawig ko sa aking ina. Nakuha ko ang halos physical feature niya at alam kong mas nangingibabaw ito noong nagdalaga na ako. Ngunit ni isa ay wala man lang nakahalata no’n.

Habang tinititigan ko ang mukha niya ay parang nananalamin lang ako sa kanya o baka siguro dahil may edad na siya? Pero bakas pa naman sa face niya ang kagandahan niya noong kabataan pa niya.

“No, we haven’t, Ma’am,” I said casually at ginawaran ko siya nang tipid na ngiti. Magsasalita pa sana siya nang may isang lalaki ang lumapit sa kanya at hinawakan siya sa balikat.

Inalalayan siya nitong makatayo at kung hindi lang dumating ang lalaki ay hindi na niya tatanggalin pa ang tingin niya sa ’kin. Mapait na ngumiti ito at nagpaalam sa amin.

Humilig sa kanya ang lalaki nang may ibinulong siya rito at mayamaya lang ay sinulyapan ako ng mag-asawa. Ako na ang nag-iwas nang tingin at noong tumayo ako ay ganoon din ang ginawa ni Milkaine. Nakalimutan kong magkahawak kamay pala kami. Pasimple ko nang binawi ang kamay ko pero ayaw niyang bitawan.

“Oh, where are you going?” naaaliw na tanong ng Mommy niya. Samantala ang daddy niya ay tumingin lang sa amin habang kumakain.

“Sa ladies room lang po ako, Tita,” paalam ko.

“Sasamahan na kita?” Tinanguan ko na lamang si Milkaine at walang salitang namutawi mula sa bibig ng pamilya niya.

Sa halip na magtutungo kami sa banyo ay dinala ako niya ako sa garden. Iginiya pa niya ako sa isang swing at doon niya ako pinaupo. Pumuwesto siya mula sa likuran ko at marahan niya akong idinuyan.

Napapikit ako sa lamig ng simoy ng hangin na tumatama sa mukha ko at ramdam ko ang lamig nito pero balewala na iyon para sa akin. Naalala ko ang mukha niya. Ang hitsura ng mama ko, na ilang taon man ang lumipas ay tandang-tanda ko pa rin siya. Pero bakit ako ay hindi na niya naaalala pa? Dahil kinalimutan na rin niya ako?

Nagkaganito ako dahil iniwan niya ako dati. Kung hindi niya lang iyon ginawa ay baka magkasama pa kami.

“Can I ask you something, Milkaine?” I asked him.

“Ask away, Froyee,” he replied.

“May...may babaeng anak ba ang mag-asawang iyon? Ang Monteverde?” tanong ko. Kahit napakaimposible na anak ako ng lalaking iyon. Ibang lalaki ang kinilala kong papa ko at hindi ang lalaking iyon kanina. Ni hindi rin ako pamilyar sa kanya because I knew na ngayon ko lang ito nakita.

Ang alam ko rin ay hindi kami mayaman ng aking ina pero nakasanayan na namin ang mag-usap ng English. Ewan ko lang kung bakit.

“Si Kuya Frelando at Froland ay magpinsan sila, ang parehong daddy nila ay magkapatid pero namatay ang father ni Froland dahil sa car accident. Tapos ang Mommy niya at ang daddy ni Kuya Frelando ay ikinasal 11 years ago. Step-brother na sila kung tutuusin. Hindi na sila nagkaroon pa ng anak kaya imposible ang babae sa pamilya nila, Froyee,” paliwanag niya.

Totoo nga ang nabuo sa utak ko. Para maikasal sa mayamang lalaki ang mama ko ay kailangan na mawalan siya ng sabit at ako iyon. Ako ang magiging sagabal sa plano niyang maging mayaman.

“Ang babaeng nagngangalan na Florencia ay totoong anak niya na si Froland?” tanong ko na nasa boses ang interes. Nanginginig ang katawan ko sa interes na malaman ang tungkol sa Monteverde.

“Yeah. Ganoon nga.” Ibig sabihin ay kapatid ko nga ang kaibigan ni Gladysse? Pero sino ang daddy ko? Sino ang biological father ko? Dahil isa rin akong Monteverde.

Mas lalo lang akong naguluhan. Pakiramdam ko ay napaka-complicated ng buhay ko at kulang ang alaala ko. Na parang nawalan na rin ako ng impormasyon.

Teka nga sandali lang. Sino nga ulit ang papa ko na kamamatay lang noon? Parang...don’t tell me na parte nga ako ng pamilya nila at ang biological father ko ay ang daddy rin ni Froland?

Pero hindi, nakatira kami noon sa isang apartment at ang bumubuhay sa amin ay ang namayapa kong ama. But I can’t remember his name and his face. I don’t know why.

“Froyee. Bakit nagkaroon ka ng interes sa mga in-laws ni Ate Rish? May problema ba?” Umiling ako at wala naman akong aaminin. Naguguluhan pa ako at hindi ko na alam kung ano ang totoo.

Kaya mas mabuting isa na lang akong Takazi, na kahit hindi maganda ang pagtrato sa akin ng mag-asawa Hapon na iyon ay habang-buhay ko nang dadalhin ito. Super complicated ng Monteverde at ayoko nang alamin pa kung may nakatago pa bang lihim doon o ang totoong kuwento.

“W-Wala... Iyong babae kasi...”

“Sinong babae? Si Tita Florencia ba?” I nodded. “Ano’ng mayroon sa kanya, Froyee? At kanina ko pa napapansin na nagulat ka rin noong nakita mo siya. Kahit noong nagsasalita pa siya na hindi mo pa nakikita ang mukha niya.”

“A-Ano kasi... K-Kamukha niya kasi ang l-late mother ko,” sagot ko at mariin ko pang kinagat ang pang-ibabang labi ko.

The Billionaire's Private Stripper (Exclusive For Dreame/Yugto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon