Chapter 14

2.8K 56 11
                                    

"D-dwarf, it's not what you think." Kinakabahang saad ni Aidan. I can sense fear in his voice.

Pero hindi ko s'ya nilingon at naluluhang tinignan lang si Amber.

"W-why are you doing this, Amber? Did I do something wrong for you to offend me like this?" Marahas na saad ko sa kaniya.

She didn't answer and just looked away. Aidan tried to hold my hand, but I shoved it away. 

"I thought we were friends... because you treat me like one. But I did not expect you to do something unethical behind my back. You want my relationship with Aidan to end? How could you!?" I exclaimed, full of conviction.

Aidan held me. "Let's just go dwarf. Please," he pleaded.

I shove his hands away hysterically. "No!" Asik ko. "I want to know the reason, Amber! Because your what? You are jealous? You are hurt? Answer me!"

She faces me with a frigid expression. "Yes! I was jealous!" She exclaimed. "Why? Am I not allowed to get hurt and get jealous, Alora? Aidan and I knew each other for so long. I was by his side since we were still young!" She sobbed. "And y-yet you s-stole him away from me!"

Pagak akong natawa. Akala ko nakahanap na ako ng totoong kaibigan sa mundong ito, pero kahit dito pala mararanasan ko ulit ang ganong sitwasyon.

I looked at her painfully. "Alright! I understand your point! But do not dare invalidate my feelings, Amber!" Galit na bulalas ko. "Kung ikaw nga na isang kaibigan lamang ni Aidan ay nasasaktan! Paano naman ako na nobya niya! Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayon ha! Amber ikaw nga ang mas matagal niyang na kasama pero ako ang pinili niya!"

Yumuko ito habang umiiyak.

"A-alam ko naman na mali talaga ang aking nararamdaman, A-alora. P-pero masakit lang kasi talaga." Humihikbing saad niya.

Tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo. "S-subalit mas nasasaktan ako ngayon Amber!" Singhal ko. "A-alam mo kung bakit? K-kasi ang babaeng itinuring ko na aking kakampi at kaibigan ay nagawa akong saksakin patalikod!"

Hindi s'ya nagsalita at patuloy lang sa pag-iyak. Marahas na tinitigan ko s'ya sa mata. "G-Gusto mong iwanan at hiwalayan ako ni Aidan dahil sa propesiya hindi ba? Propesiya na ano, Amber? Propesiya na i-sasakripisyo ako ni Aidan para iligtas ang lupaing ito!? O p-propesiyang tinuran mo sa akin na lalabanan natin na magkasama?! S-sinabi mo sa akin Amber! Sinabi mo na kailanma'y hindi na ako lalabang mag-isa kasi nandiyan ka at ang iba pero b-bakit ako na ang kinakalaban mo ngayon?".

Ramdam ko na niyakap ako ni Aidan sa likod at hinahalik-halikan ang aking ulo.

I breathe heavily. "Kung sa iyong palagay ay masasaktan mo ako Amber, diyan ka nagkakamali dahil ang panglalapastangan mong ito ay naranasan ko na noon pa at mahigit pa rito ang ginawa nila sa akin. Minsan na rin akong pinagtaksilan ng aking mga mahal sa buhay. Inalipusta ako. Inalipin at ginawang katawa-tawa. K-kaya kailanman ay hinding-hindi mo ako masasaktan."

Tumalikod na ako at laking gulat ko na nandito pala silang lahat at nanonood lang sa amin.

Nang mag-simula na akong humakbang palayo sa kaniya ay muli s'yang nagsalita.

"Hinahamon kita sa isang labanan, Alora." Bulalas nito sa seryosong boses.

"Amber! I told you already! I do not want you! I only want her!" Galit na bulalas ni Aidan.

Huminga ako ng malalim bago s'ya hinarap at malamig na tinitigan. "Nakakaawa ka, Amber. Lalaban ka pa rin kahit ang taong gusto mong i-paglaban ay hindi ka handang i-panalo. Pero sige tinatanggap ko ang iyong hamon. Subalit pagkakatandaan mo ito, ikaw man ang manalo at ako nama'y matatalo hinding-hindi mapapasayo si Aidan. Siya ay pagmamay-ari ko na at hindi mo na iyon mababago."

NYXIE: THE LONG LOST EMPRESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now