EPILOGUE PART 1

1.2K 26 5
                                    

Life has never been fair to me. I was only months old when my parents died because of the war. I was mistreated and tortured by my own uncle, along with his wife and son. I am only a child, but I already know what hell feels like. As I grow, I realize that blood isn't always thicker than water because relatives will cross you more than strangers.

A 50-year-old Aidan (5 years old if based on earthling age)

"Sino ang nagsabi sa iyo na maaari kang kumain? Galit na asik ni Queen Elize sa akin.

Nanginginig ang buong katawan ko sa tono ng pananalita niya, na para bang gusto niya akong patayin.

"N-nagugutom na po kasi ako, kamahalan." Napalunok ako ng ilang beses dahil sa sobrang kaba. Naluluhang tiningnan ko ang pagkain na ngayo'y nakalatay sa sahig ng kwarto ko nang itinapon ito ng reyna kanina dahil nahuli niya akong kumakain.

Hindi ko naiintindihan kung bakit kailangan niya pang itapon iyon gano'ng malapit na naman iyong mapanis. Hindi bang maaaring kainin ko na lamang?

"Lapastangan ka!" 

Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko nang lunapat ang palad nito sa mukha ko. Gusto kong tumakbo, pero nanghihina ang mga tuhod ko. Itinulak niya pa ako dahilan kung bakit natumba ako at nasugatan ang tuhod ko. Nanginginig na hinawakan ko ang gilid ng labi ko nang makaramdam ako ng kirot.

Napangiwi ako nang makakita ako ng dugo. Agad na gumapang ako sa paanan ng reyna, sabay yuko sa harapan nito habang nakaluhod.

"P-patawad po, kamahalan. H-hindi na po mauulit." Ani ko sa takot na takot na boses.

"Dapat lang! Ngayon ikaw ay aking ikukulong dito sa kwarto mo para ika'y magtanda! At paparusahan ko ang sino mang tutulong sa'yo!"

Nanginginig na tumango ako. Umalis na ang reyna at narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto. Naramdaman ko rin ang barrier spell na bumabalot sa buong kwarto ko.

Naging isang hangal at inutil ako. Bilang isang prinsipe, nakakahiyang isipin na wala akong masyadong alam sa mundo. Iisang lingwahe nga lang ang alam ko. 

Inilibot ko ang mga mata ko sa kwarto ko. Wala itong liwanag, at halos dilim ang bumabalot dito. Gayon pa man ay kitang-kita ko pa rin ang mga alikabok, at dumi sapagkat wala rin may lakas na loob ang linisan ito. Sa mata ng hari at reyna sa emperyong ito ay isa akong basura.

Ito ang naging takbo ng buhay ko. Hindi ako nakakalabas ng palasyo. Akala ng iba ay maayos ang naging buhay ko sapagkat nakatira ako sa isang palasyo. Ang pinuno ng angkan ng mga dragon ay hindi rin alam ang naging kalagayan ko. 

'Maestro nasaan ka na ba? Gutom na gutom na po ako...at nauuhaw na rin' mga katagang nasa isipan ko ngayon.

Isang linggo rin ang nagtagak ba ako'y nabilanggo ng reyna sa loob sa aking silid. Walang makain, at maiinom. Mabuti na lamang at dinalaw ako ng aking maestro. Galit na galit s'ya sa aking tiyuhin at sa Reyna dahil sa ginawa nila sa akin.

"Patawad kung ngayon lang ako nakadalaw muli sa iyo, Aidan. May problema kasi akong kinakaharap sa ngayon." Paliwanag ni maestro sa akin.

Siya si Maestro Brenton, siya ay isang emperador ng angkan ng phoenix. Siya ang tumayong ama ko simula noong nawalan ako ng mga magulang.

"Ayos lang po, maestro. Ang importante po ay nandito na kayo. Marami rin pong salamat sa pagkain na dinala ninyo. At sana malulutasan niyo po ang problemang kinakaharap ngayon."

Ginulo ng maestro ang aking buhok sabay ngiti sa akin. 

"Huwag kang mabahala sapagkat simula ngayon ay hindi na ako mawawala sa tabi mo."

NYXIE: THE LONG LOST EMPRESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now