CHAPTER 36

1.3K 17 0
                                    

Chapter 36: New client

“CONGRATS, Ate! Sabi ko na nga ba ay mananalo kayo!” 

“Ate Novy, congrats!”

“Dapat mag-p-party ka, Ate!”

“Tse!” masungit na sambit ko. Kasalukuyang nagpapahinga na kami sa hotel room namin at kausap ko ang mga kapatid ko. Nasa iisang group chat lang kami at nagawa naming mag-video call. Dati ay apat lang kami but ngayon ay kasama na namin si Michael.

Inaasikaso na naman ulit ng kasama ko ang luggage namin kasi hindi naman kami magtatagal dito at uuwi rin kami agad. Busy siya sa work niya.

Kami lang ang mauuna dahil may ka-meet pa si Coach Avemn. Dahil iyon kay Roxanne. Isang opportunity para sa partner ko, pass muna ako.

“Ate, ano ang pangalan ng naging pair mo? Iyong number 1?” Napahinto ako sa pagkain ko ng chips nang magtanong si Primo.

Naningkit ang mga mata ko kasi walang kahiya-niyang itinanong iyon sa akin and he seems interested kay Roxanne. Maski si Michael ay napahinto rin at mabilis siyang sumulyap sa akin.

“Why?” I asked him.

“Hmm, I just want to know her name, Ate. She’s cool.”

“Ah, I interested ka rin sa kanya, ’no?” tanong ko na pinagtaasan ko pa siya ng kilay.

“Villanueva 01, so what’s her name po, Ate? May Facebook account ba siya or IG?”

“Primo, mas matanda iyon kaysa ’yo. Malapit ng mag-30 si Roxanne—”

“Right, Roxanne Villanueva pala ang pangalan niya.”

“Primo, huwag mong sabihin type mo si Roxanne?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Yup, she’s my type, Ate. She’s so cool and pretty.” He’s so transparent talaga.

Malakas na natawa tuloy si Cloud at nag-cheer up pa kay Primo. Si Lemery ay hayon, may kinakain na naman siya.

“May asawa na yata iyon, Primo,” ani ko at umupo sa tabi ko ang fiancé ko. Cellphone lang ang gamit ko, and about Roxanne, alam kong single pa iyon but marami siyang manliligaw. Akala ko noong una ay taken na siya kasi wala siyang pinapansin na suitor niya. Ewan ko lang if wala siyang tinatago.

“Hi, Kuya Michael,” bati ni Lemery sa future brother-in-law niya.

“Hello, how are you?”

“Well, stress. Student life,” bored na sagot nito and he shrugged.

“That’s life,” Michael uttered.

“Nope po, Ate. She’s single,” he said at ipinakita niya sa akin ang phone niya. Siguro nahanap niya ang social accounts ni Roxanne.

“Primo, tumigil ka, ha,” I warned him.

“I texted her po, Ate. Nag-reply naman siya agad.”

“Huwag mo akong binibiro kasi hindi siya ang humahawak ng social accounts niya. Sa dami rin ng message ay akala mo mapapansin ka?” pambabasag trip ko sa brother ko. Kasi mukhang seryoso nga siya na type niya si Roxanne. Wala namang mali ang lalaki gap nila.

But as if ay papansinin siya ni Roxanne. Busy person din iyon kaya.

“Nah, subukan po natin. I’ll call her.”

“Primo!” Michael chuckled and caressed my back.

“Wala na, Ate. Natamaan na siya sa gurang.”

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Where stories live. Discover now