CHAPTER 83

4.2K 82 11
                                    

Chapter 83: Step two & Forgiveness

KATATAPOS ko lang palitan ng diaper si Eceniia at pinalitan ko na rin ang kasuotan niya. Gising pa siya dahil busog pa nga siya. My son tapped his thigh. I smiled at him saka ko ibinaba ang baby sister niya sa lap niya. Mabilis siya nitong tiningala at hinawakan ang pisngi niya and then she giggled. Eceniia loves playing with her big brother.

“Oh, silly you, Eceniia! Don’t pinch my cheek, baby sis!” natatawang sigaw niya. Tumayo naman ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan at iniluwa roon si Michael.

Nagtaka ako dahil ang aga pa para umuwi. Usually kasi ay 5PM siya kung umuwi pero ngayon. Wala pa ngang 4 in the afternoon. Nasa 3:30 pa lamang nang hapon.

May dala siyang bouquet at isang paper bag. Nang pumasok siya ay nakayuko pa pero huminto rin siya sa tapat ko. When I look down sa halip na ang rosas ang titingnan ko ay napako iyon sa mga kamay niya saka lang din lumipat sa bouquet. Hindi gaano maganda ang design nito pero alam ko na sariling mga kamay niya ang may gawa nito. Ebedensiya na ang mga kamay niyang sugatan.

“Bakit ang aga mong umuwi?” nagtatakang tanong ko. Bayolenteng napalunok pa siya at kinuha ko na ang bulaklak dahil pinagtutulakan na niya iyon palapit sa akin.

Fresh pa nga ang mga rosas. Bumilis naman ang pintig ng puso ko nang hapitin niya ako sa baywang at magaan na niyakap.

“Thank you,” he uttered sabay dumampi ang labi niya sa sentido ko. Ako naman ang hindi mapakali dahil sa presensiya niya.

Parang bumalik lang kami sadati. Na iyong hindi pa kami gaano ka-close at nag-iilangan pa sa isa’t isa. Humiwalay rin naman siya at nilapitan niya ang mga anak namin.

“Welcome home, Daddy,” Lenoah greeted his father. Si Eceniia naman nang makita ang daddy niya, pati siya ay maligalig. Kilalang-kilala na niya ang mga taong malapit sa kanya.

“Here. This is yours, my son.” Sabay bigay niya ng paper bag.

“Wow, ice cream!” Kinuha na ni Michael ang bunso namin dahil kanina pa nga ito inilahad ang matambok niyang mga braso.

Inilapag ko sa center table ang bouquet at tumabi ako sa anak ko para ilabas sa kanya ang ice cream. Dalawa iyon at sobrang laki pa. Ube and chocolate flavor.

“Doon natin kainin sa kitchen, babe,” sambit ko at ibinaba ko siya sa sofa. We went to the door nang huminto kami pareho. Dahil hindi ko naramdaman na sumunod si Michael. “What are you doing there, Michael?” I asked him at hayon na naman ang gulat na reaction niya.

“Huh?”

“Ayaw mong kumain sa dala mong ice cream?” Mabilis siyang tumayo at sumunod na sa amin. Maingay ang baby na nasa bisig niya na tila ba kinakausap siya nito.

***

Kumuha ako ng tatlong bowl at saka spoon. Nakaupo na rin ang dalawa sa highchair at nag-iingay pa rin si Eceniia. I sat down beside my son. Nilagyan ko ng ice cream ang tatlong bowl at una kong ibinigay iyong kay Lenoah na excited na ring kumain. Sunod naman ay kay Michael na nahuli ko pang nakatitig sa bawat moves ko.

“Akin na muna si Eceniia.” Nang hinawakan ko ang kamay ng baby namin ay mabilis itong tumalikod sa akin. Mariin kong naitikom ang bibig ko. Isa lang ang ibig sabihin no’n. Ayaw niyang umalis sa bisig ng daddy niya.

Kumuha na lang ako ng baby bread para sa kanya dahil alam kong aagawin niya ang spoon na hawak na ngayon ng daddy niya.

Nahihirapan pa rin akong simulan ang conversation namin ni Michael. Tila kasi may nakaharang pa na pader sa pagitan namin ngunit susubukan ko pa rin namang tibagin iyon. Alam kong ako naman ang gumawa niyon kaya ganoon kahirap harapin si Michael. Ang hirap ibalik ang dating relasyon namin. Hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulan.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora