CHAPTER 80

4.1K 101 9
                                    

Chapter 80: Baby gender reveal

MUNTIK na ako na hindi makatulog dahil parang may guilt akong nararamdaman sa dibdib ko. I didn’t know na nasa Baguio na pala siya at may new project na hinahawakan.

Well, paano ko nga ba malalaman iyon? Eh, wala na nga kaming communication. Psh.

“Mommy, what’s on your mind po?” Nilingon ko ang baby ko nang magsalita siya. Nakahiga na kami pareho sa bed namin. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. May kalakihan na ang tiyan ko and two months from now ay makakasama na namin ang baby sister niya and of course hindi pa niya iyon alam. Bukas pa nila malalaman.

“I was just thinking about your father, my boy,” I answered. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko.

“This is the first time that you think about my dad, Mommy. Before po siya umalis. He told me na huwag po kitang iiwan and I need to watch over you. Daddy also said that he loves you, so much and he’s still willing to wait for you no matter what,” he said sincerely at nakikita ko sa mukha niya ang daddy niya. I couldn’t help but to think about na ganito pala ang face ni Michael when he was young.

Nakipag-chitchat na lamang ako sa baby ko hanggang sa nakatulog na rin kami pareho.

***

Kinabukasan

Wala akong ginawa kundi ang manood lang din habang inaayos nila ang garden namin kasi roon ang event para mamayang gabi and there is no sign na dumating na si Michael.

Hanggang sa sumapit na nga ang gabi ay kompleto ang mga Brilliantes. Well, except him. Blue and pink ang balloons and also the decorations. Sa round table ay may cake roon na nahahati iyon ng blue and pink na color. Kapag hahatiin iyon ay may candy na bilog daw ang lilitaw at iisang color lang iyon. Probably the color pink.

I wore my satin off-shoulder dress na mas visible na ang baby bump ko. Si Lenoah ay puting polo rin ang kanyang suot and black shorts with a white sneakers.

Palinga-linga ako na parang may hinahanap, na kahit alam iyon ng puso ko but still, hindi ko na iyon pinahalata pa na may hinahanap nga ako.

Si Grandma Lorainne ang katabi ko sa table at ang makakasama ko na maghati ng cake into two piece.

“We’re excited,” sabi nila at nakarinig pa ako nang pagpustahan na pinapangunahan iyon ng mga magpipinsan. Iyong sa kanila ay boy tapos sa kabila naman ay babae.

Nagbigay pa kami ng space para sa mga bibong bata na pinakamaingay sa lahat pero kapag sinabi mong tumahimik na muna ay agad naman silang susunod.

“Ayos lang kahit wala si Michael?” malungkot na tanong ni Rea na agad siyang inilayo ni Markin.

“He’s still in Baguio,” kaswal na saad lang ni Kuya Markus.

“Hindi niyo sinabi?” tanong ng Mommy nila na parang maiiyak na rin dahil wala nga ang isa niyang anak.

“He’s not answering our call, Mom. Pero nag-message na lang po kami sa kanya.”

“This is the most important event at minsan lang ito mangyayari,” sabi naman ni Grandma.

“Magsimula na lang tayo. With or without someone ay kaya namang simulan. Come on. Hindi lang ako ang excited malaman ang gender and I know lahat sila,” sabi naman ni Grandpa hanggang sa maingat nilang ibigay sa akin ang kitchen knife.

Hinawakan ko iyon at noong una ay parang ayaw ko nang hatiin but later on I feel like that nandito lang siya.

As I started ay sigawan nila ang maririnig kaya natatawa na lamang ako hanggang sa lumabas na nga iyong bilog na kulay pink, and the winner is iyong mga babae na nanghula sa gender ng baby ko.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon