CHAPTER 79

3K 63 0
                                    

Chapter 79: Space

NOVY’S POV

SA PAGMUNI-MUNI ko sa mga problema ko ngayon ay may kumatok sa pintuan. Ang akala ko noong una ay si Michael iyon. Asta ko na sana siyang pagsusupladahan pero nang bumukas ito ay si Jean lang pala ang bumungad sa akin.

“Hindi ko inaasahan na pupunta ka rito, Jean,” nakangiting sabi ko. Siya si Donna Jean, ang magandang girlfriend ni Miko. Hinawakan ko siya sa kamay para makapasok na siya nang tuluyan. I let her sat down on the bed. I stared at her beautiful face.

“Bawal po ang umiyak dahil buntis ka,” she said at hinaplos pa niya ang tummy ko na ikinangiti ko.

“I can’t help it. Emotional rin ang mga buntis,” I reasoned out as I laugh.

“Ano po ba ang gusto mong gawin, Ate?” she asked me.

“Honestly speaking... Gusto kong umalis. Gusto kong...mapag-isa. I was confused, Jean. Minsan ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Masyado akong...nasaktan dahil sa nangyayari ngayon sa akin. Hindi ko matanggap ang naging kapalaran ko ngayon. Malapit na malapit na talaga akong s-sumuko...” paliwanag ko na pumiyok pa ang aking boses.

Feeling ko ay hindi healthy sa amin ni baby ang stress ako palagi at dala-dala ko pa rin ang problema ko ngayon na parang hindi pa rin ako naka-move on and that was true.

Paano nga ba ako makakapag-move on, eh ang sakit ng pagsubok na hinaharap ko ngayon? Haist.

“Hindi ka puwedeng sumuko, Ate Novy. Alalahanin mong may sanggol kang dala-dala at nasa sinapupunan mo pa siya,” sambit niya at napangiti ako nang hawakan niya ulit ang tummy ko na itinuturo niya na may baby pa ako.

Kaya nga... Kaya nga mas pinipili ko ang maging matatag.

“Kaya nga... Siya at ang Kuya Lenoah na lamang niya ang pinagkukuhanan ko ng lakas,” sabi ko. Kahit gusto kong umalis sa bahay na ito ay hindi ko rin naman magawa dahil kay Lenoah. Ayokong nakikita siyang malungkot na naman. Napaka-toxic na nga ng relationship namin ng daddy niya at pati siya ay nadadamay na rin.

“Eh, ang daddy nila?” Napasimangot ako sa tanong ni Jean. Ano naman ang pakialam ko sa lalaking iyon?

“Stress lang ang ibinibigay niya sa akin,” I answered.

“Paanong stress po, Ate?” naaaliw na tanong naman niya.

“Sa lahat ng bagay,” mabilis na sagot ko. Sinisisi ko pa rin kasi siya until now. Wala, eh. Siya ang pinagbubuntunan ko ng galit ko ngayon.

“Hindi mo ba siya kailangan?” muling tanong niya.

“Maliban sa...” I took a deep breath. “Basta. Naiinis ako sa kanya, hindi ko nga kayang tingnan siya nang diretso sa eyes niya. Huwag na natin siyang pag-usapan pa dahil kumikirot na naman ang ulo ko.” She just nodded. “Bakit pala nandito ka, Jean?” tanong ko naman sa kanya.

“Hinahanap ko po si Miko. May gusto pala akong i-share sa ’yo, Ate,” aniya. Eh, saan naman kaya nagpunta iyong joker niyang boyfriend at iniiwan niya itong si Jean?

“Hmm, sure. Spill it,” saad ko.

“Ang sintomas ba ng pagbubuntis, Ate. Iyong may morning sickness ka? Nahihilo ka at nasusuka? Palagi kang gutom at inaantok, pero hindi rin naman ako maselan sa mga pagkain.” Napahilot ako sa sentido ko. Kung ganoon ay nararamdaman na niya iyon. We’re expecting a new member of our family, masaya na naman ang Brilliantes clan. Nasisiguro ko iyon.

“Yes. Kung ganoon...may nabuo na kayo ng boyfriend mo?” I asked her at ako naman ang humawak sa impis niyang tiyan. “No wonder, mga Brilliantes sila. Ganoon sila katuso, Jean. Kapag ayaw na nilang pakawalan ang mga babaeng gusto nila ay gagawa talaga sila ng isang bagay para hindi ka umalis at pipiliin mo ang mag-stay sa tabi nila. Dahil may alas na sila,” malamig na saad ko.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu