CHAPTER 77

3K 51 0
                                    

Chapter 77: Mistake and Hopeless

MICHAEL’S POV

SINADYA kong imbitahan ang mga kaibigan ko na pumunta sa bahay namin. Na isa pa matagal na rin nilang gustong bumisita para makita si Novy at malaman na kung okay lang ba ito. Malaking tulong ang presensya nila, even Wayne Salvacion ay pinapunta ko rin. Yes, I invited him.

Nakita ko kay Novy ang kapayapaan sa maganda niyang mukha. Na kahit na may pinagdadaanan pa siya ay masaya pa rin siya na makita ang mga kaibigan namin. Sa tuwing kami na lang kasi ang naiiwan ay palagi siyang tulala at hindi ko siya makausap. She’s always avoiding me at pinagtatabuyan pa ako.

Before they leave ay sinamahan ko sila na makalabas at naiwan ang mag-ina ko sa loob.

“Engineer Michael, may sasabihin pala ako.” Napahinto pa ang dalawang kaibigan ko at hinintay rin nila ang sasabihin nito.

“What is it?” I asked him.

“Alam kong magagalit sa akin si Novy kapag sinabi ko ang plano niyang pag-alis,” he said. Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. May planong umalis si Novy? Balak niya bang iwan ako at iiwan nila ako ng anak namin? I feel the pang in my chest. Nandito na naman sa dibdib ko ang takot na baka iwan na naman niya ako. “Mag-isa lang siyang aalis. A piece of advice. Engineer, higit na kailangan mo nang mahabang pasensiya ngayon. Ayoko rin sanang sabihin ito but as her friend. I’m still concerned and worried about her. Kapag minsan mo nang sinugatan ang puso ng isang tao ay hindi rin ikaw ang may kayang pagalingin iyon. Hindi ako naniniwala na kayang mawala ang pasakit mo sa isang tao kung babalik ka at kung babawi ka sa mga nagawa mo sa kanya. No, I don’t believe that. Ang pag-m-move on ay hindi isang tao ang instrumento. Na ang taong siya ring nanakit. Dahil ang pinapaniwalaan ko ay ang sarili mismo ni Novy. Ang sarili niya ang may kakayahan na pagamutin ang sakit sa puso niya. Hindi ikaw ang magiging dahilan. May trust issue na siya at alam kong alam mo na mahirap nang ibalik pa iyon. Hindi lang sa salita kundi dapat physically na paghihirapan mo,” his long statement and all I can do is nodded. Because I agree.

Lahat din nang sinabi niya ay may katotohanan. Tama siya na hindi ako ang gamot para sa sakit na idinulot ko kay Novy sa puso niya.

“Thank you for the information,” sabi ko.

“Isa akong photographer at marunong akong mangilatis sa isang bagay. Para sa nakita ko kay Novy, may pag-aalinlangan siya sa ’yo. Iniisip niya na magiging pabigat siya kapag inalagaan mo pa siya. Instead na pakitaan mo siya ng awa. Subukan mong pagaanin ang loob niya sa pamamagitan nang huwag sumuko agad. She’s strong and independent, Engineer Michael. Pero bawat tao ay may sariling weakness, right? Matapang man sila na harapin ang problema nila at realidad ay may mga pagkakataon pa rin na nagiging mahina sila. Iyon ang nakikita ko kay Novy.”

“I’ll keep that in mind,” I told him at itinaas niya ang nakakuyom niyang kamao to fistbump. I accepted that.

“Masuwerte ka dahil kung ako lang ang unang nakakilala kay Novy ay lalabanan kita para lang makuha ko ang puso ng babaeng mahal mo. Pero hindi ako kontrabida at hindi rin ako ang bida ng kuwentong ito. Isa lang akong extra na magbibigay pa rin ng advice and a friendship para sa mga totoong bida. Pero kapag sinukuan mo ulit siya. Ako mismo ang gagawa ng paraan para ilayo siya sa ’yo. Alam mo naman na tayo ang gumagawa ng tadhana natin. It’s our choice,” he said before he bid goodbye. Ngumiti lang din sina Ocean at Anthony.

“Kapag okay na ulit kayo ni Novy. Tara, hiking tayo,” Ocean uttered that made me smile.

“Yeah.”

“Be a man, Michael. A mistake isn’t our choice, it was destiny. Pero sabi nga ni Salvacion, tayo ang gumagawa ng tadhana natin at kung uulitin mo pa rin ang ginawa mo. Ikaw na mismo ang pumipili ng destiny mo,” ani naman ni Anthony na tinawanan ko lang.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Where stories live. Discover now