CHAPTER 84

3K 54 0
                                    

Chapter 84: Step 3 & chance

“I’M SURE na magiging masaya ang isang iyon,” sabi ni Kuya Markin at umiling pa siya pero may multo naman sa mga labi niya.

“Yeah,” pagsang-ayon naman ni Kuya Markus. I shrugged my shoulders. Malalaman ko iyan kapag nakarating na kami sa opisina but yeah, puwedeng mangyari iyon.

“Tapos na po ako kay Kalezy. Doon naman ako sa kapatid niyo,” sambit ko. Buo na rin ang desisyon ko na tanggapin ulit siya. Naaawa na rin kasi ako.

“Tama ’yan. Maawa ka na sa kanya, Novy.” I just smiled. That’s what I feel.

Lumapit na muna kami sa information desk. Hindi ko na isinuot pa ang baby bag ni Eceniia. Si Lenoah naman ay hindi umalis sa tabi ko at kahit noong papasok na kami ay hinawakan ko na siya.

Agad naman kaming binati ng babae at hindi pa ako nakapagtanong ay may isang babae na ang gumabay sa amin. Sumakay pa nga kami ng private elevator. Kaming tatlo na lang dahil nagpaiwan na roon ang babae. Nagtataka pa ako pero hindi ko na pinansin pa iyon.

Nang bumukas na ay saka kami lumabas. Pinauna ko ang little boyfriend ko. Walang tao sa table ng secretary ni Michael kaya nilampasan na namin iyon.

Tumingala pa sa akin si Lenoah. Nang ngitian ko siya ay mahihinang katok ang ginawa niya.

“Come in,” narinig kong sabi ni Michael mula sa loob. Bumibilis ang heartbeat ko. I don’t know why kung bakit nagkaganito na lang bigla.

Pinihit ko ang doorknob at itinulak ito pabukas. Nauna ulit si Lenoah na pumasok sa loob ng office at ang daddy nila ay nakayuko ito habang may binabasa na papeles.

Mukhang busy siya at subsob talaga siya sa trabaho niya kaya hindi na niya kami napansin pa. Sa paglalakad ko ay lumikha nang ingay ang heels ko hanggang sa nag-angat na rin siya nang tingin.

Nagulat siya at bigla niyang naibaba ang mga papeles na hawak niya. Napatayo na rin siya at mabilis niya kaming nilapitan.

“Hi, Daddy,” bati pa ni Lenoah sa kanya.

“Hello, my son,” he uttered. Binuhat niya ito at hinalikan sa noo saka niya ibinaba ulit.

Nag-aalangan pa siyang lumapit sa amin pero ginawa naman niya. Hinalikan niya ang sentido ko saka niya kinuha ang backpack na dala ko at pati si Eceniia ay binuhat niya rin.

Nakatalikod mula sa kanya ang baby namin kaya nang kunin niya ito ay umiyak pa. But when he kissed her cheek ay huminto rin sa pag-iyak at inosenteng tiningnan siya nito. Sa paraan na iyon ay nakilala na niya ang kanyang ama. Mayamaya ay bumungisngis na rin ito at ilang beses na tinampal-tinampal ng palad nito ang pisngi niya. She really loves her father kahit baby pa lang siya.

Michael stared at me. Ngumiti ako sa kanya at nag-tiptoed para i-kiss siya sa pisngi niya. Saka ako umupo sa sofa at inaya kong umupo roon ang anak kong si Lenoah.

Si Michael ay hayon, tulala na at hindi makapaniwala sa ginawa ko. Kung sabagay. Sino nga ba naman ang hindi magugulat kapag bigla ka na lang nginitian at halikan ng babaeng may galit sa ’yo?

“I want coffee, Michael,” sabi ko at doon lang siya kumilos. Inilapag sa center table ang backpack namin.

“Okay. Eceniia, kay Mommy ka muna, baby.” Nang ililipat na sana niya sa akin ang anak namin nang muli na naman ako nitong tinalikuran at kumapit nang mahigpit ang matambok nitong mga braso sa leeg niya. May paiyak-iyak pa siya na tila natatakot siyang bitawan nito.

“Aba nga naman may favoritism ka na, ha,” kunot-noong saad ko at hinila ko pababa ang suot niyang baby blue dress niya. Inayos iyon ng daddy niya at saka sila nagtungo sa pantry.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Where stories live. Discover now