CHAPTER 76

3.1K 53 0
                                    

Chapter 76: The mother of his son

NOVY’S POV

EARLY in the morning ay nag-prepare na ng breakfast namin si Michael. Kung hindi lang siya pumasok sa kuwarto ay hindi ako babangon agad. Wala rito si Lenoah dahil nasa labas na rin. Tinatamad akong bumangon at parang ang bigat sa katawan.

I took a deep breath at sumama na lang sa kanya sa labas. Nang maramdaman ko ang kamay niyang nasa likuran ko ay mabilis kong tinabig iyon.

“Don’t touch me, Michael,” mariin na saad ko. Hinarap ko siya at sinamaan nang tingin. Iyong galit ko sa kanya ay mukhang araw-araw madadagdagan. I even heard him sighed. Nakasunod pa rin naman siya sa akin.

Sobrang kapal ng mukha ni Michael para dalhin niya ako rito sa house niya. Kahit na wala akong balak pang bigyan siya ng another chance ay heto pa rin siya at pinagpipilitan ang sarili niya.

Sa pagpasok namin sa dining area ay nandoon na rin ang anak ko. Nang makita kami ay agad niya kaming binati. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. I kissed his forehead at naglalambing na yumakap din siya.

“Good morning, my boy,” I greeted him.

“Good morning too, Mom. Good morning, Daddy.” Pinaghugot pa niya ako ng chair. Walang imik na umupo na lamang din ako. He even kissed his son’s forehead.

May breakfast na nga ang nakahanda sa table namin. A half-cooked eggs, fried rice, omelette, sandwich, milk and juice. Agad kong hinila palapit sa akin ang plate ko when he was about to pull it. Alam ko naman ang gagawin niya. Lalagyan niya iyon ng food.

Kaya si Lenoah na lang ang inasikaso niya. Mahirap magpatawad sa totoo lang. Iyong tiwala ko rin mismo ang nawala.

Kasi kung pagbibigyan ko pa siya ng another chance, makakaasa ba ako na hindi na niya ulit ako sasaktan? Makakaasa ba ako na kapag napagod siyang intindihin ako ay hindi na niya ulit ako iiwan pa? Makakaasa ba ako na hindi na niya ako susukuan? Ang daming tanong na punong-puno ng pagdududa.

Dahil kapag binibigyan ko pa siya ng isa pang pagkakataon at gagawin niya ulit iyon sa akin ay mas lalo lang akong masasaktan. Hindi sapat ang pagsabi niya na mahal niya ako kung kaya niya rin akong iwan katulad nang dati.

Tahimik lang akong kumakain at silang mag-ama ang maingay dahil sa kuwentuhan nila. Nahihirapan din ako dahil left hand ko na ang ginagamit ko para lang makakain ako.

Hindi naman na masakit ang kamay ko at nagagalaw ko kahit papaano. Iyon nga lang ay wala ng silbi pa, dahil hindi ko na nagagawa pang hawakan ang mga bagay nang hindi nadudulas sa kamay ko.

Wala pa rin naman akong physical therapy and I planned to go to States para magpagamot. Of course, hindi ko sasabihin kay Michael. Maiintindihan din naman ako ng anak ko kapag aalis na muna ako. Maiiwan siya sa daddy niya. Ayokong maging mas pabigat sa kanila. Baka nga wala pang isang buwan ay suko na agad si Michael.

After the breakfast ay nagkaroon kami ng visitors. My best friend Pamela, and Michael’s friends.

“God, Novy baby!” Umiiyak na yumakap sa akin si Pamela. Nabasa agad ang balikat ko dahil sa mga luha niya. Hinigpitan ko rin ang yakap ko sa kanya.

“Parang hindi naman tayo madalas na nag-uusap, ah? Kung makaiyak ka naman,” naaaliw na sabi ko. I rubbed her back. Madalas naman kaming nag-uusap at naka-video call pa kami.

“H-Hindi ’yon! Noong nasa hospital ka pa in coma ay hindi ako pumunta dahil b-baka...mag-breakdown lang ako roon and I’m pregnant. Pinagbawalan ako ng doctor ko... Mas lalo ka lang maaapektuhan kapag narinig mo akong umiiyak.” Nagsalubong ang kilay ko at humiwalay ako sa kanya. Tinapunan ko nang tingin ang husband niyang si Anthony.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu