EPILOGUE (1)

3.4K 37 0
                                    

EPILOGUE

PAREHO naming pinapanood ni Kuya Mergus si Grandpa na titig na titig din siya sa screen ng cellphone niya. May something doon kaya ang lapad-lapad ng ngiti niya.

Napakamot sa batok niya ang kuya ko dahil kanina pa kaming naghihintay sa loob ng opisina ni Grandpa pero hindi man lang kami nito pinansin.

Ilang beses na ring tumikhim ang katabi ko pero busy masyado ang lolo namin sa phone niya. Hindi na rin ako nakapaghintay pa at tumayo na ako para makita ang pinaplano niya na kailangan pang naka-earphone siya. But it’s too late na makita pa iyon dahil mabilis niyang pinatay. Kakamot-kamot sa batok ko na bumalik ako sa upuan ko.

“Grandpa. Ano po ba ang dahilan kung bakit kami nandito?” tanong ni Kuya Mergus.

“Nag-usap na kayo ng Kuya Markus mo, ’di ba, Mergus? Na sasama ka sa amin sa Canada,” sabi nito.

“So, ako ho, Grandpa. Ano po ang ginagawa ko rito?” magalang na tanong ko naman.

“Sasama ka sa amin,” sagot niya lamang. Ano naman kaya ang gagawin ko roon? Bakit ako isasama pa?

Sumang-ayon naman ako, ang nakatatandang kapatid ko ay noong una ay tumanggi at bago nga kami umalis ay bumili pa siya ng handbag. May birthday raw kaming a-attend-an at kilala niya iyon. Kaya pagdating namin sa Canada ay tinanong ko siya. Nag-check in kami sa malapit na hotel at iisang suit lang din kami.

“Do you like her, Kuya?” I asked him and he frowned.

“Sino?” he asked me back.

“Ang may birthday,” I answered and just using my lips ay itinuro ko ang hawak niyang regalo.

“Bakit ka nagtatanong?” Ayaw niya talagang aminin. Kailangan pa niyang ibalik sa akin ang tanong ko.

“First time mong bumili ng handbag ng isang babae. I’m just curious. Wala ka pa namang oras para lang mag-shopping,” I said at nagawa pa niya akong sikuhin. Hindi ko na lamang iyon pinansin, hindi naman malakas. Tamang hangin lang.

“Ang daldal mo talaga pagdating sa amin. Sa iba ay aloof ka at masyadong tahimik,” sabi niya. Well, that’s true. Sila lang ang nakakakita ng ganitong side ko. Silang pamilya ko lang naman ang nakaiintindi sa ugali ko.

“Don’t change the topic, Kuya. Gusto mo siya, ’no?” I asked him again kaya nang asta na niya akong babatukan ay mabilis na akong tumayo. Asar na asar talaga siya at gusto niyang gumanti sa akin. Dahil hinahabol niya ako.

Salamat na lang din ay may kumatok sa pintuan kaya roon ako nagtungo upang buksan ito.

“Bakit po, Dad?” he asked our father nang si Dad nga ang napagbuksan ko.

“Prepare yourself. Aalis na tayo mayamaya,” seryosong sagot lang ng daddy namin.

“Sige po, Dad.” Iyon lang naman ang sinabi ni Dad kaya umalis din siya. Pagkasara ko ng pinto ay akala ko safe na ako pero nagawa niyang ipitin ang leeg ko gamit ang kanyang braso. Pareho lang namang malaki ang built ng katawan namin. Mas matangkad lang siya nang kaunti kaysa sa akin. Pero hindi mahigpit ang pag-ipit niya sa leeg ko. “Tsismoso ka talaga.”

“Gusto mo nga siya, Kuya. Nananakit ka na,” saad ko saka niya ako pinakawalan kaya malakas na natawa ako. Lumapit ako sa kama at padapang ibinagsak ang katawan ko. “Honestly speaking, Kuya. Hindi naman ako kailangan na sumama sa inyo, eh. Alam ko na po kung ano ang plano ni Grandpa,” sabi ko.

Siguro ay may napupusuan na naman ang butihin naming lolo at turn na naman ni Kuya Mergus. Goodluck to him and aside from that, isasama na naman ako sa kung saan ni Grandpa.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Where stories live. Discover now