SPECIAL CHAPTER 2

2K 31 0
                                    

Special chapter 2: Wedding

NOVY'S POV

SA FIRST birthday ng bunso namin ay na-surprise ako nang sumapit ang gabi. Hindi ko inaasahan ang marriage proposal ni Michael. Well, surprise nga kaya talagang magugulat ako.

Kung siguro dati pa niya ginawa ito noong naging maayos na kami at bumalik na sa dati ang relasyon namin ay siguro ma-r-reject ko siya. Kasi nagsisimula pa nga kami at may kaunti pa akong takot but now. Sigurado na ako sa kanya at wala na akong doubt.

Hindi naman siya bumalik pa sa dati na madali siyang mapagod na bigla-bigla na lamang niya akong isuko.

Nang magsayawan kami at nang pinaikot niya ako ay nakita ko na lang siyang nakaluhod at may hawak na siyang isang kaheta ng magandang singsing na kumikinang. I wonder kung ilang milyon na naman ang halaga nito.

Gayon pa man ay nag-init ang sulok ng mga mata ko at hindi makapaniwala. Tumatambol nang malakas ang dibdib ko.

"Ayokong madaliin ang lahat pero nandito na ako, Novy. Maglalakas loob na akong hingin ang mga kamay mo para makasama ka habang-buhay. Insecure sa akin ang mga kapatid ko, mga pinsan ko dahil ako lang ang bukod tanging may mahabang pasensiya. Nakuha ko ito mula kay Grandpa. Pero nagawa ko pa ring liitan ang aking pasensiya dahil sa pagiging selfish ko dati. Novy, pinagsisisihan ko na ang mga bagay na ginawa ko noon sa iyo at ayoko nang maulit pa iyon. Gusto kong itama ang mga pagkakamali ko sa pamamagitan ng panibagong buhay na makasama ko kayo ng mga anak natin," mahabang saad niya at tumulo na ang luha ko. "Sa buong buhay ko ay dalawang babae lang naman ang minahal ko. Sina Mommy at Grandma, pero nang dumating ka ay higit na pagmamahal pa pala ang mararamdaman ko at lalo na nang dumating sa buhay ko si Eceniia," he added and glanced at our daughter Eceniia Mikheeva.

"Wala na akong mahihiling pa kundi ang...bigyan mo ako ng isa pang karapatan na tawagin kang asawa ko... Tumatanggap ako ng rejection at naiintidihan ko kung hindi ka pa handa. Novy Marie V. Bongon, handa ka bang palitan ko ang pangalan mo sa pangalan ng pamilya ko? Oo at hindi lang ang isasagot mo," he asked. Kakaiba... Kakaiba ang marriage proposal niya.

"Ikaw lang yata ang may kakaibang marriage proposal, Michael," I commented.

"I agree to that!" Grandpa shouted out of nowhere. Pati siya ay agree rin sa 'kin.

"Miss... Will you marry me?" he asked. Iyon na ang famous line ng mga lalaki kung hinihingi nila ang kamay ng mga babaeng mahal nila para pakasalan ito.

"Ikaw ba, Michael... Kaya mo bang mas habaan pa ang pasensiya mo at kaya mo pa ba akong tiisin, na hindi ka magsisisi kung matatali ka na sa isang katulad ko?" tanong ko naman at tumango siya. Walang pag-aalinlangan iyon.

"Para sa 'yo, para kay Lenoah, para kay Eceniia at para sa akin... Para sa ating apat ay handa kong tiisin ang lahat, ang makasama ko lang kayo..." he said sincerely.

"Then let's get married. My answer is yes," sagot ko na alam kong hindi ko na ito pagsisisihan pa. Nang maisuot na niya sa akin ang singsing ay hinalikan niya ako sa noo at saka niya ako mahigpit na niyakap.

Ang ganda ng singsing ko. Maliit man ang diamond nito pero talagang kumikinang.

"Now, puwede na raw magsayawan ang iba. Beautiful ladies and engineers, ngayong gabi ay nasaksihan na natin ang marriage proposal ng isang miyembro ng pamilya natin na mayroon na pinakamahabang pasensiya ngunit may limitasyon naman pala. Palakpakan naman natin sila. Again, congratulations! Aabangan na naman namin ang kasal!" sigaw ni Daziel.

"Engagement party!" sabay na sigaw ng mga pinsan nila.

"Hep! Huwag na iyon. Kasal na agad! Nauna na nga ang dalawang anak nila baka nga lumalangoy na ang sperm ni pinsan sa tummy ni Novy!" I chuckled sa halip na mahiya sa sinabi niya. Imposible iyon dahil hindi na namin ginagawa pa ang dati naming ano... Gentleman si Michael at kontrolado na niya ang sarili niya. Hanggang kiss and hugs lang kami.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon