CHAPTER 78

3.6K 65 3
                                    

Chapter 78: Pregnant & Distance

TWO weeks na nagtagal ang physical therapy ko sa US. Yes, nagawa pa rin akong pilitin ni Michael na ituloy ang therapy ko. True to his words na hindi niya nga ako iniwan at hinabaan pa niya lalo ang patience niya but still, wala akong maibibigay sa kanya na another chance. Hihintayin ko na lamang na mapagod siya, again. But the question is kailan naman siya susuko ulit?

Hindi pa rin kasi ako maniniwala na kaya pa niyang pagtiisan ako dahil gagawa pa rin ng isang bagay na ikagagalit niya. But I did everything I can. Wala pa ring nangyayari. Tsk.

Nasa isang fancy restaurant kami ngayon at kasalukuyan na kumakain ng lunch namin. Last Friday na ang therapy ko at uuwi na rin kami. Madalas kapag pauwi na kami sa hotel ay dinadala kami sa kung saan ng daddy niya. Nag-e-enjoy lang ako kapag nakikita kong masaya si Lenoah. Na iyong may malakas na tawa niya ang maririnig ko and of course, hindi pa okay ang relationship namin ni Michael.

Kung mayroon man na progress, iyong hinahayaan ko siya na tulungan ako nang hindi ko na tinatabig at hinahampas ang mga kamay niya. Nakaiinis lang siya kung minsan.

Marami nang nagastos si Michael at hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang black card niya. Alam na niya na nasa akin iyon at kahit gusto ko pang ibalik sa kanya ay hindi na niya tinanggap. Hindi na raw kasi niya kailangan ito.

Kumuha ako ng table napkin at maingat kong pinunasan ang sauce na nagkalat sa gilid ng labi ng baby boy ko. Kumakain siya ng spaghetti na ayon sa gusto niya.

“Gusto mo pa, babe?” I asked him. Tumango-tango siya kaya naglagay ako ng spaghetti sa plate niya. Iyon nga lang ay natagalan dahil nahihirapan pa rin akong gamitin ang left hand ko. Hindi rin naman kasi ako sanay. Kahit noong okay pa ang kamay ko ay hindi ko naman ito ginagamit.

Naka-gauze na ang kanang kamay ko. Tinatanggal lang ito kapag nasa clinic na kami. I heard my son’s chuckle.

“Thanks po, Mommy babe,” he said. Pinagmasdan ko pa siya na maganang kumain. Ramdam ko rin ang panonood sa amin ni Michael. Kung naglalambingan kami ni Lenoah ay tahimik lang siya. Ewan ko kung ano ang tumatakbo sa isip niya. I don’t care naman sa kanya. Bahala siya sa life niya, basta goods lang kami ng little boyfriend ko.

***

Two months later

We’re still in the same roof with Michael and nakikita ko rin ang kakaibang sigla at saya ng baby ko dahil magkasama nga kami na buo ang family namin but I’m still not happy to be with Michael again. After everything he did ay magagawa ko pa siyang tanggalin? I feel sorry for my son if hindi ko magawang maging masaya talaga. May takot pa kasi sa dibdib ko.

Especially that... I’m pregnant. Yeah, buntis na naman ako sa pangalawang baby namin and he is the father. Still that fvcking engineer. Maybe magagawa ko siyang patawarin, kaya naman nating patawarin ang isang tao sa mga nagawa nilang pagkakamali pero hindi sa case namin ngayon. I can accept him sa buhay ko ulit.

Just like I said ay may trust issue na ako at iyon ang pinakamahirap na ibigay sa kanya. Sobrang hirap na nakapapagod pang isipin ang magiging desisyon ko. Hindi na kami gaano nag-aaway sa mga nakalipas na mga araw but not this one.

Mahigpit kong hinawakan ang raket. Dalawang kamay ko na mismo ang may hawak na kung dati-rati ay kahit isa lang ay kayang-kaya ko pa pero kapag ang kanang kamay ko lang ay dumudulas lang ito.

Sa laki ng space sa may gate ay sinadya ni Michael na gawan ito ng court at heto nga ako naglalaro. Minsan pa ay siya mismo ang nag-v-volunteer na maging kalaban ko at kahit hindi siya gaano marunong ay parang ako naman ang walang talento sa paglalaro ng tennis.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin