CHAPTER 85

3.3K 42 0
                                    

Chapter 85: Marriage proposal

ABALANG-ABALA ako sa trabaho ko noong na-surprise ako sa pagdating ng mag-ina ko. I can’t believe they are the ones who visited me in my office. I was so shocked but I felt joy in my heart. Because it’s my first time that Novy visited me with our children. So, this is how my brothers feel when their wives visit them with the kids.

All my stress is gone and I’m full of energy again but I don’t want to go back to work. I want to be with them for a while, and after that ay naging maayos na ang relasyon namin ni Novy. Binibigyan na rin niya ako ng another chance and she even said na girlfriend and boyfriend muna ang status namin. Of course, sino ako para tumanggi? Matagal kong hinintay ito.

“Kung ganoon tatlo ang anak ni Percy?” tanong sa akin ni Novy. Halata sa tinig niya ang excitement. Tumango ako at ngumiti.

Kagagaling lang namin from a photo shoot. Ginawa ko na ngang profile picture ko ang family picture namin and guess what? Nag-comment pa si Wayne at ako pa rin ang suspect niya sa nag-report ng Facebook accounts niya. I’m not sorry for that.

“Masaya ka na? Wala na sanang mag-m-murder pa sa FB ko. Utang na loob.” Iyon ang comment niya at dahil public iyon at ’saktong active lahat ang mga kapatid at pinsan ko ay ginawa na nilang group chat iyon. Tsk.

Nasa bisig ko si Eceniia na gising na gising pa rin kahit natutulog siya nang maaga. Sabagay, busog pa siya. Ang isang braso ko ay nasa baywang ni Novy at magkahawak kamay naman sila ni Lenoah.

Pumasok kami sa mansion ng grandparents ko. Alam kong sa mga oras na ito ay nandito si Grandpa. Matagal ng nag-retiro si Grandpa at nai-turn over na niya ang posisyon niya kay Kuya Markus.

Yeah, sa halip na kay Dad na ipinamana ang main company namin ay sa panganay niyang apo napunta. May sarili rin kasing business si Daddy at iba ang mana na nakuha nilang magkakapatid.

Wala naman sa pamilya namin ang nagtataasan o nag-aagawan ng ari-arian ni Grandpa. Lahat kami ay nabigyan ng pantay-pantay na mana mula sa kanya. Hindi na rin naman sila nabubuhay na galing sa mga magulang nila ang pera.

Maayos ang pagpapalaki sa kanila ng grandparents namin. Iyon nga lang sumobra sila sa pagiging strict sa amin. Malaki rin naman ang naitulong ni Grandma sa kompanya namin. Nang mga panahon na gipit na gipit si Grandpa ay natulungan naman siya nito.

“Dad, sina Kuya Azeth at Mark po ay may alaga rin silang pusa,” sabi ni Lenoah.

“Yes. Pusang gala nga ang mommy ng mga pusa nila,” I said.

“Ha? Pusang gala? What do you mean by that?” natatawang tanong naman ng ina ng mga anak ko. This is so heaven. Nagagawa na naming mag-usap nang maayos at hindi na kami nagtitiis pa sa isa’t isa.

“Napulot lang daw sa daan si Marue. Theza adopted the stray cat. She even fought with Kuya Markus because it was dirty. Ayaw ipakuha sa kanya. But... it’s only then that he proved that Theza is not the one who sends his ex-girlfriend’s death threats,” I said.

“Wow. Kuya Markus accused Theza of the death threats?” namamanghang tanong niya. She’s so cute. Namimilog kasi ang mga mata niya at curious na curious.

“Yeah, but Theza was also a victim. There are people who send her death threats too.”

“Oh, that’s thrilling,” she commented.

As soon as we reached my grandparents’ mansion. Nasa garden sila at kumakain ng meryenda. Araw-araw silang ganito.

“My great grandparents!” masayang sigaw ng anak ko. Patakbong lumapit siya sa mga ito. Sumiksik sa gitna kahit wala masyadong espasyo.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Where stories live. Discover now