CHAPTER 82

3.3K 66 7
                                    

Chapter 82: Step one

MICHAEL’S POV

INAYOS ko ang kumot ni Novy. Nakatulog na siya pagkatapos niyang kumain ng dinner. Hinayaan na niya akong mag-stay rito at kahit hindi pa niya ako kinakausap ay nakontento naman na ako. Paminsan-minsan ay nararamdaman ko ang pagsulyap niya sa akin.

Alam kong umpisa pa lang ito. Paunti-unti pa niyang sinusubukan na muli niya akong tatanggapin sa buhay niya. Handa naman akong maghintay kahit matagal, basta hindi na ako lalayo. Hinaplos ko ang pisngi niya at marahan na pinatakan ko ng halik ang kanyang noo.

I checked her wrist. Sana lang ay gumaling na ito para magawa na niya ang mga bagay na gusto niya. Katulad nang paglalaro niya ng tennis. I know she loves tennis. I kissed the back of her hand.

“Thank you,” I uttered.

Lumipat na ako sa extra bed kung saan nakahiga roon ang mga anak ko. Hindi na namin ibinalik sa nursery room si Eceniia. Sa left side niya ay nakahiga ang Kuya Lenoah niya, na mahimbing na rin ang tulog.

May inilagay ako kanina na unan pero ngayon ay nasa likuran na ni Lenoah at ang kaliwang kamay niya ay nakayakap sa maliit na unan nito na nasa kabila. Na parang pinoprotektahan niya ang kanyang kapatid.

Inayos ko ang pagkakahiga ng panganay ko at ibinalik ko ang unan sa pagitan nila. Hindi naman siya malikot matulog pero para sigurado na hindi niya madadaganan ang bagong silang niyang kapatid ay ibinalik ko na ang unan. Pareho kaming malalagot ng mommy niya.

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa at napapangiti na lamang ako. Sa kabila ng nagawa kong pagkakamali noon at nasaktan ko ang kanilang ina ay parang ang suwerte ko pa rin ngayon. Tila sila ang malaking achievement ko at ang pagtitiis ko sa malayo ay may maganda pa ring resulta.

“I love you.” Marahan kong pinisil ang tungki ng ilong ni Lenoah. “I love you na minsan ay pinagseselosan na rin kita. Mas mahal ka pa ng mommy mo kaysa sa akin. Oh, baka hindi na ako mahal ng mommy niyo,” naiiling na saad ko at tumingin naman ako sa gitna namin. “You too, little creature. I love you. Ikaw rin ang dahilan kung bakit nandito si Daddy.” Maingat ko lang pinaglandas ang maliit at matangos niyang ilong. Mariin kong hinalikan ang pisngi niya kaya bahagyang gumalaw ang mga kamay niya pero hindi naman siya umiyak at bumalik lang sa pagtulog niya.

Aliw na aliw akong pinagmamasdan sila. Kung hindi lang ako dinalaw nang antok ay baka gising pa rin ako hanggang ngayon. I just woke up when I heard my daughter’s voice. Umiiyak siya. Mom was the only one who was left in the hospital and Eceniia is already in her arms. I looked at my son, tulog pa rin siya at hindi rin nagising sa pag-iyak nito. Hinila ko hanggang dibdib niya ang kumot na umabot na sa binti niya.

“Mom.”

“Ayokong gisingin si Novy,” sabi niya at tiningnan ko naman si Novy. Pati siya ay hindi rin nagising. Dahil siguro sa pagod at paghihirap niya kanina. “Pero kanina pa umiiyak ang anak mo, son.”

Lumapit na ako sa hospital bed ni Novy at umupo sa gilid nito. Huminga na muna ako nang malalim saka ko siya marahan na tinapik sa pisngi niya at noong una ay umungol lang siya pero nang marinig na rin siguro ang pag-iyak ng anak namin ay sinambit niya ang pangalan nito.

“Eceniia...”

“Gutom na yata siya,” I uttered. Babangon na sana siya nang pinigilan ko na. Kinuha ko na mula sa aking ina ang apo niya at dinala ko kay Novy.

Tumigil na rin ito sa pag-iyak. Nilingon ko si Mommy, bago sa orasan na nakasabit sa pader. Madaling araw pa lang pero sa ganitong oras ay nagigising ang mga bagong silang na sanggol?

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Where stories live. Discover now