Chapter 1

135 1 0
                                    

Gelu Bershka

It's 3 A.M in the morning, here I am staring at the ceiling. Minsan naguguluhan din ako sa sarili ko e, kasi imbes na magpahinga heto ako nagooverthink sa mga bagay-bagay at may kasalong isang bote nang gin with pineapple juice. Madaming pwedeng i-halo pero mas bet ko talaga ang pineapple juice.

Umupo ako at sinimulan ko na itong i-numin. Fuck, hanggang ngayon hindi parin ako masanay-sanay sa lasa nito.

Grabe ang buhay, nakakapagod. Trabaho dito, kayod doon. Buti pa 'yung iba nagpapasarap sa buhay, enjoy lang nang enjoy at nilulustay ang perang hindi naman nila pinaghirapan.

Habang ako? umiinom magisa habang naiinggit sa iba. Ayoko naman talagang mainggit e, pero anong magagawa ko? talagang nararamdaman ko 'yung ganong pakiramdam. Sana kasi di ba, ANAK MAYAMAN na lang tayo kaso hindi. Kailangan nating kumayod nang kumayod.

Ang dami ko na atang sinasabi, hays. Pasensiya na kayo sobrang lungkot lang talaga nang buhay ko tapos wala pang nagpapakulay, grabe ba! Di, joke lang. Hindi natin sila kailangan. Mas kailangan natin ng PERA kasi mas mabubuhay tayo don.

Bigla akong napatingin sa bumukas na pinto, oo nga pala nakalimutan ko may kasama ako dito. Hindi lang basta kasama, araw-araw pinapasama araw ko. Nakita ko itong naniningkit ang matang nakatingin sa akin, ako naman dedma lang.

"Bershka umiinom ka? nang ganitong oras? Anong nangyayari sayo? trip mo bang uminom araw-araw baka mapadali buhay mo nan ha."

Tinarayan ko lang ito at nagpatuloy sa pagiinom. Pero hindi ako tinigilan ng mokong, lumapit ito sa pwesto ko at muling nagsalita.

"Ginagawa mong i-numan 'tong bahay ko, kulang na lang yayain mo 'yung mga kapwa mong palainom sa labas. Tuwing uuwi ako wala atang araw na hindi kita nakitang hindi umiinom. What time is it? instead of choosing to rest, you're there and drinking what kind of drink is that ha? gusto mo bang palayasin na kita dito ha Bershka?"

Hindi mo pwedeng gawin 'yun, may utang ka pa sakin tsaka wala kang awa! Hindi ko naman ho ginagawang i-numan 'tong malungkot mong bahay. Ito lang talaga yung nagpapasaya sakin kaya sana pabayaan mo na ako, huwag mo na lang ako pansinin. Tsaka, sa tingin mo ba magyaya ako rito nang hindi ko naman kakilala? Baka mas lalong uminit ulo mo sa'kin Sir Jas.

"Hindi malungkot 'tong bahay ko, buhay mo malungkot. I-dadamay mo pa itong bahay, tsaka pwede ba kung iniwan ka ng boyfriend mo mas mabuti ginawa niya iyon kasi kababae mong tao, napakadamak mo. Kahit kakilala mo pa ang yayain mo basta huwag lang dito sa bahay."

Hala grabe siya, hoy mister very good wala ho akong BOYFRIEND! Tsaka ano ba 'yon? magkakapera ba ko don? Baka si kokey 'yon ha, elyen ganon. Umalis kana nga dito, huwag mo na kong pikunin. "Ano tawag mo sakin?" Ayan, part ng pagiging matanda kaya pati pandinig lumalabo na. Ang sabi ko, MISTER VERY GOOD kasi lagi kang pa-goodman. Alis kana nga dito!

"Bershka, bukas kapag nadatnan ulit kitang ganyan, lahat ng mga gamit mo makikita mo na lang sa labas ng pamamahay ko." Tumayo na ito at naglakad papunta sa lungga niyang pati ipis ata hindi nakakapasok doon. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi nito, alam kong di niya iyon magagawa sakin. May utang pa siyang dapat bayaran kaya bahala siya!

Kinabukasan, maaga akong na gising. Grabe ang sakit ng ulo ko! iba talaga tama sakin ng gin biglang sumasama pakiramdam ko e. Hays! Magtitimpla na lang ako ng kape, 'yung matapang. Pagkatapos ko magtimpla napaupo ako.

Tulala pansamantala, bigla kong pinikit 'yung dalawang mata ko. Nasa ganoong pagiinarte ako na may biglang pumitik sa ilong ko. Napadilat ako ng wala sa oras at ang masungit na matandang lalaki pala ang gumawa sakin non. Syempre sino pa ba? siya lang naman talaga kasama ko sa bahay na kasing tanda na'rin niya.

Mali Ang Ibigin Ka (Completed)Where stories live. Discover now