Chapter 19

18 0 0
                                    

Kyano Baltazar

"Kyano ano meron at bigla mo kaming pinapunta dito?" Tanong ni Gabix sakin. Hindi muna ako nag-salita, pakiramdam ko'y parang nanginginig buong kalamnan ko. Tumingin ako kay Vieros at Jas, sila din nakatingin sakin. Lahat sila nag-hihintay kung ano man ang sasabihin ko ngayon. "Hoy Baltazar, huwag mong sabihin i-aannounce mo sa amin ngayon na buntis na si Athara ha? Tama ba ko? Gago ka, dapat kasal muna!" Hindi rin ako nag-react sa sinabi ni Vieros.

"Kyano, pinatawag mo kami dito tapos hindi ka mag-sasalita? Namumutla ka pa, ano bang sasabihin mo?" Si Jas na naiirita narin sa pananahimik ko. Huminga ako ng sobrang lalim bago bitawan ang gusto kong sabihin sa mga ito. Wala nang atrasan, aaminin ko na sa kanila. Bahala na, ang mahalaga wala na kong tinatago.

H-hindi ako straight... I mean, bakla ako.. Matagal kong i-tinago ito sa inyo, patawarin niyo ko. Hindi naging madali para sa akin ito, buong buhay ko nabuhay ako sa pag-tatago. Sa pakukunwari, para hindi niyo malaman ang tunay na pagkatao ko.. Maiintindihan ko kayo kung hindi niyo ako matatanggap, maiintindihan ko 'yon.. Yung sa amin ni Athara, alam narin niya. Hindi naging maganda ang pagtanggap niya sa akin, galit siya.. Pero ayoko siyang mawala sa buhay ko, kaya kahit ganito ang pagkato ko hindi ko siya susukuan.

Wala akong makitang reaction sa mga mukha nila, si Gabix na pangiti-ngiti pa. Si Vieros na chill lang, at si Jas na pailing-iling. Ba't ganyan mga reaction niyo? Nagsasabi ako ng tototo, hindi ako nagbibiro. Seryoso 'to.. "E, paano kami magrereact Kyano matagal na naming alam." Taka akong tumingin kay Gabix. A-anong sinasabi mo diyan? Alam niyo na? M-matagal na? "Oo, alam na namin. Ayaw ka lang namin pangunahan, gusto namin galing mismo sayo. Pero napansin namin na, mukhang ayaw mong sabihin ang tungkol doon, kaya sinabihan kami ni Jas na manahimik na lang." Tinapik ako ni Vieros, hindi ako makapaniwala.. Ibig sabihin alam na talaga nila noon pa...

"At kaya rin grabe ang pagkaconcern mo sakin kasi, gusto mo ako. Hindi ba Baltazar? Pero kahit kailan hindi ako nandiri sayo. Hinayaan lang kita, tsaka huwag mong iisipin na hindi ka namin matatanggap dahil matagal kana naming tanggap. Mga kaibigan mo parin kami no matter what happened, solid parin tayong apat." Niyakap ko sila isa-isa, hindi ko ito i-naasahan.. Salamat, salamat sa inyo.. "Advice ko sayo about kay Athara, kung talagang bibigyan mo ng chance yung sarili mong magmahal kahit ganya ka, gawin mo ang lahat Baltazar maibalik lang ulit siya. Alam naming mahal ka non, huwag mong sukuan."

"Ay wews, ikaw ba yan Santaro? Teka ha, mukhang nawawala ata si Gabix ngayon. Ibang Gabix 'to e, hoy sino ka?"

"Epal ka talaga Cantalyano! Hilig mong sumabat e, sarap mong bigwasan!" Tama na yan, ayan nanaman kayo. Basta, salamat sa inyo... Jas pare, alam kong nitong mga nakaraang raw may mga tagpo sa pagitan nating dalawa na hindi tayo nagkaintindihan. Kung ano magiging desisyon, don na lang rin ako. Basta sa i-kakasaya ng puso mo...

"No, okey na 'yon. Basta, susuportahan ka namin kay Athara. Kami ang bahala sa kanya, hindi ba Vieros and Gabix?"

"Yes, kami na ang bahala." Si Vieros na i-nakbayan ako. Nakita kong sumang-ayon din si Gabix.. Nakaluwag na ko ng maluwag, ganito pala ang pakiramdam na wala kanang tinatago sa sarili mo at sa mga taong importante sayo. Sa wakas, nakalaya na ako...

Minsan kahit mahirap, kailangan mo parin sumugal sa mga bagay na takot ka, hindi natin malalaman kung ano ang magiging resulta non kung hindi mo susubukan. Sa sitwasyon ko, oo matagal kong i-tinago kahit na may mga pagkakataon na ko para sabihin 'yon pero laging nandon ang takot, iyon ang pumipigil sa akin. Pero ngayon, nandito ako at nanatiling nakatayo.

Mabibilang na lang natin yung mga taong nandiyan parin at kaya tayong tanggapin sa kung sino tayo, iilan man sila pero sapat na iyon para magpatuloy. Walang perpekto, lahat tayo may kanya-kanyang tinatago na hanggang ngayon hindi parin natin kayang palayain.

"Maiba tayo, Vieros mag-bibirthday kana pala no? Anong balak mo? Mag-papainom ka ba?"

"Oo, pero hindi ka invited. Wala ka dapat sa kaarawan ko Santaro, masisira lang ang party ko kapag nandon ka. Pero si Miyo, syempre invited siya."

"Wala kang magagawa, pupunta parin ako! Sama mo, sarili mong kaibigan pag-dadamutan mo? K-kyano h-hindi ako makahinga.. A-ang puso ko.. A-ang puso ko.." Binatukan ito ni Jas, natatawa ako sa mga kalokohan ni Gabix. Si Vieros nama'y i-tinaas ang isang kamay at nag-bad finger kay Gabix.

"Jas, Kyano aasahan ko kayo ha. Bawal ma-late." Tiningna ko si Gabix, malungkot ang mukha nito. Siniko ko si Jas, suminyas ako na tingnan si Gabix. Natatawa narin siya sa bangayan nang dalawang 'to. Tumayo ako at lumapit kay Vieros, pare may batang nag-tatampo. Hahaha!

"Gabix, hindi bagay sayo sumibangot diyan. Nag-bibiro lang 'tong si Cantalyano. Hindi ka rin niya matitiis." Wika ni Jas na i-nakbayan si Gabix. Binato ito ni Vieros ng unan, pero nasalo iyon ni Gabix.

"Sino kaya sa atin ang unang bubuo nang sariling pamilya?" Seryosong tanong ni Jas sa amin. Nagkatinginan kaming tatlo, pakiramdam ko si Gabix. Sagot ko, sumang-ayon sakin si Vieros.

"Ako talaga? paano niyo nasabi?"

Kasi, nararamdaman kong si Miyo na talaga ang babaeng gusto mong makasama habang-buhay. Si Miyo din ang babaeng gusto mong maging ina ng mga magiging anak mo. Nakikita ko rin na, simula nung nakilala mo si Miyo maraming nag-bago sayo.

"Tama si Kyano, kaya naman Gabix mag-plano kana ng kasal niyo ni Miyo. Bilisan mo na, hindi na dapat 'yan pinapatagal."

"Oo nga Jas tama ka, pero kahit sumang-ayon ako sa sinabi ni Kyano duda parin ako e." Sinipa ito ni Gabix pero nakailag ito. Halos puro tawa namin ang maririnig sa lugar na ito at ang walang katapusang bangayan nang dalawa naming kaibigan na sina Vieros at Gabix.

No matter what happens, let's still choose to live in a world where we don't hide anything and we don't hurt anyone.

Mali Ang Ibigin Ka (Completed)Where stories live. Discover now