Chapter 13

22 0 0
                                    

Kyano Baltazar

Mommy pumunta ba sa bahay si Athara?

"Oo, babalik siya dito mamaya. May problema ba kayong dalawa?"

Wala po. Bakit nyo po natanong? "Mukha kasing problemado si Athara kanina, ang sabi niya sakin ilang araw ka nang hindi nagpaparamdam sa kanya."

Busy lang po ako sa trabaho ko, kaya hindi ko muna siya kinakausap. Kakausapin ko na lang siya mamaya.

"Trabaho nga ba o may hindi ka sinasabi sa kanya?" tumingin ito sa ina, wala mommy.

"Kilala kita, alam ko may tinatago ka. Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya ang totoo? Karapatan niyang malaman."

Mommy ano po bang sinasabi niyo? "Alam namin ng Daddy mo na hindi ka straight. Hindi mo iyon matatago sa amin Kyano, anak ka namin. Kahit anong tago mo, malalaman parin namin. Anak, huwag kang matakot na sabihin ang totoo. Matagal na kayo ni Athara, matagal mo na rin siyang niloloko."

T-totoo ba Kyano? sabay silang napalingon.

A-athara... anak, ito na ang oras. Tinapik nito ang balikat ng anak. Maiwan ko muna kayo.

"Matagal mo na 'kong niloloko? p-paanong nangyari yun? H-hindi ka straight ganon? So... Ibig sabihin sa apat na taong relasyon natin nagpapanggap ka lang? H-hindi ko maintindihan... Pero bakit hindi ko napansin? Bakit hindi ko nahalata? Ganon ka ba kagaling magkunyari!? Sumagot ka!"

Hindi 'ko sinasadya.. Maniwala ka' t sa hindi sinubukan ko Athara, sa apat na taong iyon kahit mahirap sinubukan ko.. Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Kyano.

"S-sinubukan mo!? sinubukang mahalin ganon? So all this years, lahat nang 'to pagpapanggap mo lang? Ginamit mo lang ako para malaman mo kung sino ka talagang hinayupak kang alikba ka! Ano masaya ba 'kong pagpraktisan? Ni minsan ba hindi tumayo iyang alaga mo sakin!? Napakasama mo Kyano! Pwede mo naman sabihin sakin ang totoo pinaabot mo pa talaga sa ganito? Kung kelan mahal na mahal na kita... Kung kelan ready na itong petchay ko, tapos ang ending isa kang binabae!? Wala akong problema sa mga bakla pero ikaw, gusto kitang ipalapa sa mga tigre, liyon, doon sa Manila zoo!"

Athara pwede bang kumalma ka muna, magpapaliwanag ako. But please calm down!

"Sa tingin mo ba kakalma ako sa ginawa mo sakin!? Hindi! Gusto kitang sampalin ngayon nang paulit-ulit... I want to punch you Baltazar! Sinaktan mo 'ko! Ang sakit sakit, pinaasa mo lang ako!"

Nilapitan nito ang girlfriend na umaapoy sa galit, ngunit lumayo lang ito sa kanya. Napansin na lang ni Kyano na umiiyak na ito.

Athara, patawarin mo ako.. Hindi ako naging tapat sayo, hindi ako nagpakatotoo sa sarili ko. Mas pinili ko na lang itago kesa lumaya sa totoong ako.. Mahirap din para sakin pero alam 'ko mas masasaktan kita.. Pero Athara hindi ka mahirap mahalin, gusto kitang mahalin pero talagang sinisigaw nang puso ko na hindi ako para sayo. Gusto ko na umamin pero lagi akong pinapangunahan nang takot. Alam kong hindi mo ako mapapatawad at maiintindihan kita.

"At sino ang para sayo? Si Jas ba? See, tama nga ako! Kaya pala may nararamdaman akong selos pagdating sa kanya! Si Jas ang gusto mo diba? Ah, mali. Mahal mo! Natameme ka ata bigla? Hindi ba totoo? Sigurado akong hindi pa nila alam, lalo na si Jas. Wala siyang kaalam alam na ang matalik niyang kaibigan, mahal siya. I hate you Baltazar! Sana kahit natakot ka magsalita tungkol sa pagkatao mo, sinabi mo parin sana ang totoo. Hindi yung mas pinili mo pang manakit ng tao!"

Tumalikod na ito sa kanya, ngunit hindi pa ito nakakalayo kaya hinabol siya ni Kyano at niyakap patalikod. Mahigpit iyon, siniksik nito ang mukha sa bandang leeg ng nobya. May tumulong luha galing sa mga mata nito.

Please Athara... Tatanggapin ko na hindi mo ako mapapatawad sa ngayon pero sana huwag mo akong iwan.. Oo, mahal ko nga si Jas pero matagal ko nang tanggap na kaibigan ko lang siya. Sana kahit nalaman mo ang totoo, nandito ka parin... Alam kong mahirap dahil bakla ako pero patuloy ko parin susubukan na mahalin ka.. Please, give me another chance..

Dahan dahan na inalis ni Athara ang pagkakayakap nito sa kanya at humarap.

"Give you another chance? Lalo mo talaga akong iniinis Baltazar! Diba sinabi mo, gusto mo kong mahalin pero talagang sinisigaw nang puso mo na hindi ako ang para sayo? Kaya tumigil ka sa mga sinasabi mo! Huwag ngayon Kyano, masakit pa.. Kailangan ko muna lumayo sayo, ayaw muna kitang makita."

Humakbang na ito papalayo ngunit huminto ito at humarap, kita ni Kyano ang sakit sa mga mata nito. Gustong-gusto niya itong hatakin at muling ikulong sa mga bisig pero nanatili siyang nakatayo.

"Alam mo, minsan lang magmahal ng tapat e.. Pero anong ginawa mo? Sinuklian mo lang ng matinding sakit at sugat ang puso ko..."

Tinalikuran na niya si Kyano, kapit ni Athara ang naninikip niyang puso. Mas lang siyang nasaktan, hindi manlang siya hinabol at sinundan nito.

Hindi na ito hinabol ni Kyano, naramdaman na lang niya ang presensya ng ina. Niyakap niya ito.

Hayaan mo muna siya anak, babalik siya kung talagang tunay ang pagmamahal niya sayo, walang mali sa pagkatao mo anak. Masyado mo lang talagang pinatagal kaya hindi mo masisisi si Athara.

"Mabuting tao si Athara mommy at sinaktan ko lang siya.."

May panahon ka pa para bumawi anak, sa ngayon pakawalan mo muna siya. Kailangan mo narin sabihin ang totoo sa mga kaibigan mo at kung hindi ka nila matatanggap, bukas ang mga bisig ko para yakapin at tanggapin ka anak.

Tanging pagtango na lamang ang isinagot nito sa ina at mas lalong itong yumakap. Pakiramdam ni Kyano napakasama niyang tao para manakit ng mga taong katulad ni Athara.

Tama si Mommy, kailangan 'ko narin sabihin sa mga kaibigan ko ang totoo. Ayoko na magtago, magiging matapang na ko. Kung hindi man nila ako matatanggap, tatanggapin ko iyon ng maluwag. Ang mahalaga, wala na kong tinatago. Pagod na ko magkunyari, nahihirapan na kong itago ang totoong ako..

Athara, it doesn't end here. I'll get you back...

Sam Claflin as Kyano Baltazar

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.


Sam Claflin as Kyano Baltazar

Mali Ang Ibigin Ka (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora