Chapter 6

32 0 0
                                    

Jas Duo

Hindi mapakali si Jas kanina pa itong pasilip-silip sa labas nang bahay. Hindi siya mapalagay, kahit ayaw niyang isipin ang dalaga hindi mawala sa isip niya ang mag-alala. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin ito umuuwi, ngayon lang 'to nangyari. Napainom siya ng tubig at sumilip muli sa bintana.

Agad siyang napaupo ng marinig ang pagbukas nang pinto. Naramdaman niya itong nakatayo sa likuran, hindi nagsasalita. Nilingon niya ito, agad sumingkit ang dalawa niyang mata ng mapansin na lasing ito at namumungay ang mga matang nakatingin sa kanya. Tinitigan lamang siya nito, agad ding kumawala at naglakad patungo sa kwarto.

Bakit ngayon ka lang umuwi? It's late at night and you're still out. Then you're drunk, ano bang nangyayari sayo? Paano na lang kung may nangyari sayong masama ha Bershka? Lumingon si Gelu sa gawi nito, nagpunas muna ito ng mukha bago ito sumagot.

"So? Pwede ba SIR JAS huwag mo kong tanungin kung saan ako galing at kung bakit  ngayon lang ako umuwi okey! Wala kana roon, magpapahinga na ako.

Pinigilan siya nito, nararamdaman nanaman ni Gelu ang kakaibang pakiramdam sa mga oras na ito habang nakikipagtitigan sa kanyang Professor. Gusto niyang kuritin ang sarili, hindi niya kayang salubungin ang mga mata nitong masama ang tingin sa kanya.

From now on, I won't ask you anymore, hindi ko nga alam kung bakit pa kita kinakausap ngayon. Hindi ko alam pero masyado mo kong pinipikon Gelu!

Pumasok na si Jas sa kwarto nito, ni hindi na pinakinggan ang dalaga kung ano ang sasabihin sa mga narinig mula sa kanya. Naiwan namang tulala si Gelu, gusto pa sana niyang katukin ito sa kwarto ngunit nawalan siya ng gana at lakas nang loob.

Pumasok na lang rin ito sa sariling silid. Humiga si Gelu at nag-open ng cellphone, nakarecieved siya ng text galing iyon sa kanyang ina.

Anak, Gelu umuwi kana. Miss kana namin, maayos ba ang tinitirahan mo riyan? Saan ba 'yan pupuntahan kita anak.

Tumulo ang luha ni Gelu, pinatay ang cellphone. Mas pinili na lang hindi replayan ang ina. Dahil sa pagiging paladesisyon niya sa buhay, nararamdaman niya ngayon ang lungkot.

Gusto ko lang naman maging proud sila sakin kahit wala sila sa tabi ko. Pero bakit parang nahihirapan ako.. No Gelu, pinangako mo sa sarili mo na kakayanin mo ito. Kaya huwag kang umiyak diyan, aalis ka sa bahay na ito oras na makagraduate ka.

***

Lala De Amore

Vieros Cantalyano, how are you? It's been a long time. Buhay ka pa pala. Joke lang Cantalyano, so anong atin? Bakit mo ako pinapunta dito sa condo mo? What do you need?

"I'm good, yes buhay pa ako. Madami akong buhay Amori. Pinapunta kita dito kasi wala naman, gusto lang kitang makita." kumindat pa ito sa dalaga. Napansin niyang wala itong reaction, ngumiti lang si Lala ng tipid.

Wala ka naman palang kailangan sakin, I'm leaving. Tsaka hindi ako naniniwalang gusto mo kong makita, sinong niloko mo Cantalyano? I know you, alam ko madami kang pinapapunta dito na kung sinu-sinong mga babae. Oh gosh, hindi kana talaga nagbago! Tumayo na ito at dinampot ang bag, ngunit hinawakan siya ni Vieros sa bewang.

"Nagseselos ka ba? Huwag kang magselos. Ikaw ang special sa lahat, tsaka masyado pang maaga para iwan mo ko dito. Can you stay? Please." Nagpuppy eyes pa ito sa dalaga.

No, I'm not. I can't stay here. Hindi magandang makasama ka, masaya akong makita ka ulit pero walang ibig sabihin iyon, masaya lang ako. So, bye."

Wala na itong nagawa para pigilan ang babae, napasandal si Vieros. Oo, aminado siyang madaming babae pero para sa kanya si Lala De Amori lamang ang babaeng nag-papalakas ng tibok ng puso niya.

Paano ba kita mapapaamo Amori? Ang hirap mong suyuin. Ako si Vieros Cantalyano, halos lahat ng mga babae nababaliw sa akin. Tapos ikaw, ni hindi ka manlang tinatalaban. Pero hindi ako titigil, malabong tumigil ako. Maipapanalo rin kita, hindi man ngayon pero mangyayari iyon. Sisiguraduhin kong mapapalambot rin kita. Nag-ring ang telepono ko, ang gagong Gabix Santaro ang tumatawag. Hello? Bakit ka ba tumatawag?

"Nasa condo ka ba ngayon? Pupunta ako riyan ngayon. Otw na ako, may dala akong makakain natin." Huwag kana pumunta sa condo ko, wala ako roon. May pinuntahan ako, busy ako ngayon Santaro. Wala rin ako sa mood makipag-usap.

"Ano na naman bang problema mo? Sinong niloko mo na wala ka sa condo mo ngayon? Alam kong nandiyan ka. Huwag mo kong utuin." Gabix, ang sarap mo talagang i-lubog sa dagat. Wala nga ako sa condo, sa maniwala ka o hindi. Wala akong pakialam! Bahala ka diyan, bye! Pinatayan ko ito ng tawag.

Kahit kelan talaga wala lagi siya sa timing e, guguluhin lang niya ako rito. Kaya mas mabuti pang malaman niya na wala ako dito, nag-ring muli ang telepono ko. Tangina Gabix! Ang kulit mo talaga, pinatayan ko ito. Nag-ring na nag-ring ang telepono ko. Manawa ka sa kakatawag, hindi ako sasagot.

Habang si Lala, pana'y parin ang pag-dadabog sa loob nang sasakyan nito. Inis na inis ito kay Vieros.

Sana hindi na lang ako pumunta dito, nakakainis! Oo masaya ako nung nalaman kong makikipagkita siya sa akin pero wala sa isip ko na dito mismo sa condo niya ako papapuntahin. That man, akala niya madadaan ako sa pagpapuppy eyes! He just looks like a dog!

Pumasok ito sa kotse at pinaandar iyon ngunit bigla ding tumigil. Huminga siya ng malalim, gusto niyang batukan ang sarili, hindi maaaring dayain ang nararamdaman ng kanyang puso. Apektado siya kanina, pati ang puso niya'y nagrereact din.

Bigla itong bumalik sa sarili nang magring ang cellphone. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag, tila kumabog ang puso niya.

Vieros Cantalyano calling

Agad niya iyon pinatay, pinaandar na nito ang sasakyan.

Oh heart, stop... I don't like that man! Never.. Ang mga katulad niya ang dapat iwasan. Vieros, hindi mo ako mauuto. Sa dami ng mga babae mo, ayokong mapabilang sa kanila. Mas gugustuhin ko na lang maging single forever  kesa ang saktan mo lang..

 Mas gugustuhin ko na lang maging single forever  kesa ang saktan mo lang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ana de Armas as Lala De Amori

Mali Ang Ibigin Ka (Completed)Where stories live. Discover now