Chapter 17

24 0 0
                                    

Gelu

4pm, natatanaw ko na agad na may dalawang kamay na kumakaway sa akin. Si Dex iyon, ba't parang pormang-porma siya ngayon? Nung nasa malapit na ko, ang lawak nang ngiti nito na akala mo'y nanalo sa lotto nang libo-libong pa-premyo. Kanina ka pa dito? So, talagang i-nagahan mo? Napakamot ito sa sariling ulo. Umiwas ako nang tingin, kapag ginagawa niya yung ganon oo na sige, aaminin ko ang gwapo niya. Hays!

"Oo, kanina pa ako dito. Ang dami nga nag-papansin sakin e, sabi ko hindi na ko available. Sinabi ko rin na, hinihintay ko yung future girlfriend ko."

Loko ka talaga Dex, lahat na lang ng mga sinasabi mo, puro kaanuhan e.

"Anong kaanuhan ka diyan? Ikaw nga 'tong i-naano ako e, joke lang. Sumasama nanaman timpla nang mukha mo, saan ba tayo magbabarik?"

Kahit saan basta malalasing tayo, pero gusto ko sana sa tabing dagat e. May alam ka ba na i-numan malapit sa dagat Dex?

"May alam ako, tara." Sumakay ito sa motor, hindi pa ako sumasakay kaya tumingin ito sa akin.

"Bershka, ba't ka nakatigil diyan? Sumakay kana." Oo heto na, sasakay na ko. "Dahan-dahan akong sumakay, kumapit ako sa bandang balikat niya. Pero agad niyang tinanggal 'yon at nilipat sa bewang. Hinayaan ko na lang.

Pagbaba namin, halos mamangha ako sa ganda nang lugar na pinag-dalhan sakin ni Dex. Pakiramdam ko, nasa isang paraiso ako. Dex ang ganda dito, loko ka ba' t ngayon mo lang ako dinala dito?

"E, hindi ko naman kasi alam na gusto mo ang ganito. Wala kang sinasabi, masyado kang ma-sekreto." Hindi ko na pinansin ang sinabi nito, hinila ko si Dex. Medyo nagulat pa siya sa ginawa ko. Gosh, ang ganda talaga dito! Bumali kana nang maiinom natin.

"Hindi mo ako sasamahan?" Kaya mo na 'yan, hihintayin kita dito. Go, bumili kana.

"Kapag may lumapit sayo rito, bangasan mo agad ha. Huwag kang kakausap na hindi mo kilala, magtatampo si heart-heart e."

Ikaw babangasan ko diyan kung hindi ka pa bibili, ang dami mong alam e! "Oo, bibili na." Tumalikod na ito sa akin, pinag-masdan ko ang malawak na karagatan. Umaalon ito nang dahan-dahan. Katam-taman lang sikat nang araw, hindi masakit sa balat.

It feels good, I temporarily forget about my problems. I'll wait for the sunset, that's what I like the most. Bigla nanaman dumalaw sa isip ko ang mukha ni Jas, kamusta na kaya siya? Kinuha ko ang telepono ko, nag-backread nang mga conversation namin noon.

Will your number show up again? I don't expect that to happen anymore. Tanging pag-babackread na lang magagawa ko.

Ang labo mo Jas, hindi mo manlang sinabi kung bakit mo ako hinalikan nung gabi 'yon. Kung bakit bigla mo na lang akong iniwan na may tanong sa sarili ko na ikaw lang ang makakasagot. Gumagawa ako nang paraan para makausap ka pero talagang napakailag mo. Kinakausap mo lahat ng mga studyante maliban sa akin. May mga araw na i-naabangan kita pero talagang madamot sa akin ang pag-kakataon..

"Oy ba't parang umiyak kana diyan? Ayos ka lang ba?" Di ko manlang napansin na nandiyan kana pala Dex, hindi ako umiiyak. May luha ka bang nakikita? "Wala, pero kita ko kasi sa mga mata mo yung lungkot e. Nga pala, ito na yung mga nabili kong i-numin. Pasensiya kana, wala sa mga 'yan yung paborito mong gin bilog."

Okey lang, keri na' to. Umupo kana, umpisahan na natin ang pag-tagay cheers! "Bershka hindi ako iinom nang sobra, baka mabangga tayo e." Oo nga pala, sorry nakalimutan ko. Sige, ako na lang.

"Hindi rin pwede, baka mahulog ka sa motor e. Malay mo bigla kang makatulog, ayokong mawala ka nang maaga." Si oa, akala ko ba sasaluhin mo ko kapag na-hulog ako? Huli na para bawiin ko ang sinabi ko. Ngumiti si Dex at napailing, hoy Dex iba yung meaning non ha! Huwag kang mag- overthink diyan.

"Okey, sabi mo e. Hahaha!" Huwag ka nga tumawa diyan, hindi bagay. "Kasi ikaw yung bagay sakin ganon?" Hindi. Hindi tayo bagay, mas bagay ka sa mga babaeng kaparehas mong mayayaman. Napansin kong tumahik ito, nilingon ko si Dex. Nakita ko itong sumeryoso, oy Pamelo natahimik ka ata diyan?

"Is the rich should be for the rich? When you love Bershka? Is that how you think of us? I believe that when you truly love someone, whether they are rich or poor, it doesn't matter. Wala na ba kaming karapatan magmahal ng taong hindi namin kapareho? Minsan, hindi rin natin kayang turuan ang puso kung sino ang mamahalin natin. Kusang titibok 'yon, kahit ano ka pa, kahit sino ka pa. Iyon ang paniniwala ko Bershka. Kaya, huwag mong tuturuan ang puso ko kung sino ang dapat kong mahalin. Dahil hindi mo ito mapapasunod."

Ako ngayon ang natahimik sa sinabi nito, ramdam ko kay Dex ang pagiging totoo sa mga sinabi niya. Umiwas ako ng tingin, dare-daretso kong nilagok ang alak.

Dex, gusto mo ba ako? Matagal itong sumagot. "Hindi kita gusto, mahal na kita." Hindi ko alam pero kasabay nang pag-amin niya ang malakas na hangin na unti-unting tumatama sa aking buhok. Tama nga ang hinala ko, hindi lang niya ako gusto kundi mahal na'rin.. Hindi ako nagsalita nang ilang minuto, nagsalita ito muli.

"Alam ko na alam mo 'yon Gelu, yung mga pasimple kong biro. Alam mong totoo iyon, lagi mo nga lang akong binabara dahil hindi mo ako gusto. Hindi mo gustong naririnig ang mga iyon sa akin. Pero heto ako, hindi napapagod na i-paramdam sayo 'yon. Kasi bakit ako mapapagod? My feelings are true, so I won't stop showing you that. Even though I know it's hopeless. Yes, I wish you could feel something for me too but you really don't and I understand that Gelu. Hindi naman ako namimilit, makulit nga lang."

You know why Dex? Apart from my belief that we are not suitable, it is more important for me to be friends with you. For a long time I didn't have any friends, not because no one wanted to be my friend, I was the one who didn't.. Pakiramdam ko kasi, mabubuhay naman ako kahit wala akong ganon. O sa sinasabi nilang circle of friends, nung nakilala kita wala akong balak na makipag-kaibigan sayo dahil sa kumakalat na issue tungkol sayo sa school. Ang totoo nan, masakit man 'tong sasabihin ko pero kaya lang kita kinaibigan o kinakausap ay dahil marami kang pera.. Sorry Dex, sorry talaga.

Pero nagbago 'yon nung.. Nakilala na talaga kita. I was wrong to judge you right away just because of what others say about you. Even though I always fight with you, you are always there to help me. You were with me when I was hurt. So even if I want to feel love for you, I'd rather just be your friend Dex.

At aaminin ko sayo na, may iba nang laman ang puso ko.. Kaya mas lalong lumalabo na may maramdaman din ako sayo. Totoo ka sa mga nararamdaman mo, magiging totoo rin ako. Dex, please... Pwede bang maging magkaibigan na lang tayo? After ng mga nasabi natin ngayon, ayokong bigla kang mawawala..

"Whoever is the person you love, he is lucky. Hindi naman ako mawawala Bershka, kung talagang iyon ang gusto mo na maging magkaibigan lang tayo tatanggapin ko ng maluwag. Pero may hiling lang ako, mawawala muna ako ng isang araw para magmove on. Medyo, umiiyak ang puso ko e. Maka masugod ako bigla sa Hospital, hahaha!"

Sinuntok ko ito sa braso, puro ka talaga kalokohan e. Seryoso kasi Pamelo. "Pero seryoso nga ako sa isang araw na pagmomove on Bershka, ibigay mo na sakin 'yon."

Tumango ako at bigla siyang niyakap. Niyakap ko pa lalo ito, naramdaman kong niyakap din ako nito nang mahigpit. Thank you for your pure love for me Dex, I just chose where we will be better even if it hurts..

"Hey, you're just being true to yourself and your feelings. I'm fine, I'll be fine Bershka...

Mali Ang Ibigin Ka (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن