Chapter 12

26 0 0
                                    

Gelu Bershka

Sabado, bagsak ang katawan ni Gelu ng umuwi ito sa tinitirahang bahay. Tatlong linggo ng hindi umuuwi si Jas, nakikita naman niya ito sa school pero ramdam ni Gelu na hindi siya nito matingnan sa mata. Hinayaan na lang niya ito, hindi siya tanga para hindi maintindihan kung bakit ganito ang pakikitungo ni Jas sa kanya.

Mas okey narin na ganito, kahit tahimik itong bahay nasasanay naman na ako. Sus, talaga lang ha? Nasasanay o nasasaktan ka?

Bumangon si Gelu at kumuha ng maiinom sa refrigerator. Pagkatapos malungkot siyang umupo, naaalala nanaman niya ang mga ingay na bangayan nila ng Professor. Miss na niya ito ngunit wala siyang karapatan na maramdaman iyon.

Ano ba yan Gelu, huwag mo na kasi isipin ang lalaking iyon. Maligo kana at may pasok ka pa sa trabaho, kailangan mo ng pera kesa isipin ang Professor na iyon. Tumayo kana, ayusin mo sarili mo.

Tumayo si Gelu, nakiayon siya sa sarili. Tama, hindi ko dapat siya iniisip. Inilagay ni Gelu ang pinaginuman sa lababo, pagkatapos naligo na ito.

Nilock ni Gelu ang pinto, palabas pa lang siya ngunit napahinto nang may dalawang kamay na kumakaway sa kanya. Nakikilala niya agad kung sino ito.

Dex? bakit ka nandito? papasok ako ngayon sa trabaho. Umuwi kana, tsaka diba sabi ko sayo bago ka pumunta dito itext mo muna ako. "E sorry na, nawala sa isip ko. Hehe, alam kong may trabaho ka ngayon. Ihahatid sana kita, pwede?"

Hindi mo naman kailangang gawin yan tsaka tantanan mo na nga ako sa mga paandar mong ganyan Pamelo, kaya ko ihatid sarili ko.

"Bershka naman ang sungit mo lagi, hayaan muna kasi ako. Ayaw mo non, may bodyguard kang gwapo!"

Nasusuka ako, biglang sumama timpla nang panahon ngayon. Parang uulan, dahil diyan sa kayabangan mo!

"Grabe naman, maayos kaya yung panahon. Pumayag kana kasi Gelu, tara na ihahatid na kita. Hindi ako aalis dito, kukulitin kita nang kukulitin."

E, kung sipain kita? Mangungulit ka pa kaya? Pero sige na nga, magpapahatid na ako sayo. Sayang pa pamasahe ko, tara na. Halos hindi maitago ni Dex ang ngiti niya, nakita iyon ni Gelu. Umiling ito at hindi na lang pinansin.

Nakarating sila sa pinagtatrabahuhan nitong Coffee Shop. Bumaba si Gelu at ganoon din si Dex.

Hoy Pamelo hindi ka pa ba aalis? tsaka nakalimutan ko magthank you, salamat pala. "Wala iyon, everything for you my Bershka." anong sabi mo? Ulitin mo nga Pamelo ang sinabi mo? Ano ulit iyon?

"Hahaha! Wala, aalis na ako. Maglinis ka ng tenga mo." wala ng nagawa si Gelu, pinaharorot na nito ang sasakyan.

"Gelu boyfriend mo ba yun?" hindi po, peste siya sa buhay ko. "Ang gwapong peste naman iyon." nako ate Liza hindi po ako nagwagwapuhan sa lalaking iyon, tara na po sa loob.

Andiyan na po ba si Ma'am Alliyah? "Wala pa, mamaya pa iyon darating. May kailangan ka ba sa kanya?" tipid na ngumiti si Gelu sa babae, isa ito sa kasamahan niya sa trabaho. Wala naman po, natanong ko lang. Punta na po ako sa kusina, tumango lang ito sa kanya.

Kay Ma'am Alliyah ko na lang mismo sasabihin na kailangan kong bumali. Wala na kong grocery sa bahay e, malapit narin exam namin wala na kong budget. Hays, kung meron lang sana akong mapaghihiraman. Wait, may kilala akong pwede kong hiraman ng pera kaso lang ang kapal naman ng mukha ko pagkatapos ko siyang anuhin kanina. Ah basta, kay Dex ako mangungutang...

'Dex asan ka? pauwi na ako ngayon. Pwede ba tayong magkita?' hays bahala na. Matagal itong hindi nagreply hanggang sa may motor na pumarada sa harap niya. Medyo nagulat pa si Gelu, hindi niya inaasahan na makakarating agad ito.

A-ang bilis mo naman? kakatext ko pa lang ah.

"Ganon talaga kapag special yung tao sayo, tsaka nung nabasa ko text mo ewan nabuhay puso ko."

Mais ka ba? Sinagot ito ni Dex. "Kasi ang corny ko ganon? Hahaha! Di ba pwedeng nagmamahal lang."

Hindi iyon pinansin ni Gelu, ayaw muna niyang awayin ito ngayon. May iba siyang pakay, ang utangan ito.

"Joke lang, biro lang iyon. Bakit mo pala ako naisipang itext? pero kahit naman hindi mo ako itext darating parin ako." kanina pa naiilang si Gelu sa mga pasegway nito. Pinipigilan niya ang sariling sitahin ang lalaki, kailangang kalmado lang siya.

Ikaw talaga Dex, ano kasi eh.. May pera ka ba diyan? nakakahiya man pero pwede ba 'kong makahiram sayo? babayaran ko din. Wala pang sahod e.

Agad itong naglabas ng pera. "5k pwede na ba yan Gelu? pero kung kulang pa magsabi ka lang, I'm willing to help you." okey na ito Dex, malaking tulong na ito. Maraming salamat! Sa sobrang saya ni Gelu nayakap niya ito bigla. Bigla ding humiwalay si Gelu.

Napakamot naman sa ulo si Dex. "Walang anuman, basta't magsabi ka lang. Andito lang si Dex Pamelo, bilang kaibigan mo syempre."

Oy salamat talaga, ibabalik ko 'to sayo, dahil sa pinahiram mo ako may gusto ka bang gawin? Maaga pa naman. Baka gusto mong kumain pero ikaw magbabayad ha, hindi pwedeng bawasan' tong hiniram ko sayo e. Kapal no? ako itong nagyaya tapos pera mo gagastusin.

Natawa si Dex, ginulo nito ang buhok ni Gelu. "Ang cute mo talaga Bershka, ayos lang kung pera ko ang gagastusin natin. Tsaka, masaya ako. Kasi niyaya mo 'kong kumain sa labas ng tayo lang."

Ano tara na? May alam akong masarap na kainan malapit rito. "Okey, sakay na. Excited akong kumain diyan sa sinasabi mong kainan."

Sumakay si Gelu, hindi niya alam kung kakapit ba siya sa lalaki o hindi. Nagulat na lang si Gelu ng hawakan ni Dex ang dalawang kamay at pinulupot sa bewang nito.

"Kapit ka mabuti ha, baka mahulog ka sakin." hinampas siya ni Gelu sa may bandang tiyan, tinawanan na lang siya nito. Sa hindi malamang dahilan, gumihit ang ngiti sa labi ni Gelu ngunit agad din iyon nabura.

Bigla kasi niyang naalala ang Professor, ninamnam niya ang sarap ng hangin na dumadampi sa kanyang balat.

Walang mali sa nararamdaman ko, sadyang hindi ko lang magawang lumaban o ipaglaban. Pwede pa lang mahalin ang taong minsan mo lang nakasama, nakilala. At sa tingin 'ko, sa sitwasyon na meron ako ngayon hindi ko ito maipapanalo...

Sabi nga ng iba, 'Makikilala mo yung taong magpaparamdam sayo ng kakaibang pakiramdam, pero hindi pwedeng maging sayo' may konteng luha na pumatak, agad iyon pinunasan ni Gelu.

Naramdaman na lang ni Dex na pinatong nito ang ulo sa bandang balikat at humigpit ang pagkakahawak sa bewang niya.

Sa tagpong iyon, mabilis na nagreact ang puso ni Dex. Pakiramdam niya matatanggal iyon, binagalan niya ang pagpapatakbo. Kahit manlang sa sandaling iyon, maramdaman niya ang babae.

Mali Ang Ibigin Ka (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon