Chapter 3

28 1 0
                                    

Jas Duo

Bumalik na pala si Vienna, ano balak mo ngayon? Magpapakasal na ba kayo? Tanong ni Kyano Baltasar sa kaibigan. Sa tingin mo Kyano magpapakasal 'yan? eh di sana noon pa niyaya na niya ng kasal si Vienna. Natatawang bulalas ni Gabix Santaro.

Hoy Gab makapagsalita ka diyan, ikaw din naman hindi mo pa pinapakasalan si Miyo. Hahahahaha! So pare, huwag mo inaano si Jas kasi ikaw hindi ka naman inaano sa pagpapakasal mo kay Miyo. Pangaasar ni Vieros Cantalyano sa kaibigan nitong masama na ang tingin sa kanya ngayon.

Kumuha ng alak si Gabix at sunod-sunod iyon nilagok. Napansin nilang kanina pang tahimik ang kanina pa nilang kinakausap at tinatanong. Nakatulala ito na parang ang lalim nang iniisip.

Jas ayos ka lang ba pare? Huwag mong sabihin nag-away agad kayo? kakauwi lang ni Vienna. Kyano grabe ka naman away agad? Baka sa school 'yan, masakit na ulo nitong si Jas sa mga istudyante niyang pasaway. Hirit ni Vieros.

"Yes, tama. Lalo na si Gelu Bershka. Araw-araw niya pinapasakit ulo ko." Sabi sa inyo eh, hindi si Vienna ang iniisip niya. Sobra ba talagang pasaway pare? Babanatan ko na para tumino! "Babae si Gelu, hindi siya lalaki."

Ano Vieros babanatan mo? Hahahahaha! Sugod ka nang sugod babae pala 'yung babanatan mo. Huy Gabix malay ko ba panglalaki kasi pangalan e! Sorry naman. Ilan taon na ba si Gelu pare? Baka hindi 'yan mahal ng mama niya kaya ganyan kapasaway. Seryosong tanong ni Kyano.

"19, siguro nga hindi siya mahal." Jas ba't parang concern ka don sa Gelu? I mean, kilala ka namin e. Ang tagal mo ng nagtuturo pero ngayon ka lang may binanggit na pangalan tapos 'yung boses mo parang iba e.

Kyano huwag kang issue, malamang baka nga dahil sa sobrang pasaway nung Gelu sa lahat. Sakit sa ulo nitong si Jas, alam mo pare magresign kana lang kaya? May negosyo ka naman na tapos madami ka ng ipon, try to rest sometimes pare.

Minsan talaga Vieros, maayos ka rin kausap no? Sana ganyan ka din sakin. Para naman araw-araw na tutuwa ako sayo, hindi 'yung palagi tayong bardagulan nang bardagulan diba?

Hindi na mangyayari ang sinasabi mo, pagdating sayo umiinit ulo ko. Mas magandang hindi tayo nagkikita, Santaro.

Tumahik nga muna kayong dalawa, may tinatanong pa ko kay Jas. So Jas ano nga? 'Yung tanong ko. "Last year ko na 'to sa pagtuturo. 'Yung sa amin naman ni Vienna, 'yung pagpapakasal hindi pa siya handa. Ako naghihintay lang naman kung kelan siya ready na."

Eh yung Gelu? tanong muli ni Kyano. "She's nothing, pasaway lang talaga. Iyon lang." Napatango na lang si Kyano pero hindi siya naniniwala sa sinabi nito. Alam niyang may kakaiba doon sa Gelu.

Sa mahabang panahon na magkakaibigan sila, kilala na nila ang isa't isa. Ramdam ni Kyano na may something sa babaeng iyon.

"Aalis na ko, maaga pa ako bukas." Maaga pa pare, mamaya kana umuwi. Tsaka may bago ka bang tinitirahan ngayon? Saan? Puntahan ka namin don. "Gabix sa bahay ako mismo umuuwi, busy din ako sa mga darating na araw kaya hindi muna ako makakasama sa inyo."

Sige pare, hindi kasi kami makapunta sa mismong bahay niyo. Andon si tita Lilah ang sungit naman kasi ng mama mo parang others kami kung tratuhin e. Tama ka Vieros, minsan nga iniisip ko parang may galit sa atin.

Hoy kayong dalawa grabe kayo kay tita Lilah, ganon naman na talaga iyon kahit noon pa. Hindi na kayo nasanay, nga pala Jas if magiging busy ka ingat pare. Kita-kita na lang ulit tayo kapag maluwag na mga oras natin. Kalmadong saad ni Kyano sabay lagok ng alak na kanina pa nitong hawak.

"Salamat, kayo rin ingat. Ikaw Gabix, kalmahan mo lang sa pagdrive ha. Umuwi ka ng safe. Kayong tatlo." Yes fafa! Baklang wika ni Gabix sa kaibigan. Tumango na lang si Kyano at Vieros sa kanya at tuluyan na itong nakaalis.

Mali Ang Ibigin Ka (Completed)Where stories live. Discover now