Chapter 14

25 0 0
                                    

Dex Pamelo

Hindi parin mawala ang ngiti ni Dex, pasipol-sipol pa ito habang nakataas ang paa. Palagi kasing sumasagi sa isip nito ang paglabas nila ni Gelu. Kahit na as friend lang naman iyon, pero para kay Dex iyon ang first date nila.

Kumain sila sa turo turo, mga street foods pala tinutukoy nito. First time kumain ng mga ganoong pagkain ang binata, kaya bago sa kanyang panlasa ang mga natikmang pagkain.

"Señorito Dex, mukha ho atang good mood kayo ngayon? Kanina pa ho namin napapansin na panay ang ngiti niyo riyan." inakbayan ko si Manang Sabel. Masaya lang po ako ngayon, sobrang saya! Hehe. "Ano ho bang klaseng saya 'yan? Sinagot na kayo?"

Nako, hindi pa nga po eh. Tsaka malabo pong sagutin ako. Parang dragon po kung magalit. Natawa ako sa sinabi ko, naiimagine ko na agad ang galit niyang mukha kapag nalaman niya ang sinabi ko.

"Señorito, bigyan nyo ho ng bulaklak. Tsaka dalhin niyo ho sa mga lugar na gusto niya, Baka ho mawala ang pagiging dragon."

Salamat po manang Sabel pero iba po siya, hindi po niya magugustuhan 'yan.  Pero kung pera po ang ibibigay ko sa kanya at isang kahon ng gin bilog, hindi pa po sumisikat ang araw mabilis na po agad niyang tatanggapin ang mga yon. Medyo natawa sa mga sinabi ko ang matanda, natawa narin ako.

"Ibang klase ngang babae yan, bakit nyo ho siya nagustuhan? maraming babae riyan na nagpapansin sa inyo, yung iba galing pa sa mayayamang angkan. Bakit ang babaeng iyon pa ho ang natipuhan nyo?"

Kung sila po ang pipiliin ko, hindi po ako magiging masaya. Tsaka, puso ko po ang nakakaalam kung sino po ang naroon.

"Mukhang umiibig na nga ho kayo, dahan-dahan lang ho at baka masaktan lang kayo."

Handa po akong masaktan, handa po ako sa lahat. Hindi po niya alam na may nararamdaman ako sa kanya Manang Sabel e. Kahit naman po kasi iparamdam ko, sarado po ang puso niya para sa akin. Pero ayos lang po yun, masaya na po ako bilang utangan niya.

"Utangan? Kayo ho talaga Señorito masyado ho kayong nagpapatawa. Inuutangan ho kayo?" Hahaha! Biro lang po, sige po aakyat na ako sa taas. Huwag niyo na lang po sabihin kay Mommy ang mga sinabi ko sa inyo. Secret lang po natin iyon Manang. Mangako ka po?

Tipid na ngumiti ang matanda, tsaka ito sunod-sunod na tumango ."Makakaasa ho kayo, sekreto lang natin 'yon at hindi ho makakarating kay Senyora Beatriz."

The best ho talaga kayo manang! Sige po, salamat po. Aakyat na po ako sa taas, kapag po dumating si Daddy pakisabi na lang po na nasa taas na ako. Tanging pagtango na lamang ang isinagot ng matanda sa kanya.

Pagpasok ko sa kwarto, kinuha ko ang telepono ko. Pumunta ako sa gallery, hindi alam ni Gelu na kinuhanan ko siya ng litrato. Sigurado akong magagalit yun sakin, pero syempre hindi ko ipapaalam sa kanya.

Ang hirap mo talagang paamuhin, para kang dragon e. Pero sa halip na mainis ako mas lalo lang akong natutuwa. Iba na talaga epekto mo sakin, apektado na lahat e. Yung utak ko na nagsasabing, tigilan mo na siya. Puso ko na nagsasabing, sige lang huwag ka tumigil.

Sino ba naman ako para magustuhan mo rin diba? kahit na mas gwapo pa ako kay James Reid. Kahit mas putok na putok 'tong six packs abs ko kay Piolo Pascual. At kahit na mas mapupungay' tong mga mata ko kesa kay Daniel Padilla pero hindi ako cheater. Hindi ka parin magkakagusto sakin. Napasuntok na lang ako sa hangin, siguro nga nabuhay lang ako sa mundong 'to para maging kaibigan mo lang...

Pero malay natin, biglang umayon sakin ang tadhana. Na yung babaeng gustong-gusto ko, magugustuhan rin ako. Hindi ngayon pero sa next chapter na. Di joke lang, tinitigan ko muli ang larawang nasa gallery ko. Sana kahit konte, may maramdaman ka rin sa akin. Sana.

Kagaya rin naman ako ng iba e, gustong maranasan ang totoong pagmamahal na walang halong pagmamakaawa kaso olats ako don. Ang totoo nan, madaming pumipila pero anong magagawa ko? kusang umaayaw ang puso ko. Masyado bang makapal? hahaha! hays, ganito talaga kapag aminadong GWAPO.

Napabangon ako bigla ng lumabas ang pangalan ni Gelu, text message. Medyo dahan-dahan ko pa itong tiningan, halos mapasigaw ako ng mabasa ko iyon.

Gelu Bershka
'Goodnight, Pamelo. Huwag ka sana lumabas sa panaginip ko, salamat ulit.'

Iyon lang naman ang nilalaman ng mensahe pero itong si Dex halos hindi na mawala-wala ang pagkakangiti. Tinakpan pa nito ang mukha ng unan, tiningnan ulit nito ang text message. Dali-dali siyang nagreply.

'Goodnight, my dragon angel. Kahit ayaw mo kong lumabas sa panaginip mo, lalabas parin ako. Hahaha! tsaka, welcome to my life. I mean, welcome. Basta't ikaw.' hindi na inantay ni Dex kung magrereply parin ba ito o hindi. Hindi na muling tumunog iyon kaya hinayaan na lang niya.

 Hindi na muling tumunog iyon kaya hinayaan na lang niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Enes Kocak as Dex Pamelo

Mali Ang Ibigin Ka (Completed)Where stories live. Discover now