Chapter 20

23 0 0
                                    

Vieros Cantalyano

"Happy birthday Vieros, sana mamatay kana. Joke pare, huwag kang pikon. Hahaha! Tumatanda kana, sana tumino kana sa iisang babae lang. Hindi yung kaliwa't kanan mga chikababes mo!"

Sino ba nag-invite sayo dito? Panggulo ka e, babati na nga lang hindi pa ayusin. Kahit kelan ka talaga Santaro, tsaka kaya ko mag-seryoso kay Lala De Amori. Siya pangarap ko, kaya huwag kang eepal sa mga date namin ha!

"Ano kamo? Si Lala De Amori? Asan siya? Ba't wala dito? Pinagloloko mo ko! Hahaha! Alam mo Cantalyano, gayahin mo kasi ako. Simula nung sinipa ni Miyo itong alaga ko, wala na. Bigla na lang ako na-love at first sight sa kanya, korni no? Siya nag-pabago sakin."

Miyo, seryoso kana ba talaga sa kanya? Baka mamaya nabibigla ka lang. Huwag kang maniniwala sa mga sasabihin nito, kilala ko itong si Gabix mas manyakis pa ito sa akin!

"Cantalyano huwag mo nga ako sinisiraan, birthday mo ngayon pero masusuntok talaga kita!"

Kayo talaga, alam mo Vieros no choice na nga lang ako kay Gabix e. Patay na patay kasi 'yan sakin.

"Babe naman, anong no choice ka diyan? Pinapahiya mo ko sa harap ng mga kaibigan ko e."

"Totoo naman e, baliw na baliw ka sa akin. Pati ata sa pag-tae ko kasama kita. Hahaha!"

Napahalakhak ako ng tawa sa sinabi ni Miyo, Gabix grabe 'yang pagiging baliw mo sa pag-ibig! Akmang babatukan na sana ako nito pero hindi iyon natuloy. May bumati sa akin at kilala ko ang boses na 'yon.

"Happy birthday, Cantalyano."

Sabay-sabay kaming napalingon, ang babaeng kanina ko pang hinihintay. Si Lala, tumingin ako sa gawi ni Gabix. Gusto kong matawa sa itsura niya ngayon. Sininyasan ko ito, medyo lumapit ako kay Gabix, ano ka ngayon Santaro? Hey guys, ito nga pala si Lala De Amori ang future wife ko. Sinipa ako nito, rinig ko ang tawa ni Gabix kaya palihim ko itong kinurot.

"Huwag masyadong mataas ang confidence sa sarili Cantalyano, ayaw kitang maging asawa."

Bulong nito sa akin. Ngumiti lang ako, bibigay ka rin sakin Amori.

"E, kung bigwasan kita? Napilitan lang akong pumunta dito sa birthday mo, at pakiramdam ko ngayon gusto ko ng umuwi."

Grabe ka naman, ganyan ba talaga epekto ko sayo?

"Alam mo kung ano totoong epekto mo sakin?"

Ano?

"Nakakapanginig ka ng laman  at nabubwesit ako sayo."

Sasagot pa sana ako pero dumating na sina Jas at Vienna. Nilapitan ko ang mga ito, syempre hinawakan ko si Lala at baka kung saan pa mapunta. Mahirap na, baka maagaw pa nang iba. Jas, Vienna! Ba't ngayon lang kayo?

"Traffic e, tapos ang init pa. Nga pala, happy birthday Cantalyano."

Ah, kaya pala ngayon lang kayo. Sige pare, salamat. Niyakap ko ito, ganon din si Vienna. Napansin ko medyo tumahimik si Lala, nakatingin ito kay Jas.

Lala, si Vienna at si Jas. Hindi pinansin ni Lala ang pagpapakilala ko sa mga ito, lumapit siya sa gawi ni Jas. Agad ko naman itong hinila pero, dahan-dahan lang iyon.

"I seem to recognize you, have we met before?"

Taka ko itong tiningnan, pati si Jas at Vienna ganon din ang naging reaction.

"W-what? Magkakilala kayo ng boyfriend ko? Jas totoo ba?"

Iritang tanong ni Vienna.

"Hindi ko alam love, ngayon ko lang siya nakita."

Mali Ang Ibigin Ka (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin