Chapter 16

21 0 0
                                    

Gelu Bershka

Maaga akong nagising, medyo masakit pa ulo ko. Kumuha ako ng tubig sa kusino, puno iyon sa baso ewan parang nahihilo ako. Baka gustom lang 'to, tiningnan ko refrigerator kung may makakain ba ko. Sakto may isa pang buong manok, ano kaya pwedeng lutuin? Ah, alam ko na. Magtitinola na lang kesa mag-isip pa ko nang mag-isip lalo na hindi gumagana utak ko ngayon.

Ginayat ko na ang manok, bigla din ako napahinto nang sumagi nanaman siya sa isip ko. Please, huwag mo na kasi isipin 'yon. Isipin mo na lang siya itong manok, na ginagayat mo tutal naiinis ka sa kanya diba? Sa manok mo na lang ibuntong 'yang inis mo. Nag-focus na lang ako sa pagluluto, ang lungkot pala nang ganito. Mag-isa tapos walang makausap, namimiss ko na yung ingay nang bahay.

Sana umuwi siya dito ngayon.. For sure hindi na talaga siya uuwi ilang araw na'rin, buwan na ata na hindi siya umuuwi. Nag-kikita kami sa school pero parang hindi niya ako kilala, gustuhin ko man na pansinin siya pero wala akong lakas nang loob para gawin 'yon. Hinawakan ko ang labi ko, naaalala ko yung paghalik niya sakin nung araw na 'yon. Iyon din yung huling araw na nakasama ko siya dito sa bahay. Pag-katapos nang araw na 'yon, hindi na siya umuwi.

Nasa malalim akong pag-iisip nang may biglang kumatok sa pinto. Kumalabog ang puso ko, bigla akong kinabahan. Katok lang ito nang katok, hindi nag-sasalita. Lumapit ako sa pinto, sino 'yan? Pwedeng magpakilala ka muna. Bago kita pagbuksan nang pinto. Hindi parin ito umiimik, paano kung si Dex ito? Pero imposible naman kasi maingay 'yon e. Nagulat na lang ako ng bigla itong nagsalita at nag-pakilala.

"Si Vienna 'to, buksan mo ang pinto. Bahay ito ng boyfriend ko, may karapatan akong pumasok. So, open this dirty door!"

Gosh si Vienna..? Anong ginagawa niya dito? Pero wala na kong magagawa. Hindi ko siya maiiwasan, binuksan ko ang pinto. Dare-daretso itong pumasok sa loob na animo'y pag-aari niya ang bahay.

"Saan ako pwedeng umupo? Hindi ka ba nag-lilinis dito? Nagiging luma na 'tong bahay."

Tinaasan ko ito ng kilay. Hindi  pwedeng manduhan niya ako nang ganyan, don't me anteh! Tsaka hindi naman madumi 'tong bahay.

Malinis po 'tong bahay, kailangan mo atang mag-pacheck up baka may sira na 'yang mata mo. Bakit ka ba nandito? Mag-kasama kayo ni Sir Jas, ibig sabihin ako ang sadya mo dito. Hindi ba? Nakita ko itong tumaas ang dalawang kilay, siyempre hindi ako magpapatinag.

"Oo, ikaw nga ang sinadya ko rito. Sinabi na sa'kin ni Jas na dito ka nakatira sa bahay niya. Alam ko na rin kung bakit kasama ka niya sa iisang bubong. Gusto ko lang sabihin sayo at ipaalala na, sa araw na pwede ka ng umalis rito huwag kana mag-papakita kay Jas. Bumalik ka sa pinanggalingan mo batang paslit."

Oh well, aalis naman talaga ako dito. Kahit hindi mo sabihin o ipaalala. Wait nga, ba't ba parang takot na takot kang nandito ako sa bahay ng boyfriend mo? May sinabi ba siya sayo? Gosh! Ramdam ko parin hanggang ngayon ang matamis niyang halik sa labi ko, pero huwag kang magalit sa kanya. Ako ang may gusto non, ayaw talaga niya kasi studyante niya ako sa loob man o sa labas. Sorry, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili kong gawin 'yon sa kanya.

Kita ko sa mga mata nito ang galit, ito lang ang paraan ko para hindi pumangit ang tingin niya sa kanyang pinakamamahal na boyfriend. Sigurado akong pinagtapat niya kay Vienna ang totoong nangyari nung gabing iyon. Naramdaman ko na lang ang isang malakas na sampal na dumapo sa mukha ko.

"You bitch! Ibig sabihin pala, 'yun talaga ang totoong nangyari! Ang kapal ng mukha mo Gelu, dahil sa ginawa mo sinira mo pagmamahal niya sakin! Sino ka ba sa akala mo ha!? Isang high school student na nag-tratrabaho sa isang simpleng coffee shop? Ni wala kang ipag-mamalaki! O baka naman dahil sa mahirap ka kaya mo inaakit si Jas?"

Oo, wala nga akong i-pagmamalaki sa ngayon. Sa ngayon lang, kaya huwag mo kong mamaliitin. Hindi dahil sa mas mataas ang posisyon mo pwede mo na kong lait-laitin. Tama ka, mahirap lang ako pero hindi ako hanggang dito lang. Studyante pa lang ako sa ngayon, pero kaya kong makuha ang lalaking pinakamamahal mo! See, takot kang mawala sayo si Jas. Huwag kang mag-alala Anteh Vienna, hindi ko gagawin 'yon. Nakakaawa ka kasi, pwede ka nang umalis. Nasasayang oras ko sayo.

"Ito ang tatandaan mo Gelu, hindi mo ako kilala.. Ipaglalaban ko ang akin! Huwag kang haharang-harang, kung ayaw mong hindi makagraduate.."

Binangga pa ako nito bago tuluyang umalis. Akala siguro nito masisindak ako sa sinabi niya, ilang beses ko na 'yon narinig sa mga palabas. 'hindi mo ako kilala, ay putangena!' Agad akong umupo, hinawakan ko ang dibdib ko. Bwesit na babaeng 'yon sinira pa araw ko, hindi ko na tuloy maeenjoy itong niluto kong tinola.. Malungkot akong tinitigan ito, pasensiya na. Itatago na lang muna kita sa refrigerator, mamaya na lang kita kakainin.

Sino ba pwedeng kausapin ngayon? Naisip ko si Dex pero siyempre walang malisya, wala rin naman kasi ako ibang maisip kundi siya lang. Wala naman kasi akong mga kaibigan e, kasi nga ayoko. Tawagan ko kaya siya ngayon? Sige na Gelu tawagan mo na, siya lang naman yung taong nakakausap mo wala nang iba. Only Dex Pamelo, kaya i-call mo na.

Nag-start na kong i-dial ang numero niya. Agad itong sumagot, hello Dex? Asan kana? Busy ka ba ngayon? Tara inom! Libre mo? Tumawa ito nang malakas sa sinabi ko.

"Bershka, pinapasaya mo nanaman puso ko. Hahaha! Sige, libre ko. Saan tayo magkikita?"

Pinapasaya mo mukha mo, puro ka talaga kalokohan. Kita na lang tayo sa dati, mga 4pm nandon na ako. Huwag kang malelate ha, ayokong nag-hihintay ako.

"1pm pa lang nandon na ako, ayoko din na nag-hihintay ka nang matal. Hindi mo deserve 'yon, kasi mas deserve mo ko."

Kelan ka ba titigil sa kakaganyan mo? Napipikon na ko ha! Nagiging dragon nanaman ako Dex Pamelo dahil sayo!

"Tinatanong mo ko kung kelan ako titigil? Siguro kapag, same feelings na tayo. Hahahaha!"

Basta mamayang 4pm, papatayin ko na 'tong tawag. Nawalan na ko nang ganang kausapin ka rito, bye Bob Ong! "Teka anong Bob Ong ka diyan? Sino 'yon?"

Para ka kasing si Bob Ong e, puro hugot! Bye na nga.

Magsasalita pa sana ito pero pinatay ko na ang tawag, puro talaga siya kaanuhan e. Gelu, hindi ka naman manhid para hindi maramdaman kung ano ang gustong ipahiwatig sayo ni Dex. Gusto ka niya, palagi mo lang talaga siyang binabara. Kasi nga, ayaw mong maramdaman niya iyon sayo. Dahil alam mong masasaktan lang yung tao, walang chance. Hays, hindi ko na lang pinansin ang sinasabi nang utak ko, puso huwag kana muna magreact. Huwag mo muna sabayan 'tong isip ko...

Mali Ang Ibigin Ka (Completed)Where stories live. Discover now