Chapter 8

33 0 0
                                    

Jas Duo

"Jas pare happy birthday, sana bawasan mo na pagiging masungit. Hindi nakakagwapo, nakakapangit. Joke lang, hahaha!"

Hoy Gabix ikaw itong pangit, huwag mong idamay si Jas. Birthday nung tao ginaganyan mo, sarap mong apakan eh! Hanggang ngayon talaga nagtataka parin ako kung paano natin 'to naging kaibigan? Kung babalik man ako sa nakaraan, mas pipiliin kong maging kaibigan si kokey!

"Kanya-kanyang bati Vieros, bumati ka ng sayo! Pinapakealaman mo 'yung sa akin eh, lagi ka talagang epal no! Sana kasi Jas, kinalimutan mo na lang muna itong si Vieros na i-invite dito sa birthday party mo. E, di sana walang epal na pakalat-kalat."

Kayong dalawa talaga hindi na kayo nagkasundo, lagi kayong nagbabangayan. Parang mga bata e, kailan kaya kayo magkakasundo? Inakbayan nito ang dalawa habang napipikon parin sa isa't isa.

But anyway, happy birthday Love. I'm always here, hanggang sa pagtanda natin. Cheers! Inasar nila ang mga ito,   yieee kasal na kasunod nan, sigaw ni Kyano. Ganoon din sina Gabix at Vieros.

Sabay-sabay na itinaas ng mga ito ang kani-kanilang mga hawak na baso tsaka iyon ininom.

Gabix nasaan si Miyo? Bakit hindi mo kasama ngayon? Tanong ni Vienna. Busy e, gusto rin niya pumunta kaso sumakto naman sa araw na may mga kailangan siyang gawin.

Ikaw Kyano, si Athara? Miss ko na sila, simula nung umuwi ako rito hindi pa kami nagkikita-kita. Busy rin siya e, katulad ni Miyo gusto rin niya pumunta. Kaso lang, nagkabiglaan 'yung schedule niya sa trabaho. Kaya nagpasabi na lang siya sakin na, batiin kita.

Vieros, kamusta ang buhay pag-ibig mo? Sa akin ka dati nagsasabi pero simula nung umalis ako, hindi kana nagoopen up. Nakakapagtampo tuloy. Nilapitan ito ni Vieros, hey hindi naman sa ganon. Wala pa kasi sa ngayon, masyado pang mailag ang pag-ibig sa akin ngayon.

Tumango na lang si Vienna bilang pangsang-ayon sa sinasabi nito. Madaming tao ang dumalo sa birthday party ni Jas, karamihan dito ay ang mga studyante sa paaralang iyon. At ang iba naman, mga kaibigan nito. Dumalo din ang mga kapwa niyang Professor.

Happy birthday Jas, sana naman dalasan mo ang pagsama sa amin medyo nagsasawa na ako sa dalawang 'to. Lagi pang nag aasaran, pati tuloy ako naririndi sa ingay nila. Pero ayun nga, happy birthday ulit.

"Si Gabix lang naman ang palaging pikon, oh see sinasamaan nanaman ako ng tingin."

"Pigilan mo nga ako Kyano, bibirahin ko na talaga yan!"

Hahaha! Tama na nga iyan. Cheers na lang ulit tayo, birthday ngayon ni Jas kaya cheers! cheers! cheers!

"Oo nga tama si Kyano, hindi muna kita papansin ngayon Vieros. Mamawala ka muna sa paningin ko, bwesit ka!" tinawanan lang siya nito at nagbad finger.

Salamat Kyano, Vieros and Gabix sa pagpunta. Kita niyo naman, puro studyante ang mga nandito ngayon so ibig sabihin wala kayong dapat galawin o iuwi sa mga iyan. And Vienna, Love salamat. I'm happy to see you here, I love you. Tipid itong ngumiti sa nobya at muling itinaas ang baso.

"Jas grabe ka naman sa amin, oo halos magaganda nakikita ko pero siyempre namimili rin kami. Halos puro teenager kaya 'yung mga nandito. Malinaw rin sa puso't isip ko si Miyo lang ang babaeng nandito."

"Gabix kayo lang ni Vieros, hindi ako kasali." natatawa na lang si Jas sa mga kaibigan. Ngunit hindi siya mapakali, kanina pa itong palinga-linga sa paligid o di naman kaya'y titingin sa mga bagong pumapasok.

"Love, are you okey? Kanina ko pa napapansin na hindi ka mapakali. May hinahanap ka ba?" tumingin siya dito, I'm fine. Nagbabakasali lang ako na pupunta dito mga magulang ko pero baka hindi. "Ow, okey. I hope they come."

Nginitian niya si Vienna, agad na lumingon si Jas narinig niya ang pagtawag sa pangalan ng babaeng kanina pa niya hinahanap. Ganon din sina Kyano, Vieros at Gabix. Habang si Vienna, nakatingin narin dito.

Gelu, buti naman dumating ka. Akala ko hindi kana pupunta, uuwi na sana ako. By the way you look good, I mean araw-araw ka naman maganda sa paningin ko.

Gusto sana niyang batukan ang binata, pinalampas na lang niya. "Ikaw talaga Pamelo, binili ko nga lang 'to sa ukay-ukay kung makapuri ka naman diyan." Hey, totoo naman kasi. Hindi pa kita nakikitang nag aayos, ngayon lang.

Hoy Bershka halos hindi kita makilala, ang ganda mo ngayon. Pero mas maganda parin ako!

Pilit na ngumiti si Gelu at lumapit siya dito." Lierah ano ginamit mong make up ngayon? Ba't parang nagkakabutol-butol ata iyang mukha mo? Nako, ingat sa paggamit ng mga products. Baka maging elyen ka at mukha ni kokey ang pumalit."

How dare you! Ikaw Bershka sobra iyang bunganga mo! Mahal ang bili ko sa mga make up ko no! Tsaka magagandang klase ang mga iyon!" Magagandang klase ba kamo? Scammer 'yang binibilhan mo. Look at your face, ang daming maliliit na nana. Halika na nga Dex, baka mahawaan pa tayo."

Naririnig ni Gelu ang pagtawag nito sa pangalan niya, hindi niya ito nilingon. Naghanap sila ng mauupuan, si Dex na mismo ang nagkusang loob na kuhanan ng pagkain si Gelu. Hinayaan na lamang ito ng dalaga, gustong niyang ikalat ang kanyang mga mata ngunit nagdadalawang isip ito.

Pero heto siya, kusang gumalaw ang mga mata sa paligid. Hanggang sa magtama ang kanilang mga mata, kumalabog agad ang puso ni Gelu. Gusto niya itong lapitan at batiin ngunit ang mga paa niya'y nananatiling matigas. Kinakabahan din kasi siyang lapitan ito lalo na, nakikita niya mula sa kanyang pwesto ang girlfriend nito.

Nakakaramdam din siya ng pagkailang dahil sa mga natanggap niyang messages kanina. May lumapit sa kanyang kapwa niyang studyante, hindi pamilyar ang mukha nito sa kanya.

"Yes? Anong kailangan mo?" ikaw ba si Gelu Bershka? "Oo, ako nga. Bakit mo ko kilala?"

Ano kasi, may nagpapabigay sayo nito. Nagtatakang tinanggap iyon ni Gelu. Parang letter iyon, agad din siyang iniwan ng lalaki. Binasa niya ito, kumalabog nanaman ang puso niya ng mabasa ang nakasulat roon.

Bershka, you look good tonight, salamat sa pagpunta. I want to approach you, but we're at school right now. Baka kung anong isipin nila, tsaka mo na lang ako batiin. Sa bahay ako dadaretso mamaya. Enjoy.

Pagdating ni Dex, agad kong kinuha ang basong hawak niya may laman na alak iyon. Ininom ko ito at agad na itinago ang sulat.

Mali Ang Ibigin Ka (Completed)Where stories live. Discover now