Chapter 15

22 0 0
                                    

Vienna Azeros

Simula nung araw na pinagtapat sakin ni Jas ang totoo, palagi na itong tumutuloy dito sa condo niya. Bumawi siya sakin, walang araw na hindi niya ako pinapasaya. Palagi na siyang nandito sa tabi ko, pero hindi naman ako manhind para hindi maramdaman na parang may kulang. Na hindi na katulad nang dati, oo nandito siya pero tila ang puso nito'y naiwan sa lugar kung saan naroon ang babaeng iyon.

Hindi ko siya kayang isuko, kahit may kahati na ako sa puso niya. Sapat na sakin na ako ang pinili kahit hindi na buo ang pagmamahal nito para sakin. Nakakaloka diba? Sumugal na ako dati, halos wala na ngang natira para sa sarili ko. Pero talo parin sa huli, kaya hindi ko basta-basta isusuko si Jas. Ayaw kong maulit muli ang nakaraan, akin siya. Kahit alam kong nakuha na ni Gelu ang puso niya.

Andito ako sa condo unit ngayon ni Jas, tinitigan ko ang lalaking payapang natutulog ngayon sa harapan ko. Bumalik sa ala-ala ko kung paano kami nagkakilala.

"Okey ka lang ba miss?"

Ahm, o-okey lang.. Gago kasi yong boyfriend ko tapos yung bestfriend ko! Niloko nila ako e, mga putang ina nila! Mamatay na sana sila o di kaya mabangga!

"Kunin mo 'tong panyo, sayo na lang yan. Huwag muna ibalik sakin. Alam mo, minsan talaga kung sino pa yung mga taong pinagkakatiwalaan natin, sila pa itong gagaguhin tayo. Huwag kang umiyak, matuwa ka dahil inalis sila sa buhay mo. Ika nga ng iba, kung may nawala may darating na bago."

"Pinunasan ko ang luho ko, tumingin ako sa kanya. Doon ko lang napansin na ang gwapo pala nito, tumayo ako. Kinuha ko ang bag ko at tumingin muli sa kanya. Ako nga pala si Vienna, salamat sa panyo. Itatago ko ito."

"I'm Jas, Jas Duo. Sana maging okey kana, hindi madali mag move on pero kung gugustuhin mo kaya yan. Mauna na ako sayo, ingat."

"Teka, p-pwede ko bang makuha iyong contact number mo..? Napansin ko sa mukha nito ang pagkabigla naglaho din iyon at ngumiti ito sa akin."

"Okey lang, walang problema."

Iyon yung araw na nagkilala kami. Aminado naman ako, na ako mismo ang gumawa ng paraan para makita at makausap ko ulit sayo. Dalawang taon kami naging magkaibigan bago naging kami. At sa dalawang taon na iyon, ako ang kusang gumawa ng paraan para mahulog siya sakin. Halos lahat ng mga babaeng lumalapit sa kanya noon ay palihim kong inaaway. Sinasabi ko sa kanila na, magiging boyfriend ko ito pagdating nang araw kaya dapat layuan na nila ito.

Mali ba yon? Mali bang ako ang nagpursigeng makuha siya? Hindi naman nasayang lahat, nahulog rin siya sakin. Nagtagumpay ako sa mga pinaggagawa ko noon, kaya hindi ko hahayaan na masayang lang yun ngayon dahil sa isang studyante. Hindi niya pwedeng sirain ang pinaghirapan ko..

"Hey mukhang malalim ata iniisip mo diyan may problema ba?" lumingon ako sa gawi nito. Gising kana pala, wala akong malalim na iniisip huwag mo kong pansinin. Nagbabalik tanaw lang ako, noong araw na una kitang nakilala. Bumabgon ito at lumapit sakin. "Ah, iyakin ka pa noon e." hinampas ko 'to sa braso. Grabe ha, iyakin talaga? Broken kamo. Hahaha!

Bigla itong naging seryoso at niyakap ako. Oh ba' t bigla kang naging sad man diyan? "Alam ko yung pinagdaanan mo noon at heto ako, nasaktan din kita.. Sorry Vienna." hinarap ko ito at hinawakan sa mukha. Kaya kong burahin agad yung sakit Jas huwag ka lang mawala sakin. Kaya kitang patawarin, basta't dito ka lang.. "Ssshhh.. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak, dahil sakin. Sorry ulit Vienna, dito lang ako sa tabi mo hanggang pagtanda.."

Niyakap ko ito nang sobrang higpit. Sunod-sunod muling pumatak ang mga luha ko. Umiiyak ako hindi dahil sa mga narinig ko, kundi dahil hindi ko nakikita iyon sa mga mata niya. Handa kong saluhin lahat nang sakit, manatili lang siya sa akin.. Tanga na kung tanga, manhid na kung manhid pero talagang mahal ko siya. Maibabalik ko din ang buo niyang pagmamahal sa akin.. "Vienna, halika dito." sumunod ako sa kanya.

Anong meron riyan Jas? "Basta halika ka, sumunod ka lang sakin." wala na kong nagawa kundi ang sumunod sa pupuntahan nito. Natigilan ako sa paglalakad, huminto kasi ito at lumingon sa akin. "Vienna, naaalala mo ba 'to?" tumingin ako sa itinuturo nito. Bigla akong nagulat sa nakita ko, paanong nangyaring buhay pa yan hanggang ngayon?

"You are important to me Vienna, so I will also appreciate the things you have given me for a long time. So until now, I still have them." isa-isa ko itong tiningnan. Tingnan mo 'to Jas, naaalala ko ito yung binigay ko sayo nung magkaibigan pa tayo. Unang regalo na binigay ko sayo, hindi ako makapaniwalang nandito parin silang lahat.

Thank you love, for keeping this all the things I gave to you. I love you! "I love you Vienna. Nga pala, sasama ka ba mamaya sa bahay? Mom invited us for a dinner." yes, sasama ako. Andon ba si Tito Zeb? "Hindi ko alam, pero sigurado akong nandon siya mamaya. Kilala ko si mommy, hindi 'to papayag na hindi kami kompleto mamaya." tumungo na lang ako. Susundin mo ba ako sa bahay o doon na lang tayo sa bahay niyo magkita? What do you think? "Susundin na lang kita, wait for my call." Okey.

Ahm, love ano plano mo? Magtuturo ka parin ba? I mean, after the graduation of this batch? Sigurado ako, ibang mukha nanaman ng mga studyante ang tuturuan mo. Hindi ba sumasakit ang ulo mo? Tumigil kana kaya sa pagtuturo? Kasi diba, you have your own company naman. Kesa sa ibang tao mo pinapahawak, ikaw na lang. Umiwas ito ng tingin sakin.

"Ayoko muna pag-usapan love, hindi pa ako makapag desisyon tungkol diyan. Alam mo naman diba kung gaano ko kamahal ang trabahong 'to? Kahit hindi okey sa mga magulang ko, pinaglaban ko parin. Ito ang gusto ko, dito ako masaya." okey, okey hindi na muna kita kukulitin tungkol doon.

" okey, okey hindi na muna kita kukulitin tungkol doon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Emilia Clarke as Vienna Azeros

Mali Ang Ibigin Ka (Completed)Where stories live. Discover now