Chapter 18

22 0 0
                                    

Gelu Bershka

Hinatid ako pauwi ni Dex, nagpasalamat ako sa kanya. Umalis rin ito, alam kong malungkot siya. Nakikita ko iyon sa mga mata nito, wala akong magagawa para maalis 'yon. Lalo na, dahil iyon sa akin. Binuksan ko ang pinto madilim ang buong bahay. Pumasok ako sa kuwarto, ilang araw na lang bago ang graduation. Napapa-isip parin ako kung sino ang sasama sakin sa stage.

Napatayo bigla na may kumatok sa pinto, napapaisip na nanaman ako kung sino 'yon? Kumatok ulit ito. Lumabas ako sa kwarto, sino 'yan?

"Si Vienna ito Gelu, gusto lang sana kitang kausapin. Huli na ito, may sasabihin lang ako."

Binuksan ko ang pinto, nakita ko itong nakangiti sa akin. Medyo, naiilang ako dahil ngayon ko lang ito nakitang ngumiti. Hindi naging maganda yung huling usap namin at heto siya ngayon, nginingitian ako. Pasok ka, Vienna. Himala atang hinintay muna niyang papasukin ko siya bago siya pumasok.

"Pasensya kana nung huling pumunta ako rito, sa mga sinabi ko sayo. Alam kong masyado akong naging padalos-dalos sa mga binitawan kong salita."

Wala na 'yon sakin, mabilis ako makalimot. Bukod don, ano pa ang sadya mo sakin?"

"Gusto ko lang sanang i-paalam sayo na malapit na kaming i-kasal. Huwag mo sanang sirain 'yon."

Pagak akong tumawa, pumunta ka dito para sabihin sakin na malapit na kayong i-kasal at ano kamo? Sisirain ko? Alam mo Vienna, wala akong pakealam. Matagal na kaming hindi nag-uusap ni Jas at alam kong alam mo 'yon. Kasi palagi siyang umuuwi sayo, huwag kang praning. Hindi ko sisirain ang kasal na sinasabi mo. Kaya pwede ba, umalis kana.

"Gelu, siguro nga praning na ko. Hindi ko rin mapigilan ang sarili kong mag-isip kahit nasa akin naman si Jas.. Pasensya na, simula kasi.. Never mind, aalis na ako."

Mabilis itong lumabas, siraulo 'tong si Vienna. Pupunta rito para sabihin sakin na malapit na silang i-kasal? Wala naman akong nababalitaan. Baka sa sobrang praning niya nagagawa na nitong mag-sinungaling. Kung totoo man 'yon, wala akong magagawa. Huwag ka muna kikirot puso, pigilin mo muna huwag mag-react ngayon.

Oo nga pala, wala pa kong kasama sa pag-akyat nang stage. Si mama kaya? Pero nahihiya ako. Ngayon ko lang sila kakausapin kasi may kailangan ako, ano na lang iisipin nila? Na hindi ko rin kaya, na kailangan ko parin sila. Tama na Gelu, kunin mo na yung telepono mo. Tama na pag-iinarte.

Tumingin ako sa telepono ko, tatawagan ko na ba talaga si mama? Kakausapin ko na ba talaga sila? Huminga ako ng malalim. Okey sige, hinahanap ko ang numero ni mama at tinawagan iyon. Nakailang ring iyon bago sinagot.

"H-hello Gelu anak? Sa wakas tumawag ka na'rin, matagal ko itong hinintay na tatawagan mo kami anak. Kamusta ka diyan? Ayos ka lang? Kumakain ka ba ng tama? Pinahid ko ang luha ko, nung narinig ko boses ni mama biglang lumabot ang puso ko.

A-ayos lang po a-ako mama.. Kayo po diyan? Si papa po? S-sina ate?

"Maayos lang kami dito anak, pinapauwi kana ng papa mo e. Ang sabi niya, dito kana mag-aral after mo diyan sa high school anak. Umuwi kana rito, miss kana namin.."

Sorry po mama sa lahat, sa mga desisyon ko po.. Huwag po kayong mag-alala mama, uuwi na po ako riyan sa atin. P-pwede po bang pumunta kayo sa graduation ko..

"Aba, oo naman anak.. Darating ang mama diyan ha, antayin mo ako riyan anak. Gelu anak umiiyak ka ba?" H-hindi po mama..

May konteng sipon lang po. Sige na po, papatayin ko na po itong tawag mama. Pakisabi na lang po sa kanila na tumawag po ako sa inyo..

"Osige anak, sigurado ka ba na okey ka lang anak? Parang humikbi ka diyan? May masakit ba sayo? Kumakain ka ba nang tama ha Gelu? Baka napapabayaan mo ang sarili mo riyan ha?"

Hindi po, hindi ko po pinapabayaan sarili ko. Huwag na po kayong mag-alala sakin. Ayos lang po ako rito, sige na po mama papatayin ko na po itong tawag. Kita na lang po tayo sa graduation ko, bye po. Sunod-sunod na lumabas ang mga luha ko na kanina ko pang pinipigilan.

Ang dami ko maling ginawa at i-tatama ko 'yun lahat. Walang tigil sa pag-buhos ang mga luha ko, ngayon ko lang napagtanto na sobrang miss ko si mama.. Ang dami kong kasalanan sa kanya, babawi ako.. Lumabas ako sa kwarto, uminom ako ng tubig. Tumunog ang telepono ko, tiningnan ko ito baka nagtext si mama. Pagtingin ko, halos mabitawan ko ang hawak kong baso...

"Bershka, mag-usap tayo pag-katapos nang graduation. May sasabihin ako sayo."

S-sir J-Jas... Hindi ko alam kung magrereplay ba ko o hahayaan ko na lang ang text message niya sa akin.. Hindi ko ito i-naasahan, akala ko kinalimutan na talaga niya ako... Mas pinili ko na lang ang hindi ito replayan. Huwag kang masyadong ma-excite Gelu, ayan ka nanaman. Makikipag-usap ba ko sa kanya? Aba, syempre. Para no regrets, hays epal talaga 'tong kalahing isip ko e. Ginugulo ko!

Pumasok na ulit ako sa kwarto, hays... Ano kaya ang sasabihin niya sakin? Sigurado akong tungkol lang iyon sa pag-alis ko rito sa bahay niya o hindi kaya magpapaliwanag ito kung bakit niya ako hinalikan. Bahala na, ayokong umasa. Kung ano man 'yon, nakahanda ako...

Hinding-hindi ko malilimutan ang bahay na ito, ang mga ala-alang maiiwan ko rito. Halos nakita nang bahay na ito kung paano ako naging matapang. Umiyak, nasaktan. Mamimiss ko ang kwartong ito, dito ako halos nag-lalasing. Dito ako nag-tatago, ang kwartong 'to ang naging takbuhan ko. Ilang beses na ba kong umiyak rito? Hindi ko na mabilang. Basta ang alam ko lang, ang buong bahay na ito ang nakakaalam kung paano ako naging sawi sa pag-ibig.

Kinuha ko muli ang aking telepono, tiningnan ko ulit ang text message ni Jas. At muling i-tinabi iyon. Ayoko siyang replayan, baka kung ano pa mareply ko...

If it ends in pain, I will accept it. I will still choose to be happy...

Mali Ang Ibigin Ka (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora