Chapter 5

34 2 0
                                    

Gelu

Tahimik na naglalakad si Gelu sa labas ng paaralang pinapasukan niya. Alas singko na ng hapon at heto siya walang kabalak-balak na umuwi. Hindi mawala sa isip nito ang mga naging kaganapan kanina, pagdating niya sa room ay nagsisimula na itong magturo.

Ngunit huminto iyon nang makita siya at kita sa mukha nito ang pagkalito. At ang mga kaklse niya na halos magsigawan na sa loob ng silid.

'Ang pooogi! Omegesh!

Ang cute nung isa! Mga bago ba silang Professor dito?'

'Tingnan mo Sherah ang hot nila parang si Sir Jas!'

'Oo nga e, age doens'nt matter naman diba? Hahaha! So akin kana lang fooooo! Iyong nakablack na jacket!'

Hindi pinansin ni Gelu ang mga kaharutan ng mga kaklase niya. Lumapit si Sir Jas sa kanila. Si Gelu naman ay dali-daling umiwas at dumaretso sa upuan. Alam niyang nakatingin sa kanya ang Professor pero ayaw niya itong tingnan pabalik. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito.

Class, babalik ako. I-copy nyo muna ito. Iyon ang huling narinig ni Gelu mula dito. Hindi niya maintindihan ang sarili, kinakabahan siya. Pakiramdam niya parang katapusan na nang mundo at ang pagtira niya sa bahay nito ay parang matatapos narin. Ramdam niyang may alam na ang tatlo nitong kaibigan, hindi siya makapagfocus. Nangangati ang paa niya, may kung anong tumutulak sa kanya na tumayo at puntahan ang mga ito.

Gusto niyang marinig kung ano man ang mga paguusapan ng mga ito. Kaya naman, hindi siya nagpahalata sa mga kaklase niyang hindi parin makamove on hanggang ngayon. Lumabas siya ng room at hinanap ang mga ito. Nakita niya ang mga ito sa likod nang lumang building, agad siyang humanap nang pwesto na hindi siya makikita at mula roon ay  maririning niya ang mga ito.

Anong ginagawa niyo dito? Ni hindi malang kayo nagpasabi sa akin na pupunta kayo dito mismo sa paaralang pinagtratrabuhan ko. Ngayon niyo lamang ito ginawa, may problema ba?

"Jas may gusto lang kaming alamin, matagal na tayong magkakaibigan pero may nililihim ka sa amin." unang nagsalita si Vieros, napakamot ito sa ulo at ngumiti nang pilit.

"Basta ako hinila lang nila, kaya wala akong masasabi." boring na wika ni Gabix dinilaan pa nito ang dalawang kaibigan. Halos parang gusto siyang saktan ni Vieros sa mga tingin nito sa kanya.

Huminga muna si Kyano bago nagsalita. Seryoso ito, pero bigla din iyon naglaho.

" Sino si Gelu Bershka Jas? Bakit kayo magkasama sa iisang bubong? Alam ba ito ni Vienna? Ayaw kitang pagisipan ng masama pero ano ito? Bakit mo kasama ang teenager na iyon?" bumalik na ulit ang seryosong mukha nito.

Walang makikitang reaction sa mukha ni Jas, na nanatili itong kalmado sa harapan ng mga kaibigan niya. Dahil sa studyante kong si Gelu Bershka kaya kayo napasugod dito at inabala ako sa oras ng pagtuturo ko ha Kyano? Alam kong magkakaibigan tayo pero hindi sa lahat ng oras ay kailangan kong sabihin sa inyo ang lahat sa akin.

"Kaibigan namin kayo parehas ni Vienna, ayaw lang namin kayo magkasira Jas. Pasensiya na kung naabala ka namin, pero bakit nga ba kayo magkasama ni Gelu? Paano kung malaman ito ng buong school? at ni Vienna. Sigurado akong magiisip iyon." kalmadong wika ni Vieros sa kaibigan.

Kung iniisip niyo na may relasyon kami, ngayon pa lang itigil nyo na iyan. Naipit lang ako sa sitwasyon kaya siya nakatira sa bahay ko. May utang akong kailangang bayaran sa kanya, wala siyang matirahan kaya ang pagtira niya sa bahay ko ang kabayaran. Aalis si Gelu sa bahay ko oras na makagraduate siya sa high school.

Kami ni Vienna walang makakasira sa amin, si Gelu studyante ko lamang siya. Naaawa lang ako sa kanya kaya kahit ayaw ko rin na tumira siya sa bahay ko at pwede ko naman talaga siyang bayaran na lang pero hindi ko ginawa iyon. Okey na ba? babalik na ako sa klase ko. Istorbo kayo.

"Ito kasing si Kyano at Vieros parang mga ano e! Dinamay pa ako. Sige Jas sorry!"

Sigaw ni Gabix sa kaibigan. Umalis na kasi ito, naiwan ang tatlong kaibigan na nagsisisihan pero ramdam parin ni Kyano na maaaring totoo nga ang sinasabi nito ngunit hindi madadaya ang nakikita niya sa mata ng kaibigan.

Samantala si Gelu naman na kanina pang nakikinig sa mga ito ay hindi na mawari kung ano ang dapat maramdaman sa mga narinig mula sa Professor. Gusto niyang umuwi na lang ng mga oras na iyon, ngunit naisip din niya na mas hindi magiging komportable kung uuwi siya ngayon sa bahay.

Tumakbo siya papalayo sa lugar na iyon, wala siyang magawa kundi ang bumalik sa klase kahit na alam niyang sobra na ang pagkailang na nararamdaman niya.

***

Gelu Bershka

"Ano ba nakain mo at niyaya mo akong uminom? Tsaka nakauniform ka pa. Hindi ka pa umuuwi no?"

Malamang hindi pa. Ayokong umuwi, huwag kang magsasalita. Ayoko nang maingay! Basta samahan mo lang ako uminom, cheers! Itinaas nito ang bote tsaka ininom iyon. Natawa bigla si Gelu sa naisip tiningnan nito ang lalaking tinawagan niya kanina para samahan lamang siyang uminom.

"Baka mafall ka sakin huwag mo kong tingnan ng ganyan hoy." biro nito kay Gelu. Tinarayan lamang siya nito. Medyo may tama na ito ng alak kaya namumungay na ang mga mata. Ayaw naman talaga niyang makasama ito ngayon no choice lang talaga siya.

"Hoy Bershka mukhang lasing kana ata, tama na iyan. Iuuwi na kita, baka hinahanap kana ng pamilya mo. Ako pa ang masisi nila kahit ikaw naman itong nagyaya sakin." tiningnan siya ng seryoso ni Gelu, halata sa mukha nito ang tama ng alak.

Ako hahanapin ng pamilya ko? Hahaha.. Walang maghahanap sakin. Kaya nga ako umalis at lumayo sa kanila dahil ayaw ko sila makasama. Kaya din ako may ekstrang trabaho dahil kailangan ko iyon para mabuhay. Lalo na sa pag-aaral ko, konteng panahon na lang malapit ko na matapos ang high school Dex. Ngumiti ito ng pilit sa binata.

"Hindi ko alam kung ano ang naging problema mo sa kanila, I mean sa pamilya mo pero sana dumating ang araw na magkaayos kayo. Importante parin na may pamilya kang uuwian lalo na sa panahong kailangan mo sila."

Sandaling tumahimik si Gelu, ang totoo nan ay miss na talaga niya ang ito pero masyado siyang mapride. Hangga't kaya niyang mabuhay magisa ay hinding-hindi siya uuwi sa mga ito. Wala naman siyang ginawang mali, ayaw lang talaga niyang manatili doon sa kanila lalo na sa mga gusto ng mga ito para sa kanya.

Dex masaya ka ba sa buhay mo? Masarap bang maging mayaman? Madaming pera ganon. Syempre oo diba? Na bibili mo lahat ng mga gusto mo. Na pupuntahan mo 'yung magagandang lugar, kaya mong magshoping  sa mamahaling mall na hindi mo na kailangang mag-alala kung kukulangin ka ba sa pera. Pakiramdam ko ang saya mabuhay sa ganoon.

"Oo pero... Minsan malungkot parin. Parang may kulang pa pero hindi ko alam kung ano iyon Gelu. May mga araw kasi na halos hindi ko maramdaman na buo ako. Hays, ano ba yan ang dramatiko ko na ata. Halika na, uwi na tayo." umiling si Gelu dito, ayaw talaga niyang umuwi. Sigurado siyang nasa bahay na ngayon si Sir Jas. Lalo na hindi parin alam ni Dex, baka makita pa ito.

Iwan mo na ako dito, kaya ko ang sarili ko Dex. Salamat sa pagsama sakin dito. Uuwi narin ako mamaya pero sa ngayon ayoko pa talaga. Tipid na ngumiti ang binata at muling umupo sa tabi nito. Nakita niyang nakalimang bote na si Gelu kaya agad niyang kinuha ang isa at itinapon iyon sa malayo. Hindi iyon nakita ni Gelu kaya laking pasasalamat niya. Siguradong magagalit ito sa kanya kung nagkataong nakita siya nito.

Umihip ang malakas na hangin kasabay non ang paglipad ng iilang hibla ng buhok ni Gelu. Hinawi iyon ni Dex kahit na medyo nagulat ang dalaga sa ginawa nito. Ang kaninag na mumungay nitong nga mata ay biglang na milog ngayon. Medyo umatras ito sa binata at inayos ang buhok.

"Gelu... Pwede ba kitang ligawan?"

Bigla siyang sinuntok nito, napangiwi sa sakit ang binata sa lakas ng tama na iyon sa tiyan niya.

Uuwi na ako, huwag mo ako susundan. Nakikipagkaibigan lang ako hindi nagpapaligaw. Naiintindihan mo? kinuha nito ang kanyang gamit at iniwan roon ang binata na kapit parin ang nananakit na tiyan.

"Ibang klase talaga ang babaeng iyon... Gelu Bershka.." iyon na lamang ang naibulong nito sa sarili. Pero sa loob-loob ni Dex mas lalo siyang naging interesado dito.

Mali Ang Ibigin Ka (Completed)Where stories live. Discover now