Chapter 21

38 0 0
                                    

The Graduation Day

Gelu Bershka

Natapos ang graduation namin, halos lahat may kanya-kanyang bit-bit na mga magulang. Ang iba, mga nakakatandang kapatid. May iba naman na ang kasama kamag-anak o di kaya'y mga taong espesyal sa kanilang puso.

Nakita ko si mama, bumili kasi siya ng maiinom namin. Andito parin kami sa school, karamihan sa mga istudyante narito pa. Ang iba naman, nagkanya-kanyang alisan na.

"Anak, hindi pa ba tayo aalis? Hinihintay na tayo ng mga kapatid mo at ang iyong tatay sa Uncle Jov's, doon natin i-cecelebrate ang 'yong graduation."

Opo ma, antayin niyo na lang po muna ako dito. May kakausapin lang po ako, hindi po ako mag-tatagal. Huwag po kayo rito sa mainit, doon po kayo mag-hintay sakin. Saglit lang po.

"Sige anak, antayin na lang kita dito."

Hindi pa ko nakakailang hakbang nang may biglang humarang sa dinadaanan ko. Si Dex Pamelo, nakasibangot ito sa akin. Kinurot ko siya sa ilong, napangiwi naman ito sa ginawa ko. Bakit ngayon mo lang ako pinansin ha? Kanina napakasungit mo. Kinakawayan kita kanina pero parang hindi mo ako nakikita.

"E, syempre ganon talaga. Para mas lalong makamove on. Hahaha! Hindi sana kita lalapitan pero hindi ko kaya na hindi mag-paalam sayo Bershka."

Bakit? I mean, nag-tataka lang ako kung bakit ka mag-papaalam sa akin? Huwag mong sabihing lalayuan mo ako at hindi mo tutuparin ang pinag-usapan natin? Umayos ka Pamelo, parang iiyak na ko sa harapan niya ngayon. Nakakainis ka!

"Hindi 'yon, hindi iyon tungkol don Bershka. Hahaha! Mag-papaalam ako sayo kasi sa New York na ko mag-aaral. Doon na kasi titira buong pamilya ko e, nagulat din ako. Gustuhin ko man na hindi sumang-ayon wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanila. Pero huwag kang maging malungkot, hindi naman mawawala ang communication natin e, andito parin si Dex Pamelo na papa-utangin ka parin kahit malayo na. Hahaha!"

Basta, mag-iingat ka don. Subukan mo lang na kalimutan ako, i-papakulam talaga kita. Pero seryoso, mamimiss kita. Babalik ka parin naman diba?

"Ayokong mangako Bershka, tsaka hindi kita kayang kalimutan. Nakatatak kana sa isip ko, kung makakabalik man ulit ako rito sana may chance na ko. Hahaha! Biro lang, ikaw din mag-iingat ka dito."

Dex, halika na baka ma-late pa tayo sa flight. Hinihintay na tayo ng Daddy mo.

Sabay kaming lumingon, nakita ko ang hindi pa gaanong katandang babae. Sigurado akong ito ang nanay ni Dex, ngumiti ako. Tumingin ako kay Dex, niyakap ko siya.

"Bye, Gelu. Hanggang sa muli, antayin mo ako ha."

Tanging pag-tango na lamang ang ginawa ko habang papalayo ito. Pakiramdam ko, isa-isa silang nawawala.. Biglang nag-ring telepono ko, hala shit! Nakalimutan ko na siya. Dali-dali akong tumakbo.

Malakas ang kabog nang puso ko habang lakad takbo na tinutungo ang lumang gusali nang paaralang ito. Kanina habang nag-sisimula pa lang ang graduation, ramdam na ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin mula pa kanina hanggang sa matapos ang graduation. Gustuhin ko man na tingnan ito, hindi ko magawa. Laging may pumipigil sa akin para gawin iyon.

Pag-dating ko, nakita ko itong nakatalikod habang nakapasok ang isang kamay sa bulsa na suot nitong maong pants. Nagdadalawang isip ako kung yayakapin ko ba ito o hindi. Tumingin ako sa paligid, sigurado akong walang makakakita sa amin dito, agad akong humakbang at niyakap ito mula sa likod. Ramdam ko ang pagkabigla niya sa ginawa ko pero mas lalo ko iyon hinigpitan..

Sa huling pag-kakataon Jas, hayaan mong gawin ko ito. Kanina ko pa tinitiis na hindi ka tingnan, na hindi ka lingunin. Alam kong hindi na ito mauulit, kaya sa mga oras na ito gusto kitang yakapin Jas.. Humarap ito sa akin, hindi parin ako bumibitaw sa pagkakayakap ko sa kanya. Hinawakan niya ang kabilang pisnge ko, malungkot ang mga mata nito. Alam ko, sa mga sandaling ito ako ang mahal niya. Ako talaga ang mahal ng lalaking 'to..

"Bershka, nung gabing hinalikan kita. Hindi ko 'yon pinag-sisisihan. Ginawa ko iyon dahil... Mahal kita.. Alam mo yung masakit para sakin? Hindi ko magawang i-laban 'yon.. I have Vienna, kaya kahit hindi na buo ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya, mas pinili ko parin manatili sa relasyon namin.. Ang puso ko Gelu, nasa 'iyo na 'yun ngayon pero tangina... Tangina hindi talaga tayo pwede.. Ipit na ipit ako. Gusto kitang piliin, lumayo kasama ka.. Pero s-si Vienna, hindi ko siya basta-basta iwan na lang.. Kaya kahit masakit na manatili sa isang relasyon na hindi na 'yung taong 'yon ang mahal ko, I can stay Gelu, I can stay.."

Hey, huwag ka naman umiyak sa harap ko. Ito ba ang babaonin kong ala-ala sayo sa huling araw na makikita kita? Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, kung hindi sana tayo nag-kakilala hindi ka maiipit nang ganyan ngayon. Sana'y hindi ka nahihirapan, sapat na para sa akin na malamang ako ang totoong mahal mo Jas.. Mahal din kita, mahal na mahal.. Pero anong magagawa natin? Nasa maling panahon tayo, may taong masasaktan. Nung nakilala kita, bigla akong natawa kahit pilit lang 'yon. Hindi ko maisip na, mahuhulog ang loob ko sayo. Kahit araw-araw tayong nag-babangayan, ang bahay na iyon Jas hindi ko makakalimutan ang mga naiwang ala-ala natin doon.

Huwag mo akong tingnan nang ganyan, okey lang ako. Hinawakan ko ito sa magkabilang pisnge, hindi ko na napigilang lumuha. Ganito pala ang pakiramdam na kailangan natin tanggapin kung ano ang nakatadhana para sa atin. Jas, hindi ako magmamahal nang iba. Seryoso ako sa sinasabi ko. Baka dumating pa yung araw na pwede na, na maaari na nating mahalin ang isa't isa, na wala tayong taong masasaktan..

"Kung naririnig man tayo ngayon nang universe, hinihiling ko rin na mag-katotoo lahat ng mga sinabi mo Bershka.."

Nag-katitigan kami, ako na ang unang humalik sa kanya. Halik na may pagmamahal, mas lalo pang i-dinikit ni Jas ang sarili ko sa kanya. Kapit niya ang bewang ko, pag-katapos pinag-dikit niya ang nuo namin. Nakapikit lang ako, pag-bilang ko ng tatlo parehas tayong kakalas Jas.. Wala dapat lilingon, iiwan natin ang lugar na ito na hindi tayo titingin sa isa't isa.. Please, pwede bang gawin natin iyon? Tumango ito..

Pagkabilang ko ng tatlo, parehas kaming kumawala. Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko, huwag Gelu.. Huwag kang lilingon, panindigan mo yan. Dare-daretso akong lumakad. Ang puso ko, parang maaalis iyon sa sobrang sakit..

It must be wrong to love someone who is not for us or destined for us. Like Sir Jas, it is wrong to love him. But thanks for what he made me feel. That's the only thing I can bury. I hope that when we meet again, we will be able to fight the love that we can't fight now.

WAKAS.

Mali Ang Ibigin Ka (Completed)Where stories live. Discover now