Chapter 13

0 0 0
                                    

Days had passed, wala namang nagtangka sa akin. Akala ko wala na pero sinabihan ako ni Felix na 'wag akong makampante. Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa salamin habang suot-suot ang black fitted tuxedo at black naman sa bottom.

"This is going to be fun.." I mumbled to myself.

Today is my stepmom's 50th birthday, sa bahay lang magce-celebrate at hindi ko aakalaing iimbitahan ako. Kaya para mas maganda ang event I wore her least favorite color, I mean, hindi niya talaga gusto ang color na 'to, which is black.

I also invited Felix to come at sinabihan ko siyang magsuot din ng black. Pagpasok namin sa mansion ay kinuha ang aming mga invitation cards which is kailangan dahil hindi ka talaga makakapasok but if you dare to come inside without the card, may libreng kaladkad sa mga bouncer.

Marami na ang mga bisitang dumadating, they were all just chitchatting everywhere.

"Azalea." Felix called me.

"Hm?" Kumuha ako ng isang baso ng wine na nilalako ng isang butler.

"What are you planning?" He asked.

Nilingon ko siya sabay higop sa wine. I didn't expect he would notice it that fast.

"Doing what they deserve, I think?" Nilagok ko ang wine at inilagay sa bakanteng mesa.

All of them are wearing what the theme is, which is Gold Theme. Habang ako at si Felix ay ang tanging nakasuot ng itim.

Lots of unfamilliar faces, may iba ring pamilyar at kilala ko na, especially Thania's friends. Nasa isang table sila and when I saw them looked at me they started to gossip, and so, I just rolled my eyes. Normal days ni Azalea. Nakaupo lang ako rito at walang ginawa but I caught their attention, grabe na talaga ang presensya ko.

May emcee na nagsalita dahil magsisimula na raw, pagkatapos, tinawag na niya ang pangalan ng stepmom ko at siya namang naglakad pababa ng hagdanan.

"Feeling debut party amputa, singkwenta naman ang edad." Natatawang bulong ko sa sarili ko.

"Azalea.." Felix looked at me with threatening eyes, "Not now, please." He mumbled.

I rolled my eyes at him at binaling nalang sa desserts ang atensyon ko na nasa mesa namin, pero nawalan ako ng ganang kainin iyon.

Mrs. Fim started to acknowledge the guest at syempre ang anak niyang si Thania.

"And ofcourse to my stepdaughters na tinuring ko na rin na mga anak, come on stage Daphne and Azalea," aniya sa malambot na boses. Ang layo sa totoong ano siya, literal na gold ang pinapakitang ugali pero kinakalawang pala sa loob.

Nang tumayo ako ay nasa akin ang mga mata ng mga tao, ofcourse, gulat sila dahil nakaitim ako. Ang mga mata ko ay nasa stepmom ko lang na saglit na nagulat at kalauna'y ngumiti ng pilit. Pasikreto akong napangiti nang hinay-hinay na nasisira ang mood niya.

Flashes from camera welcomed me when I am already on stage, magkatabi kami ni Thania at syempre hindi talaga titikom ang bibig niya kapag katabi ako, syempre hindi rin ako nagpapatalo.

"I told mom not to invite you 'coz I know you would mess this party." She mumbled while keeping the smile infront.

"Too late, ininvite na ako." Pangiti kong tingin sa kaniya at kitang-kita sa mga mata niya na nais na niya akong saktan.

"Sana mamatay ka na, Azalea." This time she didn't smile while telling me those. I saw how she gritted her teeth, ramdam kong gagawa siya ng eskandalo pero agad napigilan ni Mrs. Fim.

"Girl's stop now. Let's take a picture." Umalis ako sa tabi ni Thania at pumunta sa kabila kung saan nakatayo si Daphne. Habang magkatabi naman sina Thania at Mrs. Fim.

Kahit labag man sa kalooban ko, ngumiti ako sa camera.

Nang oras na para kumain, sabay kaming pumila ni Felix sa food counter kung saan nakalagay ang lahat ng pagkain. Base rin ito invitation card, number 3 ang nasa card ko kaya sa table number 3 ako nakaupo at mauuna rin kaming kumuha ng pagkain. Hindi pa nga lang ako nakakuha ng pagkain ay may biglaang dumaan sa harap ko na ikinaatras ko, alam kong sinadya niya akong tamaan ng balikat niya.

"Excuse me?" My forehead creased nang sumulpot ito sa linya. He is familliar, at nang lumingon ito ay kilala ko nga kung sino. Siya ang isa sa barkada ni Thania. Tumingin ako sa table nila at nakita sina Thania na pasikretong tumatawa habang tumitingin sa'kin.

"Azalea.." hinawakan ni Felix ang braso ko na ikinalingon ko sa direksyon niya.

"What?" Inis kong tanong.

He slowly shook his head like he was saying "Don't"

Tila tumaas ang pressure ng dugo ko sa mga ginagawa niya, "I didn't do anything?!" Halos maisigaw ko na ang mga sinabi ko sa kaniya.

"Be calm, okay?"

Paano ako kakalma? Pati siya parang kinokontra ako! Ano ko ba siya talaga?! Parang nilalabanan niya ang mga barkada ni Thania, ah?! Fuck.

"Alis na'ko–" akmang aalis na sana ako nang may biglaang natumba hindi kalayuan sa amin.

"Aaaah!" Sigaw galing sa isang babae.

Napatakip ako nang bibig nang makitang nakahiga ito sa sahig at may bulang lumalabas sa bibig ng isang lalake. Napalingon ako sa likuran ko nang isa na namang pagbagsak ang narinig ko. My eyes widened in shock when I saw the guy who bumped at me earlier was now lying on the floor, bubbles escaped from his mouth.

——

Minutes passed, ambulance and police came, walang pinalabas sa loob ng mansion, may ibang nag-iyakan sa nangyayari. Habang ako ay nasa gilid lamang at nakasandal sa pader.

"Table 3.." kinagat ko ang kuko ng aking daliri sa kakaisip kung bakit sa table 3 kung saan kami nakaupo, sunod ay ang pumila sa harap ko. What the hell is happening, alam kong hindi ito normal na pangyayari.

Inimbestigahan na ng mga pulis ang pangyayari. Ang mga barkada naman ni Thania ay gulat at umiiyak, one of their friends is in critical condition.

Kausap ng stepmom ko ang isang police officer at ilang minuto lang ay inannounce sa lahat na pwede na silang umalis.

"What? Why? The culprit must still be here." Pigil ni Thania sa pulis na umanunsyo.

"Thania, please.." her mother begged her to stop.

"Mom, I'm scared." Yumakap si Thania sa mama niya at bakas sa mukha ng dalawa ang pag-aalala.

"We need to get out from here too, Felix." Akmang maglalakad na sana ako palabas nang hawakan ni Felix ang braso ko.

"Why?" I asked him when he stopped me from getting out of this mansion.

"We need to stay here first."

Napangiwi ako sa mga sinabi niya. "Anong panonoorin natin? Makikipagtitigan tayo sa mga pulis?"

Hinila ako ni Felix sa hindi mataong lugar habang ang lahat ng bisita ay isa-isang naglabasan sa mansion.

"Azalea, listen to me." He roamed his head around to secure no one is sneeking. "Someone inside this mansion is the possible culprit."

"Oo alam ko, Felix. Syempre baka isa na siya sa lumabas sa mansion na 'to."

"No, someone who knows the flow of this event is the culprit." He cut me off.

"What?"

Muli niya akong hinila pabalik sa sala kung saan nandoon ang mga investigator, ang stepmom ko, si Thania, Daphne, mga butler, maids and bodyguards.

"Nasa kanila lang ang suspek dahil nahahalatang habang nasa stage ang tingin nating lahat, planado na nilang inilagay ang lason na nakain ng dalawang biktima." Aniya.

"But wait. Sino ba ang dalawang 'yun para lasunin? May galit ba ang gumawa nun?"

"Their mission failed, Azalea. Mali ang nalason nila." He said that made my forehead creased, he was looking at the people inside like he was reading every single action of them.

"Mission failed? Then, who?"

"Us." He looked at me, "We are the prey."

That Playgirl's KarmaWhere stories live. Discover now