Chapter 21

0 0 0
                                    

Today's plan is to know sino ang mga kasabwat ni Ryle, at hahanapin namin iyon sa coffee shop kung saan nagtatrabaho every weekend si Felix.

Hindi ko alam bakit sa coffee shop. I ask him why pero ang sabi niya lang ay maghintay lang ako sa kaniya sa loob habang nagtatrabaho siya.

Kaya iwas bagot, dinala ko nalang ang laptop ko para manood ng korean movies sa netflix, halos kada oras din o sabihin nating sa tuwing nauubos na ang pagkaing kinakain ko ay dinadalhan ulit ako ni Felix ng pagkain, na hindi ko naman inorder.

Mas rumami ang mga tao sa loob kaya nasa mga costumer ang focus ni Felix habang ako ay paminsan-minsan ang pagtingin sa paligid, baka may pumasok na pamilyar na mukha na pwedeng sabihin nating isa sa kasabwat.

Pero teka lang, 'yun ba talaga ang gagawin? Uupo lang ako rito para maghintay na may papasok na pamilyar at iaacuse ko na siya ang kasabwat? What the hell? I don't get it. Hindi kasi ako sinabihan ni Felix kung ano ang plano, he just told me to come with him.

Muli akong tumingin sa counter, hindi ko nakita si Felix, where is he? May iba nang nagmamanage ng counter.

"Let's go." Muntikan ko nang mahulog ang hawak kong kutsara nang may magsalita sa gilid ko.

Hindi na siya nakasuot ng apron at sumbrerong kayumanggi which is uniform nila as a worker.

I immediately grabbed my laptop and checked the table if may naiwan ba ako, lumabas na kami ng coffee shop na walang sinasabi si Felix.

"What's the plan now?" I asked him while I am hugging my laptop. I don't have any clue about his plan, ang sabi lang niya ay sumama lang ako sa kaniya kesa maiwan ako sa bahay dahil mas nakakabagot doon.

"To go home." He answered. Siya ang nagsuot sa akin ng helmet dahil may hawak akong laptop. Sumakay na siya ng motor at ganoon din ako.

Hindi na lang ako nagtanong pa ulit dahil hindi ko naman gets ang mga plano niya, o masyado lang akong lutang sa mga sinabi niya before we started the plan.

"Our own eyes isn't enough for an evidence, we need a better eyes."

'Yan lang ang mga sinabi niya na ako namang nakatunganga lang. Nang makauwi ay dumiretso kami sa sala niya, kinuha niya ang kaniyang laptop at umupo sa sahig habang nakasandal sa sofa, habang ako ay sa sofa nakaupo.

May kinuha siyang USB sa bulsa niya na hindi ko alam saan niya 'yan ginamit.

"Kinuha mo ba 'yang USB from somewhere?" I asked him.

"No, it's mine. Ang kinuha ko lang ay ang copy ng CCTV Footage sa coffee shop." He said and then clicked some clips from the CCTV Footage he copied.

My jaw dropped in amaze sa ginawa ni Felix. So 'yan pala ang sinasabi niyang eyes na mas better, a CCTV!

Patuloy lamang siya sa paghahanap ng clip kung saan hahanapin niya si Ryle.

"Wait, wait. Continue ka muna." I told him when he is about to cancel a one clip when he didn't saw any suspicious, it was just me and Ryle na nandoon, nag-uusap. I remembered that day, iyon ang araw na nakipagbreak ako sa kaniya. Imbes na sa aming dalawa ako nagfocus ay sa paligid ako tumingin. I observed every human who witnessed that time, halos silang lahat ay nasa amin ang tingin at nakatutok ang mga camera nila sa amin and they were all shocked, pero sa iisang tao lamang ang kumuha ng atensyon ko. Sa isang nakasumbrero na nakatingin lamang sa amin habang nakasandal, nang magwalkout ako sa lugar na iyon ay umalis din si Ryle pero sa exit siya dumaan na siya namang pinadaan ng worker doon, ang nagpagulat sa akin ay sumunod ang lalakeng nakasumbrero kay Ryle, dumaan din siya sa exit.

"Felix, Felix. May CCTV kayo sa exit?" Natataranta kong sabi, I want to know kung bakit sumunod ang lalake sa kaniya.

"Just a moment." Nagscroll siya sa mga clip at naghanap ng same date sa clip na pinanood namin kanina.

"Here," mas nilapit niya sa akin ang laptop na agad ko namang tinutok sa akin para mas klaro ko talaga ang mangyayari.

Seconds later lumabas si Ryle sa exit at naglakad paalis pero huminto siya at muling lumingon sa exit door.

"What the hell?" Tanging ulo lamang ng nakasumbrero ang makikita sa exit at higit sa lahat, umatras pa ito at tuluyan na namin siyang hindi nakita habang si Ryle ay nakikipag-usap sa lalake. I can't hear what they are talking about but based on Ryle's face, may sinasabi ang lalakeng nakasumbrero sa kaniya na ikinangiti niya.

Bakit ngumiti si Ryle? What's happening?

"No. No. No." Mas higit sa lahat naglakad paalis sa lugar si Ryle kung saan makikita siya ng CCTV at hanggang sa hindi na namin siya mahagilap.

Pinause ni Felix ang clip at nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa.

"Atleast tama nga ang hinala natin." Ani ko. Akala namin ay makikita na kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito.

I let out a sigh.

"Aren't you tired, Felix?" I asked out of nowhere. Para kasing hindi ko siya nakitang napapagod.

Sinirado niya ang kaniyang laptop at pinatong sa sofa, ginaya niya ang posisyon kong niyayakap ang dalawang tuhod.

"Namatay sina mama at papa ten years old ako, akala ko mamamatay din ako kasi wala na sila at sino nang mag-aalaga sa akin."

So, he is living alone since he was 10.

"Pero hindi ko pala akalaing iniwan nila lahat ng pera sa akin pati ang bahay, ten years old ako nagsimulang kumayod mag-isa." Tumingin siya sa akin habang ako'y nakatingin na sa kaniya.

"Kaya ang salitang pagod ay hindi na umeepekto sa'kin, sanay na akong mapagod, Azalea."

I was nine when my mom left me alone not knowing if she is still alive, while Felix, he was ten when his mom left him alone knowing his mom died.

We live in different lives, if you are hurting.. someone is hurting too twice as what you feel, pero hindi naman iyon sa pabigatan ng problema sa buhay, ito ay kung paano mo ihahandle ang kabigatan nito at kung paano mo kakayaning kayanin pa kahit nahihirapan kana.

Instead of giving up forever, Felix chose the other side which is not to, because he believes that anything and everything will be alright.

That Playgirl's KarmaWhere stories live. Discover now