Chapter 14

0 0 0
                                    

What? Pati rito? May gustong pumatay sa akin? At sinali pa si Felix? Walang pinipiling lugar ang gustong pumatay sa akin, pati ba naman sa ganitong event.

"What's happening here?" Umalingawngaw ang boses ni papa. Nakasuot ito ng salamin sa mata at halatang naistorbo ito sa trabaho niya. He didn't join the event, because that's him.

Lumapit ang stepmother ko sa kaniya at ganoon din ang pulis, hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero kita ko sa mga mata ni papa ang pagkagulat.

Pinakalma ito ng stepmother ko at imbes na kumalma si papa ay bakas sa mukha nito ang galit, ofcouse, another rumor will be out because of the incident—issues are the top worst enemy of my father. He hates stains and dirt especially on his name as if he is clean.

"Makatitig kay papa parang gusto mo siyang patayin." I rolled my eyes when I heard her voice.

"Lahat nalang ginagawan mo ng meaning 'no?" I asked sarcastically to my bitch stepsister.

She crossed her arms and looked at me from head to toe that made my brows rose up.

"What if I will tell mom that I suspected you of what happened earlier? Kasi sa suot mo pa lang halatang gusto mong guluhin ang party." I saw how she gritted her teeth like she wants to eat me alive.

"If I can bring back the time, sana ikaw nalang 'yung sumulpot sa harap ko kanina sa linya, gusto ko kasing makitang bumubula ang bibig mo, Thania."

Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya.

"Azalea, stop that now." Felix mumbled.

"No, never." I mumbled back at him.

Humakbang palapit sa akin si Thania, hindi pa rin inaalis ang galit na galit na titig sa akin.
"Sana mamatay ka nalang, Azalea. Magiging masayang-masaya kaming lahat."

That's the second time she told me to die today. Desperada nga talaga siyang mawala ako. I took a step closer to her, keeping the stare at her.

"The more you want me to die, the more I want to be alive."

She scoffed and so I smirk. She is piss off.

"Itatak mo 'yon sa bobo mong utak, Thania." Instead of stepping back, I bumped her shoulder and walked out of the mansion. I can hear Felix's footsteps following me.

The atmosphere inside is suffocating at kahit nakalabas na ako ay tila sinasakal pa rin ako.

——

Tulala akong nakaupo sa sofa habang si Felix ay naglalakad pabalik-balik sa harap ko. Nasa unit ko kami ngayon, we have lots to talk about especially of what happened, pero imbes na makapag-isip ay naiinis ako kay Felix. Tinapon ko sa kaniya ang unan sa mukha niya na nagpahinto sa kaniya at naguguluhang tumingin sa akin.

"What?" He asked, unclue.

"Tumigil ka nga kakalakad? Nakakainis ka!" Inis na sigaw ko sa kaniya na siya namang umupo kaagad at pinagsalikop ang dalawang kamay sabay patong sa mesa. Inayos ko ang aking upo at pinagsalikop ang dalawang binti.

Ngayon ay nag-iisip kaming dalawa kung sino ang posibleng gumawa nun.

"The bodyguard." "The chef."

Sabay kaming napalingon sa isa't-isa nang sabay namin iyong nasabi.

"Why the chef?" He asked.

"Because he is the one who cooked the food, at dahil kumain ang dalawang biktima sa niluto niya kaya ang chef ang posible talagang suspek." I explained.

Sinandal niya ang likod niya sa sofa habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Kung gano'n, tayong lahat ang nalason. Niready ang mga pagkain before dumating ang mga bisita kaya paano niya malalaman kung saan tayo uupo?" Tila sarkastiko ang huli niyang katanungan na nagpakulo ng dugo ko.

"It's just my own opinion, okay? Edi ikaw na magaling, ikaw na ang perfect, pwede ka nang umalis." Inis akong tumayo at maglalakad na sana nang hawakan niya ang braso ko at muli akong pinaupo sa sofa pero sa pagkakataong ito ay mas malapit na siya sa akin.

"I'm so sorry, akala ko kakasa ka sa tanong, Azalea." Ngayon kumalma ang boses niya.

"Actually kakasa sana ako eh. Kung hindi ka lang isa sa sumira ng araw ko." Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"What? W-What did I do?"

I scoffed when he didn't even know what shit he did to me. "You kept on stopping me, Felix."

Nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa na tila hindi nagsisink-in sa utak niya ang mga sinabi ko.

"Parang lahat na ginawa kong pangdodogshow kanina ay naiinis ka. Sino nga ba talagang kinakampihan mo?" Naiinis akong makita siya ng malapitan kaya tumayo ako.

"Ang ibig mo bang sabihin ay 'yong pinipigilan kita sa mga sinasabi mo kanina?" Tumayo rin siya at bakas sa mukha ang naguguluhan.

Pumalakpak ako at sarkastikong tumawa nang ma-gets niya rin ang sinasabi ko.

"Oo, tama ka. Buti na-gets mo na rin." Tinalikuran ko siya at kinuha ang water bottle at akmang iinom sana pero may sinabi siya.

"I have reasons, Azalea."

Nang sabihin niya iyon ay hindi ko na napigilan ang galit ko, tinapon ko ang bottle na hawak ko at galit ko siyang tiningnan na nasa akin pa rin ang tingin.

"You know nothing, Felix!" Sigaw ko para marinig niya na wala siyang alam sa mga ginagawa ko. Wala siyang alam kung bakit ako naging ganito, kung paano ako nagbago, at kung bakit nawalan ako ng respeto sa kanila.

"They hurt me first, Felix. Kung ano 'yung nakita mong pang-gagago ko kanina sa kanila ay hindi pa nga umabot ng kalahati sa mga ginawa nila sa akin noon, tapos gusto mo 'kong pahintuin? Akala ko ba kakampi kita, Felix?"

"Kakampi mo ako, Azalea." Sabay hakbang niya palapit niya sa akin.

"Kakampi kung kailan mo lang gusto?"

Napahinto siya sa sagot ko na ikinatawa ko. Tama nga ako ng hinala, kakampi niya lang ako kung kailan niya gusto.

"You know what? Let's stop this shit, Felix. Umalis ka na." Tinuro ko ang pinto ng unit senyales na umalis na siya.

"Are you giving up now?" Nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya, napunta sa awa.

"Don't look at me like that. Yes, I'm giving up now. So, please.." lumapit ako sa kaniya at tinulak siya para lumabas na. "Leave! I don't need you!" Hinayaan niya akong itulak siya na siya namang hindi iniiwas ang tingin sa akin, walang lumalabas na salita sa bibig niya habang patuloy ko siyang tinutulak palabas ng pinto.

"Azalea.." he called my name as if I will forgive him.

"Leave!" Sa huling tulak ko ay nakalabas na siya sa pintuan, he is about to walk inside but I immediately shut the door and locked it.

I dialed the security number of this condo when he is still knocking on my door.

["Hello, how can we help you?"]

"Hi, I am from unit no. 54. Can you please kick this guy out who keeps on knocking on my door right now?"

["May I know who is the guy, miss?"]

"I.." I bit my lower lip and let out a sigh when get hesitant on telling the security who is he. "I don't know him, somewhat like a stranger."

["Okay, ma'am. Just calm down, the securities are coming."]

Cinall-ended ko na ang tawag at muling tumingin sa pinto na patuloy pa ring kumakatok doon si Felix. Kinuha ko ang earpods sa kwarto at sinuot iyon, nilakasan ko ang volume ng music hanggang sa hindi ko na marinig ang katok ng pinto.

I thought giving up will take more courage but it was a lie. It's so easy to give up. And I know I won't regret it. If I die, then I will die. I don't need a superhero anymore 'cause I don't deserve to be save.. I lived my life this past few days as a playgirl, I hurt their hearts while I was just laughing my ass off.

I don't fucking deserve to be save.

This is my fate. This is my karma.

That Playgirl's KarmaWhere stories live. Discover now