Chapter 25

2 0 0
                                    

3RD PERSON POINT OF VIEW

Makulimlim ang loob ng apartment, rock music na pinapatugtog sa maliit na sala at aroma ng ginigisang pagkain sa kusina, sinasabayan niya ang tugtog habang wala siyang suot na pang-itaas na damit.

Dalawang pagkatok sa pinto na ikinahinto niya sa paggigisa. Binaba niya ang hawak na sandok at pumunta sa sala para i-off ang music.

"Sino 'yan?" Naglakad ito papalapit sa pintuan at binuksan ang pinto.

"Pizza delivery po!" Sa labas ng kaniyang pintuan, isang delivery man ang may dala-dalang isang box ng pizza.

Bagsak balikat ang ginawa ni Ryle at napabuntong hininga. Mas binuksan niya ang pinto at hinarap ang delivery man.

"Hindi ako nag-order ng pizza, baka na-wrong location ka lang." Ani niya.

Chineck ng delivery man ang papel sa box, "Pero ang nakalagay po rito ay ang address ninyo." Sagot nito.

Napakati sa ulo si Ryle, "Hindi nga sa'kin 'yan—" isang segundo lamang ay natumba siya sa sahig at wala ng malay.

——

AZALEA'S POINT OF VIEW

Kanina ko pa kinakagat ang kuko ko, hindi mapakali kung kumusta na si Felix. It's been 5 minutes pero wala pang update mula sa kaniya.

Should I go inside? Or should I call for help?

Napatalon ako sa gulat nang magvibrate ang phone ko. Felix is calling! I immediately answer the call.

"Felix, what's happening? Bakit ngayon ka lang napatawag?" I asked, worriedly.

Napakunot ang noo ko nang hinihingal siya sa linya niya.

"Felix, are you okay?!"

"Azalea.. you can come now."

Tila nabuhusan ng mainit na tubig ang nanginginig kong katawan nang malamang successful ang plano. Tumayo ako sa bench and witnessed the delivery man just went out from that apartment. Binayaran namin ang delivery man na iyon.

So, the plan was a success.

Pagpasok ko sa unit ni Ryle ay makulimlim ito, Felix opened the door for me.

"Where is he?" I asked Felix.

"He is still unconscious." He pointed the way where Ryle is sitting in a wooden chair, hands and feet are tied up.

Lumapit ako kay Ryle at hinay-hinay na chineck ang leeg niya kung may peklat nga ba o wala, napailing ako dahil imposibleng walang peklat ang leeg niya ngayon. Wala namang patch na nakalagay sa parte ng leeg niya kung sakaling tinakpan niya.

"Wala talaga." Ani ko.

I roamed my eyes around his apartment, I didn't know he lives in an apartment, ang alam ko naninirahan siya kasama ang ate niya. Nag-away ba sila? Pinalayas ba siya?

"Azalea." I looked at Feliz when he called my name.

"I found this," inabot niya sa akin ang isang mobile phone. Maraming sira ang screen and I don't remember Ryle having this phone, ayaw niya nga ng android phone eh.

I turned it on, walang password. Napakunot noo ako nang wala man lang instagram, facebook, or twitter ang phone na ito. Second phone ba 'to ni Ryle?

Muntikan ko nang mabitawan ang phone na hawak ko nang mag-ring ito. Someone is calling and it was Rein. Ryle's sister.

"Anong gagawin ko?" I asked Felix.

"Give me the phone, I have an idea." Kaagad kong binigay ni Felix ang phone, naglakad sya papunta sa kusina ni Ryle na ako nama'y nakasunod lang. Inonn niya ang stove at nag-gisa sa kalahang sa tingin ko'y nilutoan kanina ni Ryle, after that, sinagot niya ang tawag. He is not talking.

"Oh, nagluluto ka pala, nakaistorbo ba ako?" Ani ni Rein sa telepono.

"Hindi naman." Medyo pinanipis ni Felix ang boses sa pagsagot na medyo nakuha naman niya ang boses ni Ryle.

"So, anong balita?"

Napakunot ang noo ko sa tanong niya, pati si Felix ay napatingin sa akin, hindi alam ang isasagot.

"Okay naman, ate." Hindi siguradong sagot ni Felix.

Mahinang pagtawa ang sinagot ni Rein, "Anong okay? Diba sabi mo nagkasugat ka sa ginawa mo?"

What? What is she talking about?

"Oo, pero okay na ngayon. Nawala na ang hapdi."

"Mabuti naman, 'wag ka kasing padalos-dalos, lalo na't lagi nang nakabantay si Felix na 'yan kay Azalea."

My eyes widened in shock after Rein said those. What the hell did I just heard??

"Sure, I'll be more careful this time."

"Okay, mag-iingat ka, Ram."

Ram? Hindi ako nagkamali ng narinig, she said Ram.

Felix immediately call ended the call and turned off the stove. Kaagad akong lumapit kay Felix.

"You heard it, right? Anong ibig sabihin niya?" I asked him, I want to know if hindi ako nabingi ng narinig.

Felix looked at me. "Ryle's sister was behind all of this, Azalea."

Napahawak ako sa sarili kong buhok, trying to process the revelations right now. Biglaang naalala ko ang ginawa niya sa akin nang maabutan naming binugbog ng mga hindi nakikilang suspek si Ryle, sinampal lang naman niya ako at pinaghihila ang buhok the next day.

Isn't it enough?!

"Then.. she was behind all of this shit?" I asked myself, can't believe Rein can do those just to satisfy her hatred towards me.

"Wait, wait. She also mentioned a name, it's Ram. Who the hell is Ram? That guy?" Tila sasabog na ang ulo ko sa mga nangyayari, nagpahirap pa kaming malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito pero tangina, nasa malapit ko lang pala!

Naglakad pabalik sa sala si Felix at nilapitan ang walang malay na lalake.

"There's only one answer, Azalea." Mas hinigpitan niya ang tali sa mga kamay nito at paa.

"Hindi siya si Ryle." He then looked at me "He is Ryle's identical twin."

That Playgirl's KarmaWhere stories live. Discover now