Chapter 15

0 0 0
                                    

The incident happened last day was like a bubble, it suddenly fades. Walang bumubukas ng usapang iyon even on the internet. I don't know why.. pero sa tingin ko hindi naman talaga iyon dapat pag-usapan, the victims are okay now but still in recovery, atleast they are okay.

Pumunta ako ng school na palaging ang eksena ay pinagtitinginan ako, who would not?

Nang matapos ang morning class ay naisipan kong magretouch muna sa cr bago kumain ng lunch sa cafeteria. Walang tao sa cr kaya mas mabuti. I comb my hair using my fingers while looking on the mirror. Kunot noo kong nilapit ang mukha sa salamin nang mapansin ang dark circles sa ilalim ng mata ko.

"Agrh! This is because of my sleeping problem." I mumbled to myself while looking for my foundation inside my bag, nang mahanap ko na ito ay muli akong tumingin sa salamin pero isang nakaitim ang nakatayo sa likuran ko, biglaang nagtaasan ang mga balahibo ko nang nakatakip ang mukha niya sa suot niyang sumbrero.

I need to get out from here. I was about to run pero napakabilis ng mga pangyayari, napangiwi ako at tila hinigop ang lahat ng lakas ko nang suntukin niya ang tiyan ko at isang puting panyo ang itinakip niya sa aking bibig at ilong, pilit ko itong inaalis mula sa kaniya ngunit nanghihina ako.

I kept on moving and I tried to shout for help but I feel so dizzy. Pilit kong pinipiglas ang kamay kong kinukulong niya sa kaniyang mga kamay pero nanghihina na ako, para akong nawawalan ng hininga sa mahigpit na pagtakip niya sa bibig at ilong ko. Isang segundo lang ay wala na akong maramdaman, pumipikit ang mga mata ko hanggang sa hindi ko na alam ang nangyayari.

——

Nagising ako nang maubo sa maalikabok na lugar, madilim masikip at mainit ang lugar. Tinulak ko ang kada-pader pero hindi ko mabuksan, nasa loob ako ng malaking cabinet.

Nahihirapan akong huminga sa alikabok na nasa loob, walang kahit na anong butas, napakadilim. Magkadikit ang mga paa ko at kapag gumalaw-galaw ako ay matutumba ang kabinet.

"T-Tulong!" Sigaw ko na halos lumabas ang lalamunan ko pero tila walang nakakarinig. Wala akong marinig na nag-uusap o mga estudyanteng dumadaan.

Isang matinis na ingay ang narinig ko, tinakpan ko ang dalawa kong tenga nang sumasakit ito dahil sa napakatinis na ingay.

Kusang tumulo ang mga luha ko sa mga boses sa utak ko. "T-Tulong.." ngunit hagulhol lamang ang aking nagawa. Nawawalan ako ng lakas at hangin dito. Parang hinay-hinay akong pinipiga. Nanginginig ang mga binti ko, habang tumutulo ang aking mga pawis sa ulo.

Oo, alam ko na galit sila sa akin, pero bakit sa ganito pa? Bakit sa lugar kung saan nabuo ang sakit at lahat? Paano nila nalamang kahinaan ko ang kadiliman, ang masikip at mainit? Bakit ba nila ako pinapahirapan? Kung sana'y patayin nalang nila ako!

"Patayin niyo nalang ako!" Nahihirapan man ay sinipa ko ang pintuan ng kabinet pero imbes na bumukas ay natumba ito na nagpatama ng ulo ko sa isang metal na bagay sa loob ng kabinet.

Tila umiikot ang paningin ko, naramdaman ko ang mahapding sugat sa ulo ko. Hinawakan ko ito at naramdaman ang malagkit na likidong lumalabas doon. Hindi ko makita ang kulay ng dugo dahil tanging dilim lamang ang nakikita ko.

Katapusan ko na ba talaga?

Mahina akong natawa. Walang tutulong sa akin.. kaya oo, katapusan ko na.

Ngunit patuloy ang pagtulo ng luha ko, ayaw tumigil dahil natatakot ako, natatakot akong mamatay.

Kung kaya kong ibalik ang oras, sana hindi ko siya tinakwil. Sana hindi ko siya tinulak palabas ng condo at sasabihing hindi ko na siya kailangan. Nakakatawa. Hindi ko pala akalaing kailangan ko siya.. dahil gusto ko pang mabuhay.

Malakas na pagbagsak ang narinig ko sa labas ng kabinet at tila nabuhayan ang nanghihina kong katawan nang marinig ang boses niya.

"Azalea!" Boses iyon ni Felix na tumatakbo papalapit.

"Felix.." hindi ko man lang kayang sumigaw, hinang-hina na ako. Walang hangin sa loob, nasasakal ako.

"F-Felix.." pero patuloy ang pagtawag ko sa pangalan niya, nagbabakasakaling marinig niya ako.

"Azalea nasaan ka?!"

Umiling ako nang ang boses niya ay lumalayo. Hindi, hindi pwede. Nandito ako, Felix!

Hindi ko pwedeng alisin ang kamay kong nakakapit sa sugat ko sa ulo at hindi ko na kayang sumigaw, masakit man ang paa ko sa ginawa kong pagsipa kanina ay tiniis ko, nakagawa ito ng tunog na maririnig niya sa labas. Patuloy lamang ang pagsipa ko hanggang sa muli kong narinig ang sigaw niya palapit sa kabinet.

Bumibilog ang paningin ko pero alam kong nahanap na ako ni Felix, hanggang sa nabuksan na niya ang kabinet. Malabo ang paningin ko, hindi ko makita ang mukha niya, pero alam kong si Felix iyon.

"I'm here now, Azalea. I'm sorry I was late.. I'm sorry, kumapit ka.. please." Nakapikit ang mga mata ko pero naririnig ko siya, kinarga niya ako at tumatakbo siya palabas.

Imbes na mag-alala sa kondisyon ko, tila napawi lahat ng sakit nang dumating siya. Dumating siya para iligtas ako. Hindi niya ako iniwan kahit tinalikuran ko na siya. Akala ko susuko na talaga siya, pero mali ako, binabantayan niya lamang ako.

I thought no one will save me but here he was, carrying me at his shoulders and he kept on mumbling something that only I can hear it.

Phrase that he kept on telling me before... na hindi ko akalaing kakailanganin ko ngayon.
"Please don't give up, Azalea."

I won't, Felix. Not again. Not anymore.



That Playgirl's KarmaWhere stories live. Discover now