Chapter 27

3 0 0
                                    

Sa loob ng taxi ay hindi pa rin mawala ang kaba sa buong katawan ko, I am sitting beside Ram habang si Felix ay nasa likuran ng taxi, naka-motor. Ewan ko anong ispirito ang pumasok sa katawan ko at naglakas loob na ako ang sasama kay Ram sa taxi.

Nagpumilit pa si Felix na sasama siya sa taxi pero nag-ayaw ko.

Nang marating namin ang ospital, tila nanibago si Ram kung bakit kami pumunta rito sa ospital. I explained to him that Ryle is inside. He didn't answer, I think he trusted me that he is really inside. I hope so.

Nangunguna ako sa paglalakad, nasa likod ko si Ram at nasa likod naman ni Ram si Felix. Nang marating ang room ni Ryle ay nagdalawang-isip pa akong buksan ito.

Sana kung ano man ang maging bunga ng gagawin ko ngayon, sana walang mangyaring masama.

I was about to open the door when someone opened the door from inside, it was Ryle.

Dalawang segundo siyang tumingin sa akin at nang magsalita mula sa likuran ko si Ram ay doon na napako ang mga mata niya, gulat na gulat.

"R-Ram.." walang pasabing niyakap ni Ram si Ryle. He is crying.

Naglakad ako sa gilid ni Ryle para makapasok sa loob at ganoon din si Felix at saka sinirado ang pintuan. Thankfully, walang ibang tao.

——

Hindi pa rin makapaniwala si Ryle sa katabi niya habang si Ram ay hinahawi na ang mga luha. Nakaupo sa hospital bed sina Ram at Ryle habang kami ni Felix ay nakatayo sa harap nila.

Giving them a look, they are really damn similar, even the hair, medyo humaba ang buhok ngayon ni Ryle kaya magkapareho na sila pero mas maputi ng medyo si Ryle and he has a scar on his neck.

"Akala ko nasa probinsya ka." Ryle's tone change, parang naging mas mahinahon ito.

"Pinapunta ako ni Ate Rein dito, sabi niya.." hindi magawang ituloy ni Ram ang mga sinabi niya.

"Sabi ni Rein patay ka na raw." Ako na ang nagpatuloy na ikinagulat ni Ryle.

"S-Sinabi niya iyon?" Hindi makapaniwalang sagot ni Ryle.

"Now, we want you to answer my questions, Ryle." Hindi na ako nagpadalos-dalos, kaagad kong tinanong ni Ryle ang pinunta ko rito.

"Do you remember when I visited you last time, diba ang sabi mo marami ang bumugbog sa'yo? Paano mo nalamang marami sila?" I crossed both of my arms, waiting for his answer.

His forehead creased "Wait, wait. Anong ginagawa niyo rito at tsaka paano niyo nalamang, may kambal ako?"

"Don't ignore her questions, answer her." Felix's voice was serious and based on his emotion, he is also desperate to know everything.

Natigilan si Ryle at tiningnan si Felix mula paa hanggang ulo. "So you are Felix, huh? Good, may itsura naman. You really have a good taste, Azalea." He said with a mocking face.

I rolled my eyes in frustration, kahit saan nalang talaga bumubukal dugo ko sa kaniya.

"Do you still like me? Are you jealous?" I took a step forward that made him freeze.

"O-Ocourse naka-move on na ako!" He exclaimed. "Hindi ka naman 'yung tipong mahirap kalimutan." But he can't give a normal eye contact with me.

"Then answer me, are you one of them?" Now my voice is serious.

"I don't know what you are talking about. Sinabi ko lang ang mga iyon noon dahil bago ako pinagsuntok-suntok ay nakita kong marami sila, I don't know their faces, they are all covering with black." Ryle explained.

"Ilan sila?" Tanong ni Ryle.

"Uhh... four, as I can remember."

"Kung gano'n, sino ang kausap mo noong araw na nagbreak tayo sa coffee shop?" I asked.

Ngangang napakamot sa ulo si Ryle, "Teka lang, andami niyong tanong!" Reklamo niya.

"Just answer my questions! Titigil din kami, come on!" Hindi na ako makahintay sa mga sagot niya na hindi ko alam kung totoo ba o hindi, but based on my observation on him, he doesn't know how to lie, and if he will, he stuttered.

"Can you explain to me what, where, when– everything! Na-coma ako, alam mo diba?" He exclaimed.

Napakurap ako ng ilang beses, oo nga pala na-coma siya.

"Okay, okay. Do you remember the day I broke up with you?"

"Yes," tila nahihiya niyang sagot.

"And then I walked out, habang ikaw naiwan sa loob."

He nodded his head. "Uhuh."

"Tapos dumaan ka sa exit, hindi sa main glass door ng coffee shop."

"Yeah—wait paano niyo nalaman?"

Muli akong napakurap ng ilang beses. Do I still need to explain it?

"We reviewed the CCTV footage." Felix answered, I looked at him na siya namang tumingin sa akin.

"I was working there, are you satisfied?" Walang emosyon na pabalik na tanong ni Felix kay Ryle.

"Okay, okay. So pinaghinalaan niyo pala ako?"

Napabuntong hininga ako, he is really annoying. "Ryle, can you just—please I'm begging you, answer my question first, can you?"

Nang mapaliwanag ni Ryle ang lahat ay nawala ang pagdududa namin sa kaniya. Isang fanboy niya lang pala ang lalakeng iyon at bago siya nabugbog ay tinawagan pala siya ng kaniyang ate na si Rein na makipagkita sa kaniya sa likod ng building at doon nalang may biglang tumama sa likurang bahagi ng leeg niya at nang ma-comatose si Ryle ay tinawagan ni Rein ang kambal nito na si Ram at binalitang patay na ito, pinatay ko, at iyon ang simula ng mga masasamang pangyayari sa buhay ko.

Lumabas na kami ng room, hinayaan namin ang kambal na magkausap at wala na kaming kailangan sa kanila, they already answered the mystery I've been finding.

All we need to do is to find where the hell is Rein and pay the circumstances she did. Hindi siya nakontento sa pagsampal at sabunot sa akin, kapal ng mukha.

Malapit na ako, I can prove to my dad that he is wrong, that someone wants me to drag down, that it is not a karma all along.

I stopped from walking when the person I am finding right now is not less than five meters away from me. She stopped from walking when she saw us.

"Rein!" I shouted her name when she immediately ran away.

"It's Rein, we need to get her!" Kaagad kaming tumakbo ni Felix para masundan si Rein. Medyo hindi kami makadaan nang may mga taong naglalakad sa hallway at nang nasa may crossing na kami sa hallway ay nawala siya sa paningin namin.

"Mas mabuting hanapin natin siya ng maghiwalay para mas mapadali natin siyang mahanap." I suggest.

Felix shooked his head, "No, delikado, dapat magkasama lang tayo—" I cut his words, I hugged him.

"Thank you for always saving me, but please... let me save myself this time." I whispered on him. Ang akala ko'y pipigilan niya ako sa pagkakataon na ito pero hindi, kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan ang dalawa kong balikat. "Mag-ingat ka, tawagan mo ako kapag nahanap mo siya at tatawagan naman kita kung nahanap ko siya." Kaagad akong tumango sa sinabi niya at tumalikod na para tumakbo.

Imbes na papunta ako sa taas, sa field ng hospital ako papunta habang si Felix ay sa kabila kung saan nakaparking ang mga sasakyan.

Maraming tao ang narito sa field kaya mahirap hanapin si Rein, may napagkamalan pa akong si Rein dahil sa suot na damit, nakasuot siya ng asul na t-shirt at medyo marami ang naka-asul na nurses.

Napahinto ako sa paglalakad nang mahinto ang aking tingin sa taong nakatayo at nasa akin ang tingin, malayo ang pagitan namin pero alam kong siya iyon at ako ang tinitingnan niya.


That Playgirl's KarmaWhere stories live. Discover now