Chapter 16

0 0 0
                                    

Paggising ko ay nasa hospital na ako, nasa gilid ko si Felix, nakayuko at sa tingin ko ay natutulog. Hindi ako gumalaw-galaw para hindi siya magising dahil base sa labas ng bintana, gabi na.

Hindi naman niya ako sinumbong ni papa eh 'no? Kasi lalamparusin ko talaga siya kahit siya tumulong sa'kin. Pero sa tingin ko hindi niya ako sinumbong kasi gumabi na, walang bumisita rito.

Hindi ako makapaniwala. He saved me, again. Dumaloy ang konsensya sa buong kalamnan ko lalong-lalo na noong nagpatawag ako ng security mapaalis lang siya sa unit ko, and how dare I am to call him a stranger? Deserve kong makulong sa cabinet na iyon dahil sa ginawa ko sa kaniya.

Nabagot ako na hindi gumalaw kaya intensyon kong ginalaw ang aking kamay na nagpagising ni Felix. Mahina niyang kinusot ang kaniyang mata at medyo gumulo ang buhok niya na pinasadahan niya gamit ang kaniyang kamay. He look damn fine.

"Kumusta ang ulo mo?" Tanong niya.

Oo nga pala, naalala ko may sugat pala ako sa ulo, hindi ko na kasi naramdaman ang sakit.

"Hindi ko nga naalalang may sugat ako sa ulo." Mahina akong natawa pero agad na huminto nang hindi siya tumawa dahil pag-aalala ang nasa mukha niya.

"May advantage rin pala ang pagiging matigasin mo." Bulong niya na rinig ko naman.

"I can hear you, Felix."

"'Wag mo nang uulitin 'yon." Ngayon ay seryoso na ang boses niya, may halong pag-aalala.

Again and again naalala ko ang ginawa ko sa kaniya, tinulak ko siya palabas ng unit ko na parang hindi siya nagbigay laking tulong sa buhay ko.

"Sorry.." ani ko habang hindi iniiwas ang tingin sa kaniyang mga mata.

"Just don't do it again, Azalea."

I nodded like a child na pinagalitan ng magulang.

"Hindi ka ba natulog kagabi?" Tanong ko.

Umiwas siya ng tingin nang mapansin ko iyon. Kumuha siya ng prutas sa mesa at binalatan ito.

"Paano mo pala ako nahanap?" Tanong ko habang siya ay patuloy sa pagbabalat.

Binigay niya sa akin ang isang ponkan na nabalatan na para kainin ko, kinuha ko ito at kinain, hinihintay ang sagot niya.

"Nilibot ko ang buong campus." Sagot niya habang nasa prutas ang tingin habang ako ay muntikan nang mabulunan sa sagot niya.

"Nilibot mo?!" Gulat na sigaw ko na kaagad tinakpan ni Felix ang bibig ko at tumingin sa paligid. Napagtanto kong may kasama pala ako sa iisang kwarto, kurtina lang ang pagitan, napatingin ang ibang pasyente sa amin na si Felix namang nagpatawad habang ako ay gulat pa rin sa sinabi niya.

Who the hell ang hindi mashashock! Nilibot niya ang buong campus because I was gone. And who the hell would spend their time just to find a jerk like me?!

"Why did you do that?" Wala sa sarili kong tanong.

Kunot noo niya akong tiningnan at binigay sa akin ang iba pang ponkan.

"Because you were gone." He answered with a tone of "obvious"

"No, no I mean. I kicked you out last night, so why?"

Kung ako tinulak palabas ng isang tao never at never ko na 'yang babalikan, kahit makita ko pa siyang mahulog sa kanal hinding-hindi ko siya tutulungan pero nang ginawa iyon ni Felix ay parang kaharap ko ang isang santo. Tinalikuran ko na siya pero siya ang kusang bumabalik.

Sa pagkakataong ito ay tumingin siya sa akin at seryoso ang tingin, "Diba sabi ko, hindi ako susuko. If for you giving up is like a one click then we are different."

That Playgirl's KarmaWhere stories live. Discover now